Chapter 4
Xiana's Point Of View
Nang makarating kami sa clinic na medyo malayo dahil nasa 4th floor pa ito ay kaagad din dumating si Rosy dala ang extra uniform ko.
"Miss bat ganyan itsura mo? anong nangyari sa kanya?" Pagtatanong ng nurse na naka assigned.
Oo na mukha na akong kinuyog. Ang OA ni Gab, maliit lang naman yung mga sugat ko sa tuhod tsaka siko eh. Yun nga lang mukha atang mamamaga yung mga sugat ko
"Miss pinatid nila eh, pwedeng dito na lang siya magpalit ng damit niya para masimulan ng malinisan yung mga sugat niya?"
"Sige sige, tulungan na kitang pumunta sa cr"
Ng makapagshower at makapagpalit ako ay iika ika akong naglakad papuntang higaan para doon magamot ang sugat ko. Sino ba namang hindi manlalagkit sa itsura ko.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo Xiana eh, wag mo na siyang lapitan, ikaw yung napapahamak eh."
Si Grace na ang nagpresintang gagamot sa mga sugat ko. Dahil trip lang daw niya. Sus kung alam niyo lang!
"Ahhww! Grace naman wag mo diinan, mahapdi eh!" Pagrereklamo ko
"Hehe sorry naman nadadala ako kay Gab eh"
"Dinamay mo pa ko Grace, galing mo!" baling niya kay Grace, " Bat ka na naman ba kasi tinira ng mga yun ha?"
Oo mga warfreak sila. As a matter of fact ako yung trip nilang pagtripan nung 3rd year kami..
"Hindi ko nga alam eh... wala naman akong ginawa sa kanila, ni hindi ko na nga sila pinapansin eh"
"Ah so may iba nga'ng dahilan... Confirmed!" Ayan na naman si Rosy
"Huh? Anong confirmed?" Pagtatanong ko kasi di ko alam dahilan...Nablabangko na naman utak ko huhu
Nagseselos siya sayo tanga talaga neto!"
Awwts makatanga kala mo naman ambilis niya makagets."Ah oo nga pala siya ata yung current girlfriend ng crush mo Xiana" ani ni Grace
"Ah kaya naman pala possesive ang gaga" iling ni Gab
"Wala naman akong ginagawang masama kay Drix bat siya possesive?" Nung akala niya sa akin? Stealer? Duhh hindi ako ganun kacheap. Tae niya
"Baka nakarating sa kanya yung pagsabay sayo ni Drix kanina" May pataas taas pa ng kilay na nalalaman si Rosy
"Walang kwenta! Yun lang pagseselosan niya?" Napakababaw naman mg dahilan. Ansarap gawing flat yung ilong niya!.
Hindi porket may gusto ako aagawin ko na si Drix sa kaniya. Hindi ako maninira ng relasyon ng iba para lang makuha ang gusto ko.
"Oy wag masyadong highblood Shan" Pigil ang tawa ni Rosy
"Totoo naman kasi eh! Para yun lang? Seriously ! Kung gusto niya isaksak niya sa matres niya si Drix! Lampake sa kanilang dalawa." Kakainis na talaga siya kung pwede lang talaga na sumapak kanina. Nakow baka may magkabilaang black eye na yun ngayon
"Hehehe Xiana pano ka papasok sa klase niyan kung ganyan lagay mo? Iwan ka na namin?" Turo ni Gab sakin na nakaupo
"Ehh Gab wag niyo ko iwan dito!" Pagpupumilit ko dahil may mga kwento dito sa clinic na may multo daw na naggagala huhu.
BINABASA MO ANG
Fucking Perfect
RomantizmMahirap ba talagang mainlove?. Kasi ako hindi ko alam ang feeling hanggang sa umakto siya na parang gusto ako, na mahal nya ako. Yung tipong hulog na hulog ka na sa kanya na halos di ka na makaahon pero wala kang ginawa para masabi yung nararamdaman...