~ Six .

212 5 1
                                    

> Nate <

I'm Nate Angelo Silva. I'm 14. May girlfriend na nga pala ako. Si Alex. Pero hindi naman talaga ganon yung dapat mangyari eh. Hayst.

Yae na nga. Alam ko may dahilan kung bakit nagkaganito yung takbo nitong istoryang to. Kaso kapag gumawa ako ng move para mabago tong sitwasyon na to, alam kong makakasakit ako, may masasaktan, at may maguguluhan. Paano ba to?

Bakit naging pagmamay-ari ako ng taong hindi ko naman mahal? At yung taong mahal na mahal ko, ay hindi man lang ako napapansin.

Kung pwede lang sanang baguhin tong sitwasyon ko diba?

*

Naramdaman kong nagvibrate phone ko. Tinignan ko baka kasi importante.

From : Girlfriend Alex

Uyy. Nate. Birthday ni Bes bukas. I have a plan. Tulungan mo ko ha. Love ya. <3

Sya po naglagay ng ganan name sa contacts ko. At oo, alam kong birthday nya bukas. HInding-hindi ko yun makakalimutan.

Wala naman akong maintindihan dito sa subject na to. Trigonometry pa naman din. Psh.

Araw-araw lagi ko syang iniisip. Iniisip ko na sana sya nalang si Alex. Atleast di ako nahihirapan.

Pero shet lang. Rebound na tawag don diba? Sorry Alex ha. Di ko talaga to pinlano. Hayst. Makatulog na nga llang. =______________=

*

Dismissal na.

Sabay kaming lumabas ni Alex ng classroom.

Pero bago pa kami mkalabas ng classroom may iniannounce pa sya sa mga classmates namin.

"Uhm. Excuse me classmates, alam nyo naman na birthday ni bes bukas diba? Punta kayo mamayang gabi sa bahay nila ha. Around 11:30pm. This is suppose to be a surprise party. Kaya sshhh lang kayo kay bes ha. Thank you classmates. aasahan ko kayo  ha." pag aannounce nya.

Nagpeprepare pala sya ng surprise party para sa kanya. Wala akong kaalam alam don. Nagtext sya sakin kanina sa class pero until now wala pa syang sinasabi sakin kung anong dapat kong gawin.

Bakit ganon? Mabaiit, mapagmahal at maganda naman si Alex. Ideal girl pa nga para sa iba pero hindi ko lang talaga sya magawang mahalin.

*

Palabas na kami ng gate ni Alex ng biglang... may tumawag sa kanya.

"Bessssssssyyyyyy!!" Alam ko  na kung sino sya. Boses palang memorized ko na.

Lumingon ako sa kanya.

Bakit ba ang ganda ganda nya?

She looks like an angel.

Tumingin si Alex sakin with sumakay-ka-nalang-sa-trip-ko-please look. Shet. Kinabahan ako don. Nakita nya kaya na titig na titig ako sa bestfriend nya?

Nag-usap na sila. May narinig pa nga akong monthsary daw namin ngayon sabi ni Alex.

Pero teka, Kelan nga ba monthsary namin? Shet. Wala talaga akong kaalam-alam pagdating sa mga bagay na hindi ko gusto. Sorry ah. Pero hindi ko talaga gusto tong lahat ng to.

Lumulutang talaga utak ko. Wala talaga akong kaalam-alam dito sa mundo.

Basta ang alam ko, tapos na silang mag usap ni Alex. Hindi talaga ako makatingin sa kanya. Grabe lang. Baka lumala pa kasi.

Pinagpatuloy na namin ni Alex palabas ng gate.

"Nate. Wait." wow magkaryhme. Sabi ng "girlfriend" ko.

My First Boyfriend Died At Fifteen (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon