~ALTHEA'S POV~
Nasa loob ako ngayon ng kotse ni Trevor, kasi nga sabi niya siya na daw lagi maghahatid sakin sa school.
"Anong oras ka ba uuwi mamaya, babe?"
"Mm...Actually may pupuntahan pa ako pagkatapos ng klase eh. May practice kami para du'n sa school performance."
"Ay. Sayang. Dapat ililibre kita ng meryenda eh."
"UY. SABI MO LIBRE? Bukas! Bukas mo ako ilibre!"
"Hinde, ngayon na lang."
"Eh hindi nga ako pwede magagalit partner ko. :(( "
"Ililibre kita ng dinner. Oh, diba?"
"YAY!! Ang bait mo ngayon, Trev! Sama natin si Kuya Ian tsaka si Ate Kimmy haaa?"
"Sure, sure. Pero ikaw lang ililibre ko. Du'n lang tayo sa Chowking sa S-Mall, ha? Kita tayo du'n, 7PM."
"Okay!" Pumara ang kotse at tinulungan ako ni Trevor na bumaba. Aww gentleman :">
"Ingat ka ha?"
"Yep!" Yinakap ko si Trevor nang saglit at pagkalas namin hinalikan niya ako sa forehead.
"'Wag mong kalimutan dinner natin mamaya, okay, babe?"
"Promise. Bye, Trev!"
~LAST CLASS~
Last class, Math. Ugh. Nagdidiscuss ngayon yung professor namin tungkol sa...calculus ba 'yon o trigonometry? Idk. Hindi ako nakikinig eh. :p
Blah, blah, blah.
Kinuha ko ang notebook at pen ko para magdoodle.
Dinoodle ko ang initials ni Trevor.
'T.A.P.D.'
Nakangiti ako habang linalagyan ng kung ano-anong design yung drawing.
"Trevor Audrick Peñarosa Dimalanta," narinig kong bumulong si Velvet. Nakasilip pala sa notebook ko. =,=
"Velvet, nakakagulat ka."
"Trevor? Diba si Oreo 'yon?"
"Haha. Yeah. Nakabalik na siya sa Philippines, actually du'n nga siya sa bahay namin tumitira ngayon."
"Wow. Akala ko hindi na siya babalik, ang tagal din niyang nawala eh."
"Oo nga eh. Pero super saya ko nandito na siya ulit."
"Alam mo, hanggang ngayon patay na patay ka pa rin kay Trevor! ;) "
"Hay. This conversation again. Vel, ilang beses ko ba uulitin? Super love ko si Trevor as a best friend tsaka bilang kapatid na rin."
"Weh? Alam mo pareho kayong shunga ehh."
"Hey. Anong shunga ka dyan huhh?"
"Pareho kayong shunga kasi hindi niyo alam na yung isa sa'yo nagkakagusto na du'n sa isa."
"WHAT?" Nagulat ako. Bakit naman masasabi 'yun ni Velvet? Eh wala naman akong gusto kay Trevor, at wala rin siyang gusto sakin, diba?
"Velvet, anong--"
RRRRIIINNGGGG!!
Epal na bell.
"Bye, Althea!" Nginitian pa ako. Loko.
Ayan tuloy. Hindi ko na natanong yung tungkol sa sinabi ni Velvet.
Nahuli na ako lumabas ng classroom kasi nag-ayos ako ng buhok. Syempre dapat presentable ako! :3