Shannon's
"Ma'am nandito na po yung date nyo." Bigla na naman bumilis heart beat ko pagkarinig ko nun. Humarap ulit ako sa salamin para tignan ang itsura ko bago tuluyang bumaba.
OMG. Ang gwapo nya. No wonder, ilang years ko na syang crush. Ang perfect lang talaga ni Chanwoo. Tall, dark and handsome. Sya na nga talaga ang icing sa ibabaw ng cupcake ko.
"H-hello Christian." Bati ko sa kanya. Shutangina nahihiya na agad ako. Pero sabi ni Chan diba just be myself? Dapat alisin ko 'tong hiya ko dahil first of all hindi naman talaga ako mahiyain. Hindi ako pabebe.
"Hi Shannon. You look stunning." Inilahad nya yung kamay nya sakin. Pakshet ito yung unang beses na mahahawakan ko yung mga kamay nya. Tinanggap ko yun at tuluyan na kaming lumabas ng bahay namin.
Pumasok kami sa black na sports car. Wow, just wow. Sa edad nyang 21 kaya nya na magmay ari ng ganitong sports car? 21 narin naman ako, pwede ko narin kaya syang pag-arian? Yak Shannon ano bang iniisip mo.
"Okay ka lang Shan? You look tensed. Wag kang matense. Haha, di naman tayo maglalaban sa Overwatch eh. At if ever man na maglaban tayo sa Overwatch, I want you to lead me. I will just follow you wherever you go." Wait. He knew that I'm playing Overwatch? How come. Pero what did he just said? Susundan nya raw ako kahit saan ako magpunta.
"I'm okay. First time ko lang kasing makipag..date. No one dares to ask me out so yes, kabado talaga ako. Sorry Christian." There, I told him the truth. Sana hindi sya maturn off dahil dun.
"Just call me Chan or something else. You can call me yours as well." Chan. Naalala ko bigla si Chan, di na ko tinext nun. Busy siguro. But omg did Christian asked me to call him mine?
"Chan.." I uttered.
"Hmm?" Nagmamaneho sya. Ang cool nya talaga! He's the coolest guy ever. Although may pagkachildish parin itong si Christian dahil sa pagkaaddict nya sa video games, hindi yun naging hadlang para magustuhan ko sya.
"Nothing. I just tried calling you Chan. May friend kasi akong Chan din ang name. Just like you..he also play Overwatch."
"I see."
Dumating kami sa isang resto. Wait, familiar 'to! Ito yung restaurant nila Song Yunhyeong! Tama. At kaibigan ni Christian yun si Yunhyeong. Wow, talagang pinaghandaan nya 'tong date namin?
"Good afternoon Christian." Bati sa kanya nung ahjussi na may hawig kay Yunhyeong. Sya siguro yung may ari ng resto na 'to.
"Good afternoon din po tito. Ito nga po pala si Shannon."
"Good afternoon ija. Napakaswerte mong ikaw ang kauna-unahang dinala ni Christian dito. Never pang nagkaroon ng date yan, di gaya ng mga kaibigan nya. Diba Christian? Binata ka narin kase." Pinapanood ko lang si Chan nakausapin yung daddy ni Yunhyeong.
Naglakad kami papunta sa isang vacant room, may isang table dun kung saan nakahanda na ang lahat ng pagkain. Parang traditional korean resto ito kaya mababa lang yung table pati sa lapag lang nakaupo. Chan lead me first to sit bago sya umupo katapat ko. The fuck. Kinikilig na naman ako. Ayoko na.
"Uhh, Shannon? First of all thank you nga pala for accepting my date offer. You dont know how much it made me happy." I giggled. Hindi ko alam na kayang palabasin ni Chan ang inner girly side ko.
"No biggie and I should be the one to thank you. Gaya ng sabi ko sayo, wala pang nag-aya sakin magdate so this is the first time na lumabas ako with a guy companion."
"I see. So kain na tayo? Nagugutom narin kasi ako." Natawa naman ako dahil dun. Ang cute cute nya lang!
We started eating silently. While we're in the middle of our meal, naalala ko si Chan. The other Chan, yung katext ko. Kung itext ko kaya sya? Pero para saan naman. I'm already with the guy I like so why should I bother another guy?
"Shan.." Tumingin ako kay Christian then tumambad sakin yung chopstick nya na may pagkaing nakaabang sakin. Medyo nagulat ako sa act nya na yun pero magpapabebe pa ba ako? I smiled at him before I took that food he was going to feed me.
Shutanginess! Its a freaking indirect kiss. After ko kainin yun, kumuha ulit sya ng panibagong pagkain then sya naman yung kumain. Pakingshet. Pinipigilan kong tumawa dahil sa kilig. Kingina talaga. Kung subuan ko din kaya sya? I bit my lower lip, I can't help not to smile. The fuck. Kumuha ako ng enough food gamit ang chopstick ko.
"Chan say ahh~" Puta ang pabebe moves naman nun. Pero he ate it! He ate what I fed him! Dali-dali akong kumuha ng pagkain ko. Kung pwede ko lang lasapin yung chopstick ko ginawa ko na kaso nasa harapan ko si Christian!
"Shan, hindi naman sa pag aano. But marami akong naririnig sa campus na crush mo raw ako? Totoo ba yun? Di kase ako naniniwala sakanila kase sabi sabi lang nila eh." Whut. Does that means magcoconfess ako ng di oras sa kanya ngayon?! Napaisip ako, gaya ulit ng sinabi ni Chan. Just be myself. Magpakatotoo ako. Since nandito na naman ba yung chance. I should grab it. After naman nito pwede na kong magtago sa lungga ko at hinding hindi na magpapakita pa kay Christian.
"Ang totoo nyan..Chan. Its true. Super crush talaga kita. I dont know kung crush pa nga ba 'tong nararamdaman ko sayo. But I'm sincere about my feelings." I did it. Pero may kulang, hindi ko masabing I'm in love with him. Nahihiya na ko.
"Really.. Wow." Base sa facial reaction nya parang hindi sya makapaniwala. Oo alam kong maganda ako pero hindi naman imposibleng magkagusto ako sa kanya! Ang dami kayang nagkakacrush sa kanya. "So totoo nga talaga. Nakakaflattered naman." I can see his cute dimples that are visible right now. Putangina. Di na kumakalma yung butterflies sa tyan ko!
"Ano ka ba. You dont need to feel flattered or whatsoever. Isa lang naman ako sa mga sangkatutak na nagkakagusto sayo."
"No. Hindi ka lang isa sa mga nagkakagusto sakin but you're Shannon Williams. You're different from them." Feeling ko nagbblush na ko ngayon. Im so sure of it.
"Gusto mo ba maglaro ng Overwatch after natin dito?" Tumingin ako sa watch ko, hindi pa naman sobrang late so pwede pa kami maglaro! Mabilis akong tumango sa kanya.
Bago kami umalis sa resto, lumabas saglit si Chan para magbayad ng kinain namin. Kinuha ko yung phone ko, expecting na may messages na yung isang Chan sakin kaso wala. No messages. Ano kaya ginagawa nun?
"Shan, let's go?" He offered me his hand and he was holding it until we got inside his car. "Nabusog ka ba Shan? Ang sarap ng luto ni tito no? Daddy sya ng kaibigan ko, si Yunhyeong hyung. Madalas kami kumakain sa restaurant nila."
"Yup. Sobra. I like their home made meals. Its really delicious. Thank you Chan."
"You're welcome, as always."
Naglaro kami ni Christian ng Overwatch. I am surprised na master narin ang ranking nya. If Im not mistaken ganun din yung rank ni Chan na sinabi nya sakin nun. Di ko maiwasang hindi kiligin kapag nanttrashtalk si Chan sa kalaban namin lalo na kapag sinasabi nyang "Stay ka lang dyan Shan, ako bahala sayo. Ipagtatanggol kita." Its not just his words pero nagagawa nya talagang kalabanin yung mga umaaligid sa hero ko.
"Thank you so much for today Shannon. Nag enjoy talaga ko. Sa susunod maglaro ulit tayo ng Overwatch ah? Sama ka samin minsan nila hyung." Nagulat ako sa bigla nyang paghalik sa cheeks ko. After that he patted my head. Iba talaga nagagawa ng mga matatangkad.
Hindi na naman ako nakahanap ng mga sasabihin ko sa kanya. Ikaw ba naman ikiss ng crush mo sa cheeks after ng date nyo? Sige nga! Makakapagsalita ka ba agad?!
BINABASA MO ANG
love game 【epistolary #3】
Fanfictionanong gagawin mo pag ikaw ang napaglaruan ng tadhana? epistolary series #3 start: 06-27-17 fin: 08-15-17