065

131 2 0
                                    

Shannon's

Is it just me or parang nasungitan talaga ako ni Chan dahil sa pag-aya ko sa kanyang maglaro ng Overwatch? Ang arte nya naman. Wala namang malisya yung pag-aya ko. Myghawd. Medyo nadisappoint ako dahil sa pagtanggi nya pati sa sinabi nya sakin. I know na may boyfriend ako but that doesn't mean na nagchecheat ako sa kanya. Aayain ko din naman si Christian na maglaro with us. Hindi naman pwedeng kaming dalawa lang ang maglalaro. Nainis ako sa inasal ni Chan kaya hindi ko nalang sya nireplyan. Nawala lang sya bigla tas pagbalik nya ganyan na ugali nya? Very weird.

Breaktime na namin ngayon kaya pupuntahan ko si Chan ko, not my facebook friend ha? Its Chan Jung, the aini of my life. Actually its a special day today. Its our second monthsary! I want to surprise him kaya hindi ako tumawag sa kanya para sunduin ako sa classroom. May dala akong Chopper na plushie, its customized. May pangalan nya na nakaembroid dito. Ayun sya! Kausap mga kaibigan nya. Nakatalikod sya kaya hindi nya naman ako makikita. Bale yung mga kaibigan nya yung nakaharap sakin while him is facing them. Nung nakita nila kong papalapit, nag-gesture kaagad akong wag sila maingay na sinunod naman nila.

"Kase naman hyung! Nagawa ko na magkaroon ng girlfriend. Naging girlfriend ko na si Shannon tapos ayaw nyo pang bigay yung game console ko! Ayan na oh, nakuha ko na sya't lahat pero yung game console ko wala parin! Sabi nyo kapag naging girlfriend ko sya ibibigay nyo na yun. Asan na?!" Bakas sa boses nya na naiinis na sya. Pero ang sakit malaman na he just made me as his girlfriend dahil inutos ng mga kaibigan nya? Para makuha yung game console nya. Funny.

"Ano yun Christian? So you just used me? To get your game console back?" Shannon don't you dare cry. You're strong! Wag mong ipakitang mahina ka. Pinipigilan kong pumatak itong nag-aambang mga luha ko.

"Sh-shannon.." Yun lang ang nasabi nya so ibig sabihin totoo ngang ginamit nya lang ako. "Mali ang iniisip mo."

"No Christian. Break na tayo! Magsama kayo nyang game console mo." Binato ko sapul sa mukha nya si Chopper. Nakita kong pinulot nya yun bago ako tumakbo palayo sa kanya.

All this time hindi naman pala talaga totoo yung nararamdaman nya sakin? Dahil lang pala sa game console kaya nagpanggap sya at niligawan ako. Akala ko nagustuhan nya ako bilang ako mismo. From first love to first heartbreak.

Akala ko video games lang pinaglalaruan nya, di naman ako nainform that he likes love game.

Chan's

Sinubukan kong habulin si Shannon pero hindi ko na sya makita. Dala ko si Chopper na bigay nya pati yung game console ko habang hinahanap sya sa campus pero walang bakas nya ang nakikita ko.

"Ayan, dahil sayo nakipagbreak yung babaeng mahal ko. Bakit kase sumama ka kila hyung eh. Dapat sakin ka lang sumasama. Tignan mo tuloy, mahihirapan akong suyuin sya. Tara nga, iuuwi ko muna kayo ni Chopper." Hindi narin ako nagtangkang pumasok sa klase dahil sa nangyare. Uuwi nalang ako. Hindi ko rin kayang umattend sa klase habang iniisip ko si Shannon. Kasalanan ko kung bakit sya nasasaktan ngayon.

"Oh anak bat ang aga mo yata?" Salubong sakin ni daddy.

Nginitian ko sya bago sumagot. "Sumama po pakiramdam ko dad. Pahinga lang po ako sa taas."

Nahiga ako sa kama habang yakap ko si Chopper. Bakit kaya ako binigyan ni Shannon ng ganito? Anong meron? Tumingin ako sa calendar na nasa table ko. Second monthsary pala namin ngayon! Napa-facepalm ako sa nakita ko. Bakit nasaktuhan pang monthsary namin tas dun din sya nakipagbreak?

love game 【epistolary #3】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon