END

155 4 2
                                    

Chan's

Pagkagising ko puro puti lang yung nasa paligid kaso bakit may naririnig akong nagtatawanan na parang mga demonyo tas sabay-sabay kumakanta ng doobi doobi dap dap? Hindi naman ako pwedeng mapunta sa hell! Angel kaya ako!

"Oh ako naman ah! Okay one, two, three! Doobi doobi dap dap doobi doobi dap dap!" Pangunguna ni Bobby hyung.

Sinasabi na eh. Bale apat na demons 'tong naglalaro sa kwarto ko. Isa tinubuan ng ngiping malaki, yung isa tinubuan ng malaking ilong, yung isa parang dwende tas yung isa mahaba baba. Yung isang demon kase malandi, kasama yung girlfriend nya sa couch. Tapos yung nag-iisang anghel sa paningin ko nasa tabi ng kama ko, natutulog. Bale sa kama sya nakalean. Tangina ang gwapo ni Yoyo hyung... Kung hindi lang ako lalake—

"Gising na si Chan!!!"

"Doobi doobi dap dap Doobi doobi dap dap Doobi doobi dap dap—" wala paring tigil sa kakakanta si Bobby hyung. Kala mo naman magaling na sya dyan porket rapper. Kaya ko din yan no!

"Hoy gago sabing gising na sabi si Chan." Hinila sya sa leeg ni Hanbin hyung. Lahat sila pumalibot sa kama ko. Ano ba hindi pa ko patay!

"Chan akala ko iiwan mo na kami. Huhuhu." Sabay nagpekeng iyak si Bobby hyung. Kahit kelan talaga.

"Ano ka ba pag masamang damo matagal mamatay yan." Sagot ni Junhoe. Kung ako masamong damo eh sya yung kabayong nakita kong mahilig sa damo! Sinamaan ko sya ng tingin.

Kasama ni Junhoe si Jinny pero walang anino ni Shannon. Asa pa kong pupunta yun dito. Laki ng galit nya sakin. Siguro kung nalaman nya pa ngang naaksidente ako siguro natuwa pa sya.

"Speaking of death.. Ano kase Chan, I told Shannon that you died already. Gusto ko lang naman na pumunta sya dito kase mukhang wala na talaga syang balak makita ka. You know? Im just helping you two out.." Nagulat ako sa sinabi ni Jinny. Sinabi nya yun para mag-alala si Shannon at pumunta dito? Baka nga matuwa pa yun tsaka magpaparty dahil sa nalaman nya. "Don't worry, kumatok naman ako thrice para hindi mangyare yun hehe."

Nginitian ko lang sya. Hindi na ko aasa talaga na pupuntahan nya ko.

"Buti naman nagising ka na Chan? Dalawang araw ka ring tulog ah. Pero bat hindi nabawasan eyebags mo?" Panunukso na naman ni Bobby hyung. Inggit lang sya sa mata ko. Malaki kasi sakin sa kanya maliit! Akala ko hindi na ko magigising eh. Puro puri nalang nakikita ko. Nanaginip ako eh, dapat papasok na ko sa taas pero sabi Nya may kailangan pa raw akong gawin dito sa mundo.

Kailangan ko pang bumawi kay Shannon. I need to win her back. Actually nung madaling araw na nagdrive ako papunta sa kanila, dun dapat ako makikiusap sa kanya na bigyan ako ng last chance pero sad to say nangyari nga ang hindi maganda kaya eto ang natamo ko.

"Nagchat sakin si Shannon, tinatanong nya kung saan daw hospital dinala si Chan." Tinignan ako ni Yunhyeong hyung. Halatang may pag-aalala yung tingin nya sakin.

"Hyung pwedeng favor? Sunduin mo naman sya oh. Baka sya naman mapahamak kung mag-isa syang aalis para pumunta dito." Ayun ang hindi ko kayang mangyari. Ako nalang yung mapahamak basta wag lang sya.

"Naks naman ang maknae namin! Hindi na yung game console nya ang iniingatan, babae na ngayon! Woohoo!" Nginitian ko lang sila hyung. Sila man yung dahilan kung bakit nawala panandalian yung game console ko, thankful naman ako sa kanila kase sila yung naglead sakin para mapalapit at magustuhan si Shannon.

Sila dahilan kung bakit mas mahal ko na si Shannon kesa sa kahit anong video games or gaming machines.

"Diba sinabi ni Jinny na patay na si Chan? Bakit hindi natin simulan ang set up? Oy Dong ikaw humiga sa kama ni Chan tutal isang yuko mo lang anytime pwede ka narin mahimlay eh."

"Grabe ka naman hyung. Hindi pa pwedeng umalis si Chan sa higaan nya. Tignan mo nga! May mga masakit pa sakanya." Angil ni Donghyuk.

Nakaalis na si Yunhyeong hyung, nagpasama kay Jinhwan hyung. Naks, dalawa body guards ng aini ko.

"Kumutan nyo nalang ako takip hanggang ulo para magmukhang patay. Diba ganun yung mga nasa tv?" Kahit alam kong hindi dapat nilalaro yung ganitong bagay, gusto ko lang na may marinig sa kanya. Yun bang magiging music sa pandinig ko kapag sya ang nagsabi sakin. Mga ganun ba. Kaya makikisakay ako sa trip nila.

"Nagtext na sakin si Jinhwan hyung. Malapit na raw sila! Ayusin nyo na si Chan bilis."

Kahit naeexcite ako at gusto kong gumalaw-galawa hindi ko magawa dahil sa mga nakakabit sakin. Bandage sa ulo. Sa leeg. Sa left leg. Aish. Mga tinamo kong injury. Gusto kong magtatalon kase pupuntahan ako ni Shannon pero di ko magawa!

"CHRISTIAN!!! Im so sorry aini! Sorry kung tinakwil kita. Hindi mo naman kase ako masisisi dahil sa ginawa mo, ang sakit sakit kaya. Pero huhuhu mas masakit palang makita na wala ka nang buhay." Kahit nananakit ang katawan ko, wala akong maramdaman na kahit anong sakit ngayong nakaakap sya sakin. I want to hold her tight.

"Chan sorry na.. Please gumising ka! Alam kong imposible pero pwede pa naman diba?! Chan sige na! Gising na dyan! Sabi mo maglalaro pa tayo ng Overwatch?! Madaya ka!" Patuloy parin sya sa pag-iyak. Ramdam kong nababasa yung kumot na nakataklob sakin eh.

"Aini ko, kung naririnig mo ko. I just want to tell you that you're my first in everything..well except for that thing but in everything. Si Christian Jung or si Chan ka man, you never failed making me feel special. Ikaw lang yung minahal ko ng ganito eh. If I can bring back time, sana pala pinakinggan ko yung explanations mo para hindi humantong sa ganito."

Nagulat ako sa biglang pagkahila ng kumot na nagtatakip sa mukha ko. Buti nalang nagawan ko ng paraan na hindi nalatang nagtutulog-tulugan lang ako.

"Bes anong gagawin mo?!" Bakit? Anong gagawin ng aini ko?

"I-I'll kiss him.. Even for the last time bes." Shit. Biglang bumilis yung heartbeat ko dahil sa sinabi nya. Naghihintay akong may lumapat sa lips ko pero ang tagal.

At nung naramdaman ko na sya, I slowly kiss her back na ikinagulat nya. Nagmulat ako ng mga mata para tignan syang hanggang ngayon gulat na gulat parin.

"Ch-chan? Buhay ka?"

"ISANG HIMALA!!!" Sigaw ni Bobby hyung. Pucha anong ginagawa nya?!

"Thanks for your kiss aini, that made my life back." Nakakabading pala talaga kiligin. Hindi kase ako naniniwala nyan nung sinabi sakin ni Junhoe yan. Pero ngayon alam ko na feeling.

"Gago ka Christian Jung!!!"

"Mahal mo naman."

And then I winked at her.

END

love game 【epistolary #3】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon