"Ameira! Ano ba dalian mo naman! Nagugutom na ako!"
"Ameira! yung mga labahan ko sa kwarto nakuha mo na ba???"
"Ameira. Bilhin mo to mamaya sa palengke at magluto ka. May dadating tayong mga bisita."
"Ameira! Ano ba bat ang tagal?!!"
"Ameira!!!"
"AMEIRAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!"
Anak ng.
Bagong araw nanaman. Bagong paghihirap. Bagong kabwisitan. Ganyan ang buhay ko araw-araw, dakilang utusan. Simula nung namatay si Daddy, biglang gumulo ang buhay ko. Akala ko nga napaaga ang end of the world nun eh. Pero as time goes by, nasanay na din naman. Well, sympre kasama ng mga demonyong nandito sa bahay. Ayoko sanang tumira dito kaso wala akong choice. Ay teka, nakalimutan ko sabihin pangalan ko. (kahit naman obvious sa pinag gaga-gawa ng evil step sisters ko -__________-) I'm Ameira Emperial, anak ni Simoun Emeprial na may-ari ng Emperial State Company. Pero nung namatay sya, yung stepmom ko na ang pumalit. Sympre, naglalaway sa pera eh. At nagdala pa sya ng 2 palamunin. Ang aking mga stepbaklush (yan ang tawag ko sa kanila dahil daig pa nila ang bakla sa kaartehan.) na si Bubbles at Bianca.
"Ameira!!!! Hindi pa ba tapos yan?!!! Gumalaw ka naman! Nagugutom na ako. Ipagluto mo ako!" oh aya na. Nag utos na po ang aking kamahalan. -__________-
"Ayan na Bubbles. Kukunin ko lang labahan ng ate mo." kalma lang ameira, kalma.
"Gusto ko ako ang unahin mo! Mom! Look Ameira! She's so lame. I'm so hungry na talaga!" ang leche ume-english pa. Haler. Nasa Pilipinas ho tayo dre. >______<
"Ameira ipagluto mo muna si Bubbles. Mamaya na yang labahan at pumunta ka muna ng supermarket." Aba eh ako pa talaga ang magluluto para sa anak nya. JUSKO NAMAN!!
"Okay." i replied coldly. Inis na inis na ako.
"You stupid. Pakibilisan mo."
Why do I have to do this? Pwede bang pumunta nalang ako sa dreamland at dun manirahan kasama ng prince charming ko? Pwde ba yun? PWde bang mag teleport nalang ako at pumunta sa mars? Lord bakit naman kasi ako pa. nung nagsabog ata kayo ng kamalasan eh sinalo ko lahat. Ayoko na. Gusto ko ng sumuko, pero para kay daddy, gagawin ko padin to. Hindi ko iiwan ang bahay NAMIN.
BINABASA MO ANG
Modern Cinderella
Teen Fiction"Walang sikreto ang hindi nabubunyag." Oo. Modern Cinderella ang tawag sa akin. Dating elite at ngayon ay nagigipit. Ameira Emperial nga pala. Basahin mo ang kwento ng magulo kong buhay.