Prologue

108 5 2
                                    


"Aish! Kapag nakita ko talaga 'yung heyep na Frida na 'yun, tatadyakan ko 'yun sa kidney!" naiinis kong sinabi habang naka-harap sa salamin sa C.R. ng bahay ni Pepe.

Anak ng tinapa naman kase, kung hindi dahil sa click bait video na 'yon hindi ako mabubully ng ganito. Tsk. Kasalanan ko bang panoorin yung mga gwapong oppa ko na sina Nam Joo Hyuk at Gong Yoo? Huhuhuuhu!

Tapos ngayon, oh? Nakatulog lang ako sa bus tapos pag-gising ko may drawing na 'bUrat' na sa noo ko gamit pa ang lipstick?! Aishhhh!!! Grabe! Sa ganda kong toh?! Humanda talaga sila sa'kin!

Sinutok-suntok ko 'yung salamin.

Bago ko pa tuluyang mawasak 'yung salamin, binuksan ko yung backpack ko at kinuha yung tissue.

Bwesett!! Isinusumpa ko talaga yung FB page ng PotahHamnida~!

Binuksan ko 'yung gripo na nakabit sa maliit na lababo sa ibaba ng salamin.

"Kapag minamalas ka nga naman," walang tubigggg XD.

Ano pa bang aasahan ko dito? Eh for viewing na nga lang tong bahay ni Pepe. Ewan ko ba kay manang at talagang super persistent sya na gamitin ko 'tong C.R. Alam ko talaga bawal hahaha. Paano na lang kung tatae pala ako, papayag pa rin kaya siya? Potah wag naman! Walang tobeg!

Habang pinupunasan ko 'yung bOrat sa noo ko, bigla namang may umeksena galing sa labas.

*knock knock*

"Matatapos na po, waits!" sabi ko.

Diniinan ko na 'yung pagpunas sa noo ko. Shet, 'di ko kasi na dala 'yung watching kdrama starter pack ko. Nandoon lahat ng wet wipes ko >.<

*knock knock*

*knock knock*

Fashneya! "Okay po, matatapos na!" sigaw ko.

*knock knock*

Ipinasok ko na 'yung tissue sa backpack ko at saka hinawakan 'yung door knob. Aishh! Nangangalahati pa lang 'yung pagtatanggal ko sa bOrat eh!

Mabilis kong binuksan 'yung pinto.

"Eto naman si manang oh, pinapapasok ako tapos papalabasin nyo din ako aga--," napahinto ako at natulala sa mga nakikita ko.

"Ipagpaumanhin niyo ho, ang buong akala ko ay bakante ang palikurang ito," nahihiyang sabi nung babaeng marahil nasa mid-20s na 'yung edad sa akin. Nakasuot siya ng puting camisa, mahaba at bulaklaking palda, at puting panuelo. Nakapusod ang kanyang buhok at morena ang kanyang balat.

May narinig akong ingay mula sa kanyang likuran. Parang naghalong ingay ng mga taong nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Tumingin ako sa kanyang likod at may isang maliit na kainan. May tatlong babaeng naka saya ang pabalik-balik sa mga lamesang okupado. Para bang inihahatid nila 'yung mga orders nung mga naka upo dun. Sa may kanang bahagi ng kainan ay 'yung entrance ng kainan, makikita mo na maraming nagsisipasok na customers. 'Yung mga kababaihan ay nakasuot ng Victorian gown, 'yung iba naman ay naka saya din. Sa mga kalalakihan naman, 'yung iba naka-khaki uniform at barong. 'Yung iba naman ay naka long sleeves and tie.

Naiwan kong nakabukas ang aking bibig.

Okay...

Buffering...

WTF!

Poker face at padabog kong isinara ang pintuan ng C.R. nila Pepe.

Huminga ako ng malalim.

Binuksan ko ulit 'yung pinto at ganoon pa din ang scenario.

Padabog ko ulit itong isinara.

Okay, kalma bes. Nakita ko na 'to sa FB at YouTube. 'Yung tipong papasukin ka nila sa elevator or C.R. cheverlu 'tas habang nasa loob ka babaguhin nila 'yung nasa labas tapos magugulat ka hahahha! Taena! Di ko akalain mapaprank din ako ng gan'to at dito pa kina Peps. XDDD Kaya pala persistent si ate XD.

"Okay, sige na, you got me guys!" Sigaw ko at sabay kong binuksan ulit ang pinto.

"Ay anak ng kabayong bondat!" halos tumalon naman 'yung mga daga ko sa dib-dib sa gulat ko kay ateng naka saya. Nasa labas pa rin pala sya. At mas malapit ngayon ang mukha nya sa akin compared kanina. Take note, nakasimangot na sya ngayon.

"Bes, nagulat naman ako sa'yo," sabi ko at inilayo nang kaunti 'yung mukha ko.

Iniliko niya ng bahagya ang ulo niya at tinaas ang isa niyang kilay. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Naramdaman ko namang parang nanahimik ang buong kainan. Sumilip ako sa likuran ng babae at para yatang naktingin sa direksyon naming 'yung mga tao.

"Toh naman, parang ngayon lang nakakita ng maganda ha ha ha ha," pagbibiro ko. Napakamot ako sa ulo. Walang reaksyon 'yung babae.

Awkward amp.

"Saklolo!"

Nagulat ang lahat ng may biglang sumigaw mula sa labas ng kainan. Umalingawngaw sa loob 'yung sigaw ng babae. Sa laki ba naman ng bintana ng lugar na eto eh, 'di pa ba namin maririnig 'yung nasa labas? Nagtayuan ang mga tao at nakiusyoso sa nangyayari sa labas.

Napalingon din 'yung babaeng nasa harap ko at mabilis na pumunta sa labas ng kainan. Dahan-dahan naman akong pumuslit sa gilid at nakidungaw mula sa malaking bintana ng kainan.

Sa labas ay may mga karwaheng pinapapatkbo ng kalabaw at kabayo. Maraming tindhan ng mga gulay at mga prutas. May isang babae ang nakasuot ng gold Victorian dress ang sumisigaw ng "saklolo!" at may isang batang lalaki ang tumatakbong nakayapak papalayo sa babae ang may daladalang maliit na supot.

Maya maya pa...

*bang!*

Isang malakas na ugong mula sa isang baril ang gumalat sa amin.

Napatakip ako ng tenga at napapikit. Ganoon din ang mga tao sa paligid. Noong tumingin ulit ako sa bintana, nakahandusay na ang batang lalaki sa lupa at duguan na ang kanyang kanang paa. Gamit ang dalawa kong kamay, napatakip ako ng bibig. Nanlaki ang aking mga mata. Halos maduwal ako sa nangyari.

Holy shet!

Hindi na ito prank. 

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon