[9] Tears

114 5 0
                                    

Sorry kung soooobrang tagal kong mag-UD. Na re-format kasi yung laptop ko eh. Lahat ng stories ko, nandun :"( Kaya ni-re-type ko pa lahat. At nag-bakasyon nga pala ako. Haha. Nakaka-amaze yung Donsol. Gurabi :">

Osyaah. On with the story!

Vote, Fan. Leave a comment!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

After naming kumain, I decided na maglakad-lakad muna sa garden dun sa likod ng bahay.

Para naman malaglag yung sandamakmak kong kinain, no. Hahaha.

Nakarating kami ni Stephen dun sa may greenhouse na part nung garden.

Ang ganda, kasi ang daming orchids and roses, and they complement each other well.

Yung parang na-transport ka sa isang magical na lugar.

OA man yung description, pero ganun talaga yung itchura eh.

Umupo kami dun sa isang sofa na super laki. As in, kasya ata yung 5 tao.

Tapos, ang dami-daming pillow. Ang sarap sigurong matulog dito.

Ang presko kasi eh. Sabagay, maraming halaman.

Mga ilang minutes rin yung nakalipas bago kami nakapag-salita, kasi, talagang napaka-serene nung paligid.

“Uy, Stephen! Tulala much?”

“Ahh? Ah. Hehe. Oo. Ang tagal ko na kasing hindi nakaka-punta dito eh.”

“Talaga? When was the last time that you went here ba?”

“Siguro, when I was 9? Yun na kais yung last time na nakasama ko yung mama ko eh.”

I noticed na wala na yung happy-go-lucky na Stephen na kasama kong kumakain kanina.

It was replaced with a sad guy that has longing in his eyes.

“Bakit parang na-lungkot yang mukha mo?”

Iniwas niya yung tingin niya sa akin.

“Ha? Wala ‘to.”

“Eto naman. Akala ko ba, friends tayo? Eh bakit ayaw mong mag-share?”

“Mahirap kasing balikan yung nakaraan. Lalo na kapag masakit pa rin hanggang ngayon.”

“I know how you feel. Kaya nga makikinig ako eh. Para at least, madamayan kita.”

A silence-filled air passed between us.

Nakita kong naka-yuko siya na parang may malalim na iniisip.

After a few minutes, nagsalita na rin siya.

“My mom died in a helicopter crash when I was 9. Nagbabakasyon kasi kami nun dito sa tagaytay. Kaso, there was an important meeting that needed attendance by my mom then.

Kasi daw, yun yung IPO ng company namin. So she really had to go, kasi my dad was already waiting sa manila.

She decided to take the company chopper. We didn’t know kung may sira ba yung chopper, or sinadya, pero may mga wires na nahugot at naputol.

The chopper crashed at a private lot sa may Makati.”

I saw a tear that fell from his eye.

I don’t know why, pero may naramdaman rin akong tumulo galling sa mata ko.

“Alam mo, my mom promised me na babalik siya. Na sandal lang siya, at pag-balik niya, magpupunta daw kami sa park with dad.”

“Alam mo, hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako. Naghihintay pa rin ako na mabuo pa rin yung family namin. Kasi, ngayon, si dad, puro nalang business ang inaatupag.

Ni hindi na nga kami nagkikita sa bahay eh. Palagi nalang siyang wala.

Kaya minsan, iniisip ko, bakit yung mommy ko pa yung kinuha ng diyos? Mabait naman siya. Matulungin sa iba. Bakit sa lahat-lahat ng tao sa mundo, yung mommy ko pa?”

I don’t know what came over me, pero sa mga sandaling ‘yon, hi-nug ko siya.

Hindi ko alam na yung isang ganung kabait na tao kagaya ni Stephen could go through such a tragic accident.

Alm ko na hindi siya yung na-aksidente, pero yung feeling na mawalan ka nang nanay.

Alam ko yun.

Alam ko kung gaano ka-sakit yun.

Alam ko yung feeling na bigla nalang mawawala yung pinaka-importanteng babae sa buhay mo.

Yung pag-gising mo, wala ka na palang mommy.

Na ulila ka na.

Alam ko, hindi nun mababawasan yung sakit na nararamdaman niya, pero sana, sa simpleng hug na ‘yon, mararamdaman niya na merong isang tao na palaging nandito para sa kanya.

Medyo matagal rin kami sa posisyon naming ‘yon. Siguro, mga 5 minutes rin.

Parang naramdaman ko na medyo bumibigat na yung ulo ni Stephen sa balikat ko.

“Stephen?” Pa-bulong kong sabi.

“Uy.. Stephen. Tulog ka na ba? Wag kang gumalaw kong oo. Gumalaw ka kung hindi”

Parang engot lang yung tanong, no?

Nung medyo inangat ko yung ulo niya, nakita ko nga na natutulog na siya.

Natawa naman ako ng mahina, kasi ka-uagaling ka-ugali ko siya. Yung after mong kumain, nakaka-tulog ka.

Grabe. Umiiral nanaman yung pagka-batugan ko.

Hiniga ko nalang siya dun sa sofa na inuupan naming. As if naman mabubuhat ko ‘tong lalaking ‘to sa kwarto dun sa bahay, no?

Ano ako, kargador? -___-

Tiningnan ko yung mukha niya habang natutulog.

Ang cute nga rin pala nito, no?

Duh? Kaya nga pumayag kang makipag date sa kanya, ‘di ba?

Oo na. sige na. Siya na ma-appeal.

Pero, iba talaga yung nararamdaman ko eh. Kasi, hindi siya yung typical na MVP.

Kasi, usually, yung mga ganun, mayayabang.

Tapos, iniisip lang nila, puro basketball, tapos, kung paano sila makaka-kuha ng mga chicks.

Pero iba ‘to eh.

May values. Hindi basag-ulo. May respeto sa mga babae.

Alam niyo ba, may isang babaeng nag-confess sa kanya may gusto pala siya kay Stephen (imbis namna sa akin, no? Anu ako, tomboy? Weh?) pero, hindi niya pinahiya.

Hindi katulad nung iba niyang teammates na ipagsisigawan pa na

“Hala! Ayaw ko sayo. A-Cup ka lang eh”

Yung ginawa niya, nilayo muna niya yung babae sa maraming tao tapos sinabi niya na “Sorry ah? Pero hindi siguro yung taong para sa’yo, kasi, may may-ari na sa puso ko eh.”

Oh, bilib na kayo dito kay Mr. Banat? Ako, medyo, eh.

Ang peaceful nang mukha niya.

I saw a different side of Stephen today.

And I’m glad na unti-unti na naming nakikilala yung isa’t-isa.

Although, ang sad nung nangyari sa mom niya.

I’ll make sure na nandito lang ako palagi sa tabi niya if ever he needs a shoulder to cry on.

I’ll be here for him.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

AllyLoove<3

When the last teardrop falls...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon