Chapter 6.

102 0 0
                                    

Chapter 6.

JM’s POV

Hay .. ngayon araw na to hindi ko kasi talaga feel pumasok, ewan ko ba kung bakit siguro dahil na rin dun sa seatmate kong si ano nga ba pangalan nun?

Miga ? Gabby ? ay siya .. hindi ko maalala . basta yung babae kong seatmate na ewan ko ba na parang ang laki laki ng galit sakin e wala naman akong ginagawa sa kanya.

At isa pa syempre etong problema dito sa bahay. Tss. kaya ako wala akong pakialam sa mga kompanyang kompanya na yan e. bahala silang mag-agawan diyan. Pero ang kinagulat ko nalang ay may babae ng ipapakasal na agad sa akin? HUWATTT !!!!! hindi ko naman kilala!! at mamaya ko pa lang siya makilala.

Halos lahat ng kaklase ko feel na feel ko na welcome ako at natutuwa ako doon kasi ibig sabihin mabilis akong makaka-adopt dito sa school nila, ang hirap kaya ng maging transferee kung bakit pa kasi kami bumalik dito sa Pilipinas.

Kahapon, buong araw ko siyang kinakausap, pero wala man lang akong nakuhang matinong sagot sa kanya. Tintry ko pa ngang maging mabait sa kanya e, pasalamat na nga lang siya at maayos ang approach ko sa kanya kahapon at ngayon makikita na niya kung ano talaga ako.

Akala ba niya mabait ako, Oo mabait naman ako no kung mabait ka din sakin, Aba sungitan ba naman ako ng wala naman akong ginagawa sa kanya, Aba iba na yata yun no.

At ngayon nga pumasok na ko ulit sa klase ko, at kung sinuswerte ka nga naman nagpaseatwork si Mam at partner pa kami nitong si sungit. Tss. Siguro nagme-menopause na to.

What a life !

At dahil nga ayokong masungitan ulit, ako na ang nagdesisyon na ako na ang magsasagot ng number 1 at 3 at kanya ang 2 at 4.

Nagawa naman namin ng maayos, nasagutan naman namin pareho, buti nalang hindi rin masyadong nagsasalita ton si sungit. hahahah .

Natulog nalang ako sa time namin ng Filipino, nakakaantok kasi talaga at hindi ko na mapigilan ang antok ko, buti nalang at medyo likuran ang upuan ko kaya naman hindi ako masyadong pansinin ni Mam.

Ang ingay lang ni sungit kasi naman sagot siya ng sagot kay Mam, edi siya na anak ni Rizal alam na alam ang El-Filibusterismo. Tss.

Mia’s POV

“Besxy !” tawag sakin ni Majie.

“O bkit B ?”

“Kinausap ako ni Sir Mike kanina, kung gusto ko daw sumali doon sa dance group ng school, ano sa tingin mo?”

“Nakuu B, sumali ka na, chance mo na yun nu, at tsaka magaling ka namang sumayaw kaya kering-keri mo yun, tamang tama andun din si Vincent di ba ?” Nakalimutan ko palang sabihin na etong Bestfriend ko na to hindi lang to fashionista no magaling din yang sumayaw. Promise ! kaya nga bagay na bagay sila ni Vincent para sakin e. ^_____^

“Yun nga ang iniisip ko e, gusto kong sumali kaya lang nandoon yung bwiset na yun!”

“Sumali ka na no! Chance niyo na ni Vincent na maging magka-close”

“Waaaaaa !! ano ka ba B ! ayoko nga sabi sa kanya no !” nagmamaktol na sabi ni Majie na may kurot pang kasama.

“arayyyy !!!!! oo na, oo na ayaw mo nga di ba sa kanya, sabi ko nga di ba ?” naku naman umiral na naman ang pagiging battered bff ko . T______T kaya Oo nalang ako, hahaha . feeling ko naman magugustuhan din ni Besxy yung si Vincent . hahaha .

“Sige B, pupunta na ko dun sa may dance hall, sapok sakin yung Vincent na yun kapag kinausap niya ko!” sabi sakin ni Majie habang paalis na siya papuntang dance hall.

“Okay sige, Bye Bye !!! Pero kay Vincent pa din ako. hahahaha” sigaw ko sa kanya.

at nginusuan lang ako ng loka.

*** Tutooot – tutooot .

“Oy!” ano ba yan biglang may nagtext kaya naman gulat na gulat ako.

Si Elay nagtext, aba niyayaya akong magSm ng loka, siguro marami yung pera ngayon.

Mareplyan nga, minsan lang magyaya yun. ^_________^

“Ouch!”

“uy, sorry hindi kita napansin, nagmamadali kasi ako e pasensya ka na talaga ha?”

Nahulog lahat ng bitbit ko sa kamay ko mabuti nalang nasalo ko agad yung cellphone ko kung hindi nakuu po.

Pero imbis na mainis ako sa nakabanga sa akin, natulala pa ako. O________O

“uy, pasensya ka na talaga ha?” sabi niya habang pinupulot isa-isa ang mga gamit kong nalaglag.

“Ha? o-ok lang”

“di ba ikaw si Mia?”

“aa .. o-oo ako nga, natatandaan mo ko?” O_______O

“Oo naman no, ikaw yung nakasabay ko sa tricycle kahapon di ba ? pati yung nag-add sakin sa FB?”

Oo, tama kayo ang nakabanga nga sa akin ay ang aking ultimate to the highest level na crush na si Justin Fernandez.

“Pasensya ka na talaga Mia ha? nagmamadali kasi ako, pinapapunta kami sa Gym, kakausapin yata kami tungkol sa tournament, nuod ka ha?”

“Oo naman!”

“Sige maiwan na kita, sorry ulit ha?”

“Oo, Justin, ok lang, ingat ka” *_________*

“Ikaw din ^________^”

At tuluyan na siyang umalis habang kumakaway sakin para magpaalam.

Oh my ! sabi nia “Ikaw din” ibig sabihin ingat din ako?

KYAAAAAAA ! ^_____________^

Oo, papa Justin, para sayo magiingat talaga ako. ^______^

*** Tutooot – tutooot .

Ayan may nagtext na naman, Si Elay ulit, on the way na daw siya.

Nakuu naman, makapunta na nga.

Bago pa man ulit ako makalakad may mga humarang naman sakin grupo ng mga babae.

“Hep-Hep ! san ka pupunta?” sabi saki nung isang kulot-kulutan ang buhok na ang puti puti ng mukha dahil sa foundation.

“Akala mo ba hindi namin nakita na binanga mo si Papa Justin?” sabi naman nung isa na parang nasampal ng paulit-ulit dahil sa pula ng blush-on.

“Oo nga, siguro nakikipag-flirt ka sa kanya no!” sabi nung isa siguro yun ang leader sa kanilang tatlo.

Isa lang ang masasabi ko para silang powerpuff girls pero yung panget na version.

“Ha? Sino naman kayo?” naguguluhan kong tanong.

“Kami, hindi mo kilala ? kami lang naman ang leader ng fans club ni Madelaine Torres!” sabi ulit ni blush-on.

“Sino naman si Madelaine Torres?” naguguluhan ko pa ding tanong.

“Aba !!! sumosobra ka ng babae ka no! hindi ka lang pala flirt, bobita ka pa!”

“Si Madelaine Torres? hindi mo kilala? Siya lang naman ang GIRLFRIEND ni Justin no, at kami bilang leader ng fans club niya ayaw naming may umaaligid-ligid sa boyfriend niya!!!”

“Kaya kung kami sayo! Wag ka ngang lalapit-lapit kay Justin pwede ba?! kung ayaw mong hindi lang SLAPPPPP ! yan ang aabutin mo!!! tara na nga girls” at naglakad ng pakembot kembot na umalis ang tatlong panget na version ng powerpuff na yun.

“Aray !! masakit yun ha? at ako? FLIRTTTTT? e ako na nga itong nabanga ni Justin, ano ba yan” T______T

Lord masama po bang kiligin ng ilang minuto dahil kay Justin? wala naman po akong ginagawa kinikilig lang po ako bakit po kaya nasampal agad ako.

Hay .. (__ __”)

Love is Destiny. (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon