Chapter 9.

111 1 1
                                    

Chapter 9.

Mia's POV

"Goodmorning Mia", bati sakin ng ilan sa mga kaklase ko, buti nalang may mga naiwang mababait pa sa kanila .

"good morning din" bati ko naman.

"hoy, besxy, ano na parang lugmok ka yata dyan ngayon" pangungulit ko kay Majie.

Aba ! Himala to ang bestfriend ko hindi masyadong makulit.

"hay nako B, tigilan mo muna akong ngayon, masama pakiramdam ko, masakit ang ulo ko ngayon"

"sungit nito! Bakit naman? Nakasama mo lang si vincent kahapon nagkaganyan ka na agad, iba talaga karisma nun" pang-aasar ko pa ulit kay Majie.

"waaa !! Ayun na nga besxy e dahil sa bwiset na lalakeng yun kaya lalong sumasakit ang ulo ko sa kanya, biruin mo sabihan ba naman ako kahapon na hindi daw ako magaling sumayaw! Aba edi syempre pinakita ko sa kanilang lahat na mali ang sinasabi niya at dahil nga hindi nman ako nakapagpractice or nakapagstretching ayan sumakit ng bongga ang katawan ko" daing ni majie.

"hahaha, si besxy nagpakitang gilas kahapon, sayang d ko man lang napanuod, hahaha"

"tse ! Maige na nga yun kesa makita mo pa ang nangyari kahapon! Nakakainis talaga"

"hahaha, ok lang yan B, atleast magkakalapit na kayo sa isa't-isa"

"mukha niya no, hindi ko siya magugustuhan ever"

Dumating na ang teacher namin kaya nman umayos na ako ng upo ko, tumingin ako sa tabi ko. Aba! Late yata ngayon si Bipo.

"ngayon sasabihin ko na kung sino ang naexempted sa inyo sa major exam!"

"dalawang partner sana ang maeexempted kaya lamang ay mali ang solution ng isa pero nakuha pa rin nman nila ng tama ang sagot kaya naman bibigyan ko nalang sila ng plus sa major exam."

"naku po, sana hindi kami yun, hindi ko pa naman masyadong nacheck ang sagot ni Bipo tapos sabi niya pa na masyado daw mahaba ang solution ko! Oh no ! Paano na ang future namin ni Justin nito" (__ __")

"okay! Congratulations to Mr. Hernandez and Ms. Ramos, kayo ang nakakuha ng tamang sagot, you two are exempted in our major exam, Good Job" sabi sa akin ni mam

"where's Mr. Hernandez?"

"i dont know Mam, baka po late siya" sagot ko naman kay Mam

Yesss !!! Exempted ako sa major exam ! Matutuwa nito si Mama. ^_______^

Maya maya may dumating  na dalawang tao . Aba ! mukhang nalate nga si Bipo, minsan lang yun ha, asarin ko nga .

"Oh! Mr. Hernandez you're late! By the way you and Ms. Ramos are exempted in our major exam"

"thank you mam" Ang seryoso niya yata ngayon ha? Parang malalim ang iniisip.

"Ms. Barrera, excuse me"

may inabot na letter si principal kay Mam Barrera.

"okay class, may bago pala kayong classmate ngayon, iwelcome niyo na ang inyong bagong classmate si Arianna Soriano"

"Hi! Im Arianna Soriano and Im very happy kasi pinayagan pa akong makapasok dito sa school niyo kahit late enrolee na. uhmm . well I’m JM’s fiancé by the way."

Nagbulong bulungan naman ang mga kaklase ko. “fiancé daw ?” “edi ibig sabihin may girlfriend pala si JM” “fiancé na nga dba?!”

huwaaaa ! Sabi ko na e pamilyar ang itsura ng babaeng to at tama ako, siya nga ang kasama ni Bipo sa Mall, fiancee pala e bakit parang hindi naman masaya si Bipo na andito ang fiancé niya? Hmmm .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love is Destiny. (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon