I

39 0 0
                                    

"Love only fades when you confirm it yourself that it's not love."

Parang kailan lang noong huli ko siyang makita. Noong araw na pareho kaming umiyak dahil pareho kaming nasaktan.

Parang kailan lang ayaw niya pa akong pakawalan. Noong ang bawat segundo ay dumudurog sa'ming dalawa dahil gusto ko nang kumawala pero kumakapit pa rin siya.

Parang kahapon lang nang yakapin ko siya dahil pinalaya niya na ako.

Parang kahapon lang, inakala kong sa kalayaang ibinigay niya, tapos na lahat ng hirap.

At ngayon hinihingi ko sa Diyos, no matter how much it will worth, sana hindi na lang nangyari ang mga kahapong iyon.

Para kami pa ring dalawa.

Turning Tables (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon