II

40 0 2
                                    

"Mahal mo ba siya?"

Iyan palagi ang tanong nila sa'kin. Minsan, nakakarindi na. Nakakasawa. Pero sino nga ba ang mas considerable na tanga kung pati ako sumasagot ng, "Hindi ko alam," ?

Sa sobrang tagal at daming beses ko nang na-encounter ang tanong na 'yan, paulit-ulit lang din ang mga sinasabi nilang, "Mahal mo nga."

At kahit na sawang-sawa na ako sa tanong na yan, hindi ko pa rin makayanang lakasan ang palagi kong ibinubulong na  tugong, "Alam ko naman eh, di ko lang kayang tanggapin."

4 years ago before this day, niyakap niya ako. Mahigpit, puno ng sakit at panghihinayang. Sa aming dalawa, hindi ko itatangging ako ang naging tanga.

Noong araw na 'yon, habang nakakulong ako sa bisig niya, nakaramdam ako ng pagka-awa sa kanya. Siya kasi yung mas nagmahal sa aming dalawa kaya siya yung mas nasaktan. Siya yung nagparaya kaya siya yung nangulila.

Ilang beses na din ako nakatanggap ng mga text galing sa mga kaibigan namin. Nagmamakaawang huwag ko ng iwan si Khylle. Hindi raw kasi niya kaya. Ilang araw siyang tulala at ilang gabi siyang gising. Ilang linggong nagpapakalango at ilang buwang umiiyak.

Nakonsensya ako. Sobrang nakonsensya dahil hindi ko akalaing dadating sa punto na susubukan niya pang tapusin yung buhay niya.

3 months after kong makipaghiwalay, ine-enjoy ko na ang buhay ko dahil pakiramdam ko malayang-malaya na ako. Ang mali ko lang, nakalimutan kong isaalang-alang na baka si Khylle nakakulong pa. Hindi nga ako nagkamali.

Isinugod siya noon sa ospital dahil na-overdose daw ito sa sleeping pills. Everyone who knew so little about our break up thought he was just unable to check the correct dosage. Ngunit ang mga tingin na ibinigay sa'kin ng mga magulang, kaibigan at kamag-anak namin ay pagmamakaawa.

Kinausap ako ng mommy niya tungkol doon at nakiusap na kausapin ko daw si Khylle. Knowing na hindi ako pinagtaniman ng galit ni tita kahit may karapatan siya, I did my best para makabawi man lang.

Entering Khylle's hospital room was like entering battlefield. Alam kong kahit na ano pa ang sabihin ko, at the end of the day, masasaktan ko pa rin siya.

"Are you here because you're taking me back?" He said hopefully.

Minsan lang talaga siya humingi ng pabor kaya minsan ko lang makita ang mga mata niyang umaasa. At hindi ko alam kung paano nakaya ng konsensya kong sagutin siya.

"I'm here cause you tried to kill yourself. Are you insane?!"

Nakita ko kung paano siya nawalan lalo ng gana. I've seen him beaten and wounded before, but I've never seen him so.... broken

"I'll be alright." Iyan yung katagang sinabi niya na nagpaalab pa ng galit ko.

"ALRIGHT?! How can you say you'll be alright kung nasubukan mo na ngang magpakamatay?!" I felt my eyes welled up. Tears starting to form because of frustration. Naiinis ako dahil hanggang ngayon, big deal pa rin ang break up namin sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagmu-move on at dahil doon, kinakain ako ng konsensya ko.

"I'm sorry," He said " I'll be fine. I'll be able to move on too. Hindi lang ngayon. Hindi ko pa kaya ngayon. Pinalaya kita but the memories won't let me go. I'll be better, somehow, but not yet now. I know you know I was lying when I said I'll be alright."

Tiningnan niya ako sa mata as if weighing if it's worth to spit the words out. Hesitating if he must tell me the thoughts running in his mind.

"I just said I'll be alright because you wanted me to be that way. You wanted me to be alright." He looked down his hands before lying in the bed with his back facing me.

"At hindi ko maintidihan kung bakit mo inaasahan na maging maayos ako nang wala ka na sa buhay ko."

Damn it if I wasn't taken aback.

Those words hit me. I knew Khylle won't be any better kapag alam niyang andito pa ako. He won't be able to move on when I'm everywhere to be seen.

I took the opportunity that our company was offering me. Being one of the excellent photographer and wedding planner that our company can offer their other sister companies, I was in the position to make a change.

I fished my phone out and dialled the number I was aiming for.

"Sir, I accept your proposal regarding your business in France."

Turning Tables (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon