Chapter 1

131 2 1
                                    

My power mean no harm. I must complement with it.

___________________________________

The sunshine kissed the pond as the little frog jumps in. The trees located at the edges of the field. The birds sing as the trees dance with the blow of winds. The field is so clean and it is coated with green grass. At the center of the said field, it is occupied by Prof. Jeffrey's class. His students are having a battle with their classmates.

"Ok next, Mr. Tick vs. Ms. Lyn" pag anunsyo ni Prof. Jeffrey.

Agad na pumunta sa gitna ng dalawa

"Ang kailangan nyo lang gawin ay ma-hit ng isang beses ang kalaban. Maliwanag ba?"

Sabay na tumango ang dalawa.

Hindi kaila sa mga estudyante na parehas na malakas ang dalawang magkatunggali kaya naman sila ay na eexcite sa nasabing laban. Bumuo ng isang barrier si Prof. Jeffrey na kumukulong sa dalawa upang hindi sila makapaminsala.

Matapos mabuo ang barrier ay biglang nagsalita si prof. Jeffrey hudyat ng pagsisimula ng laban

"Let the battle begin"

Inilabas ni Lyn ang kanyang pana habang si Tick naman ay may hawak na dagger. Mataas ang accuracy ni Lyn kaya malaki ang tyansa nyang manalo.

Nagsimula na siyang asintahin si Tick at ng maasinta na nya ng ayos ay pinakawalan niya ang palaso.

"Gaya ng inaasahan." Bulong niya sa kanyang sarili ng makaiwas si Tick. Kung kilala siya sa pagkakaroon ng high accuracy, si Tick naman ay kilala sa pagkakaroon ng mabilis na kilos isama pa ang maliit nitong katawan na nakatutulong upang mas lumiksi ang kanyang kilos

Taimtim na nanonood ng laban ang mga estudyante gayundin ang kanilang guro na si prof. Jeffrey sapagkat silang dalawa ang itinuturing na pinakamalakas sa kanilang klase.

Bumunot si Lyn ng isa pang palaso at ito ay inasinta kay Tick at gaya ng naunang palaso, naiwasan din ito ni Tick. Sunod sunod na pagpapaulan ng palaso ang kanyang ginawa ngunit ito ay baliwala din pagkat naiwasan lahat ito ni Tick.

Napangiti si Lyn ng kanyang mabasa ang galaw ni Tick. Kinuha nya ang tatlong natitirang palaso at sabay sabay na inasinta kay Tick habang si tick naman ay pumwesto ng pang depensang tayo.

Pinakawalan ni Lyn ang tatlong palaso.

Muli ay namangha ang mga estudyanye sa split shot ni Lyn.

"Ano ang gagawin mo ngayon Tick'' bulong ni prof Jeffrey

Isa sa kanan, isa sa kaliwa at isa papunta sa direksyon ni Tick

"Wala ka ng kawala ngayon Tick" sabi ni Lyn

"You guess?""

Sa isang iglap ay biglang nakayuko si Tick kayat nabaliwala nanaman ang tatlong palaso. Tunay na kahanga hanga ang split shot ni Lyn ngunit nagawa pa din itong iwasan ni Tick. Mula sa pagkakayuko ay ibinato niya kay Lyn ang kanyang dagger.

Hindi inaasahan ni Lyn na maiiwasan pa din ni Tick ang kanyang split shot at nagulat nalang siya ng biglang may paparating na dagger sa kanya. Mabuti nalang at mabilis siyang nakabawi sa pagkakabigla. Huminga siya ng malalim. Tinipon ang enerhiya sa kanyang vocal cords. Isang hibla nalang ang layo ng biglang nagpakawala ng malakas na boses si Lyn na dahilan upang tumigil at madurog ang dagger.

Painit ng painit ang laban. Habang ang mga estudyante ay tutok na tutok sa laban ng dalawa. Maging si prof. Jeffrey ay nasisiyahan sa kaganapan.

"Kababata pa pero anlalakas na" namamanghang usal ni prof. Jeffrey

He's StrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon