Chapter 43 - Klare and Klarizza
AUBREY MAE CLARK
"What?!", pagsisigaw naming lahat dahil sa sinabi ni Master Leo kay Sir Roi. Napatingin kaming lahat sa kanila at kitang-kita ko din ang bakas na pagkagulat ni Bryl sa narinig niya.
"The Elders of Leam University sent you a message, Master Leo.", pagsasalita ni Sir Roi. Kalma lang siya at nakapoker face. Hindi naman siya gulat sa sinabi ni Master Leo sa kanya. Mukhang magkakilala ata talaga sila.
Inilahad ni Sir Roi ang isang papel at ibinigay niya ito kay Master Leo. Agad naman itong kinuha ng matanda ngunit hindi pa niya ito binasa. Tumingin muna siya kay Klarizza at sinenyasan niya itong lumapit sa kanya.
"Entertain them and let them in.", pagsasalita ni Master Leo kay Klarizza at umuna na sa pagpasok dun sa bahay na maliit. Agad namang yumuko si Klarizza habang papasok na si Master Leo sa pintuan.
Tumingin naman si Klarizza sa amin. "Tumayo na kayo at sumunod kayo sa akin.", ani Klarizza at agad naman kaming sumunod sa kanya.
Pumasok naman kami sa maliit na bahay at simple lang ito. Yung tipong parang isang bahay ng mga Ningens. Oo, ganun nga.
Habang papasok kami, napatingin ako kay Bryl na kanina lang hindi umimik. Tumabi naman ako sa kanya nung umupo kami sa sofa sa sala.
"Brien, come here. We need to talk", biglang narinig namin ang boses ni Master Leo sa aming isipan. Agad namang tumayo si Sir Roi.
"Yes, Master.", sabi niya at pumasok siya sa isang room.
"Dito muna kayo. Gagawa muna ako ng coffee.", sabi naman ni Klarizza at bigla lang siyang nawala sa aming harapan.
Napabugtong hininga naman ako habang nakaupo. Sana tulungan ako ni Master Leo sa curse na nasa katawan ko. Ayoko pang mamatay.
"Yun ba si Master Leo? Bat ang sungit niya na matanda?", pagsasalita naman ni Emy na nagdudulot sa pagkabasag ng kanina pang katahimikan. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko ang bakas na pagsmirk niya.
"Yun na ata eh. Bakit sinabi ni Sir Roi na Klare yung si Ate Klarizza? Magkamukha ba sila?", pagtatanong naman ni Dranreb habang napakibitbalikat naman ako.
"Aish. Sino ba talaga yang si Klare?", pagtatanong naman ni Miles.
"She's my mother", pagsagot ni Bryl sa tanong ni Miles. Napatingin naman kaming lahat sa kanya at napatahimik. "But I never saw my mother back then.", dagdag niya.
"So ibig sabihin, anak ni Master Leo ang Mama mo Bryl. At lolo mo si Master Leo. Eh?", pagcoconlude naman ni Mai at napatango naman ako.
"Oo, parang ganun nga.", sabi ko naman habang nakatingin sa isang chandelier sa bahay na ito. Medyo parang creepy pa rin ang bahay kahit simple ang disenyo. Gloomy kasi yung atmosphere at ang nakakacreepy ay yung mga skulls, knives at iba pang nakakatakot na bagay ang nakadisplay. Pati na yung mga paintings.
BINABASA MO ANG
Leam University : School for Mages | REVISING
FantasyUniversity Series # 1 She's Aubrey Mae Clark, an ordinary girl in an ordinary world. She thought that magical things will never exist. She didn't believe in fairy tales, fantasy, magic or things out of ordinary. But when she took a step in a...