Chapter 57

13.8K 381 25
                                    

Note: This chapter will be in a third person's point of view. Hindi pa ako masyadong kabisado gumawa ng ganitong eksena kaya pasensyahan niyo na. And also, if you can't remember some of the characters who are going to be mentioned in this chapter, kindly re-read some parts of the story (LU Festival arc). Hihi. Enjoy reading!



~*~

Chapter 57 - Justice

THIRD PERSON

Nananabik, matalsik at mapuno ng dugo ang paligid. Ingay dito, ingay doon, ingay kung saan-saan. Kung ikaw ay nandito sa kinaroroonan kung saan ang digmaan ay naganap, sigurado'ng matatakot ka at kakabahan ka sa bawat dugo na tumalsik galing sa isang katawan na pinatay at sinugatan

Nagkakaguluhan ang mga Witches sa pakikipagdigmaan laban sa mga Mages. Ang mga Mages naman ay sumunod lamang sa kanilang plano.

Dumadagan si Elder Eunel sa patungo sa kagubatan ng isla habang sumusunod naman ang kanyang mga sundalo sa kanyang likuran. Napatingin-tingin siya sa paligid at may senyasan siyang presensya na kakaiba at malakas. At alam niyang mahirap ito kalabanin.

"Elder Marjuri, puntahan mo ang Class E ngayon din. Tulungan mo sila. Kami ang bahala dito", pagsasalita ni Elder Eunel sa kanyang kasama na matandang babae na si Marjuri. Tumingin ng seryoso si Marjuri at agad namang tumango. Tinawag niya ang kanyang mga sundalo upang puntahan ang Class E na sinusugod ng mga kalaban ngayon.

Tumigil sa pagtatakbo si Elder Eunel, pati ang kanyang mga kasamahan. Nakatitig ito sa kanyang harap at nanliliit ang kanyang mga mata.

Itinaas niya ang kanyang staff at itinututok sa kanyang harap. "Ekrixi!"

Isang malakas na sabog ang sumunod pagkatapos niyang sambitin ang kanyang chant. Isang malakas na tawa ang kanyang narinig mula sa sabog--at isang palakpak. At 'di sa kinalalayuan ay biglang may humugis na tao na gawa sa usok. Kahit usok ito ay may makitang mga mata--kulay pula na mata--at isang ngiti ng demonyo.

"It's been a long time, Eunel", pagsasalita ng isang Heneral ng mga Witches na kung tawagin ay Kathleen. Siya ang nasimuno sa mga Witches at isa sa mga right hand ng kanilang prinsesa. Unti-unti ng naging tao ang hugis na tao na usok. Nakangiti ito kina Eunel at napatiim bagang naman ang matanda.

Bago pa man nakapagsalita si Eunel ay bigla nawala si Heneral Kathleen sa kanyang kinatatayuan at bigla na lamang niyang namalayan na nandito na ito sa kanyang harapan. Napaatras agad si Eunel at napamura. Agad siyang sinuntok ng kalaban na may itim na borg sa kanyang kamao.

Napamura si Eunel at sumugod na ang kasamahan ng kalaban patungo sa ibang mga Mages. Nagsigawan ang karamihan at nagsimula na ang labanan. Napatiim bagang siya at agad nag-cast ng borg upang proteksyunan ang kanyang sarili ngunit agad itong nabasag. Napangiti naman ang kalaban at agad namang tumalon si Eunel pataas upang hindi siya masuntok.

Napatambling siya patungo sa likuran ni Heneral Kathleen at agad niyang hinampas ang kanyang staff sa kalaban. Napaduko ang kalaban at nagteleport pataas sa kanya. Agad namang tinukod ni Eunel ang kanyang kamay sa lupa at dumistansya palayo sa kalaban niya.

Si Heneral Kathleen ay biglang nawala sa kanyang paningin at naging usok ito. Si Heneral Kathleen ang isang Water-Air type Witch habang si Eunel naman ay isang Fire-earth type na Mage. At ang kanilang mga elemento na ginagamit ay magkasalungat.

Napahinga ng malalim si Eunel habang hinahanap niya ang presensya ni Kathleen. Napamura siya sa kanyang isipan. Ang ingay kasi ng paligid at naguguluhan siya kung asan ito. Mas lalo siyang nagpokus sa kanyang isipan.

Leam University : School for Mages | REVISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon