Para sa mga co-PHIXO ko to ~ hahaha sana magustuhan niyo kasi first time ko magsusulat ng tagalog. Wish me luck ~ 😂 Its a one shot guys
***
Ang klase ng mga studyante sa kolehiyo ay magsisimula ng seven thirty pero alas sais palang ng umaga eh nakaabang na si Chanyeol sa isang waiting area malapit sa pasukan para abangan ang kanyang muling sinusuyo na si BaekhyunMuli. Oo meron na silang nakaraan subalit sa isang ngunit malaking pagkakamali ni Chanyeol eh nauwi sa lahat ang kanilang relasyon
Ginusto niya man o hindi na gawin ang sumama sa kanyang mga kaibigan sa isang night club nang biyernes ng gabing yon at nauwi sa halo halong alak ang kanyang nainom at makipaghalikan sa di niya naman kilalang babae, mali ng ginawa niya yon eh dinagdagan niya parin ng isa pang pagkakamali nang itanggi niya ito kay Baekhyun na akala niya'y mapapaniwala niya.
Ngayon. Araw araw man niyang suyuin si Baekhyun eh tila wala nang epekto sa binata dahil sobrang sakit ang naging resulta ng ginawang iyon ni Chanyeol.
Sa araw araw, hinihintay niya si Baekhyun sa gate ng school nila para batiin ito pero para lang siyang hangin dahil ni pagngiti o sulyap ay wala siyang natatanggap mula rito.
May araw din na dahil sa sobrang pagkamiss niya sa dating boyfriend eh nahila niya ito at dinala sa isang bakanteng room at nilock ang pintuan
"Baekhyun. Pakinggan mo naman ako oh" pagmamakaawa niya habang hawak si Baekhyun sa magkabilang balikat para hindi ito makaalis
Ibinaling ni Baekhyun ang paningin sa ibang bagay at pilit na isinasara ang tenga para sa explanation ni Chanyeol
"Please makinig ka muna. Oo inaamin ko na, nagkamali na ko. Pero pangako di ko gusto yun saka wala ta--"
"--wala man o hindi iniisip mo muna dapat na masasaktan ako. At unang una sa lahat Chanyeol. Ginusto mo yon! Wag kang magmalinis dahil kung di mo ginusto yun una palang hindi mo na naisip sumama don" sabat ni Baekhyun na pinipilit wag ipakita na gustong gusto niyang patawarin ang dating kasintahan pero sa tuwing naaalala niya yung mga litrato ni Chanyeol kahalikan yung babae eh kusang namumuo ang galit sa puso niya
Magsasalita pa sana si Baekhyun nang bigla siyang hinatak ni Chanyeol para sa mahigpit na yakap na nagpabilis ng pintig ng puso niya
"Miss na miss na kita. Ano bang gagawin ko para mabalik yung araw na yun, para hindi nalang ako pumunta don" Halatang paiyak na ang tono ng boses ni Chanyeol dahil hindi sa pagkacrack ng kanyang boses
Hindi makapagsalita si Baekhyun dahil sa pagkabigla
Gusto niyang ibalik ang yakap ng dating boyfriend pero di maalis ang alinlangan sa kanya. Kung kaya mabilis pa sa alas kwatro eh marahan niyang itinulak si Chanyeol at lumabas ng kwarto nang walang sabi sabi
Nagsimula ng dumating ang mga ibang estudyante nang bandang six twenty five. Di inaasahan ni Chanyeol na maagang papasok ang kanyang inaantay dahil malayo pa eh nakikita niya na ang itim at malamushroom na buhok ng kanyang dating boyfriend
At gaya ng araw araw niyang ginagawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at naglakad para salubungin si Baekhyun na may malaking ngiti sa labi
Pero, ang malaking ngiting yon eh unti unting nawala nang ilang hakbang mula kay Baekhyun eh napahinto si Chanyeol nang makitang may humalik sa pisngi ng binata na sa pagkakaalam niya eh isang graduate student na dahil namumukaan niya ito
"Bye Baek! Text mo ko kung susunduin kita ha" pasigaw na sabi ng lalaki na papalayo na
At pabiro namang umamba ng suntok si Baekhyun sa lalaki bago ngumiti. Ngiti na kay Chanyeol niya lang ipinapakita dati
Parang binagsakan ng isang libong hallow blocks si Chanyeol sa nakita niya. Hindi niya maintindihan pero may pakiramdam sa puso niya na parang pinipiga ang puso niya
At pigilan man niya. Kusang tumulo ang nagbabadyang luha sa mata niya kaya mabili siyang tumalikod bago pa siya makita ni Baekhyun at nagpatuloy sa pagpasok sa loob ng campus diretso sa malapit na banyo
"Siguro nga nakalimutan mo na ko" inisip niya habang patuloy na bumabagsak ang luha sa mata niya
Hindi alam ni Chanyeol, pagtalikod niya ay siyang paglingon ni Baekhyun sa posisyon niya
Inantay ni Baekhyun na lumingon si Chanyeol at batiin siya gaya ng ginagawa nito araw araw pero, parang biglang nagkulang ang kanya umaga nang patuloy na naglakad si Chanyeol papasok ng campus
Kibit balikat na nagpatuloy din siya sa pagpasok at inisip na baka hindi lang siya nakita ng binata at baka sa loob ng campus siya nito kulitin na siyang kinaiinis niya at pinagdadasal niya na matigil
Lumipas ang ilang subject. Wala, wala ni isang ha o ho mula kay Chanyeol. Makasalubong niya man to sa hallway eh parang hindi siya nito nakita at patuloy lang ito sa paglalakad at pakikipagusap sa mga kaibigan niya
"Dininig ata ng Diyos yung dasal ko" bulong niya sa sarili habang naglalakad papuntang canteen kasabay ang kanyang mga kaibigan
Akala ni Baekhyun eh babalik na sa dati ang pakikitungo ni Chanyeol sa kanya pagkatapos ng araw na yon pero, lumipas ang araw at linggo tila ba unti unting bumabaligtad ang sitawasyonDahil kada makikita ni Baekhyun si Chanyeol, di tulad ng dati na ayaw niyang kausapin siya nito, ngayon eh halos magmakaawa na siya sa kanyang isipan na kahit isang ngiti ulit galing kay Chanyeol eh makita niya ulit
Na sana kahit buong araw pa, kukitin ulit siya ng dating kasintahan pero, tulad ng nakalipas na araw matatapos nalang ulit ang lahat ng klase, wala parin siyang natatanggap na salita galing kay Chanyeol
Dahil sa lubos na pagkamiss sa pangungulit ng binata eh. Hindi inaasan, si Baekhyun ay nakatayo sa labas ng room ni Chanyeol at nagaantay sa pagdissmiss ng huling klase nito
At sa pagtunog ng bell, parang kinalengbang din ang puso ni Baekhyun dahil sa kaba at parang hinatak papasok yung dila niya dahil nung oras na lumabas si Chanyeol sa kwarto eh nagkatinginan sila at parang parehas silang nakakita ng multo sa pagkatulala
"How are you?" Unang tanong ni Chanyeol nang makarating sila ni Baekhyun sa isang linya ng bench sa open field sa kanilang school
Saglit na tumingin si Baekhyun sa kanya at mabilis din itong iniwas ang mata niya
"Chanyeol"
"Hmm?"
"Hindi mo na ba ko mahal?" Straightforward na tanong ni Baekhyun matapos ipunin lahat ng confidence sa dibdib niya para masabi ito
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ni Chanyeol matapos marinig ang biglaang tanong ni Baekhyun
"B-Baek...Bakit m--"
"Okay lang naman na hindi na. Pero bakit ganito Chanyeol, ang sakit. Ang sakit na wala na yung umaga hanggang hapon mong pangungulit sakin. Alam ko naman na magsasawa ka din pero" he pause at lumuluhang tumingin kay Chanyeol
"Pero umaasa ko na hindi ka titigil. Ang selfish diba?"
Chanyeol stretch his arm para abutin ang namamasang pisngi ng binata dahil sa mga luha. Pinunasan niya ang luha na tumulo galing sa mata ni Baekhyun
"Dahil kahit gaano kalaki yung kasalanang nagawa mo. Pinipilit ko lang magalit sayo pero nangingibabaw yung pagmamahal eh"
Hindi na mapigilan ni Chanyeol at niyakap niya na si Baekhyun na niyakap siya pabalik
"Mahal na mahal padin kita Chanyeol"
May mahabang pause bago marahang kumawala si Chanyeol sa yakap at ipinagitan ang muka ni Baekhyun sa palad niya
"I never stop loving you too"
***
I TRIED GUYS HAHAHAHA I TRIED!!! PERO DI TALAGA KO KUMPORTABLE SA PAGSULAT NG TAGALOG HUHU FORGIVE ME!! LALIM KO DIBA?
YOU ARE READING
RANDOM DRAB/ONE SHOTS
RandomJust when I'm bored something plot of stories came up in my mind. Mostly are angst or fluff. These stories might be too randoms, most will be CHANBAEK of course but a but of any other members like OT12 feels ~ something like that, that me myself cri...