Have you ever experienced being in between?Yung tipong wala ka sa kanan o sa kaliwa.
Yung tipong hindi ka yung isa, pero hindi din yung isa.
Kumbaga sa Philosophy, parang contradiction ng Principle of Excluded Middle. Nandoon ka lang kase sa gitna.
Ako kase na-experience ko na yan. Yung alam nyong hindi lang kayo magkaibigan pero alam nyo ring hindi kayo magkarelasyon. Boom! ang gulo diba? mas magulo pa sa fluctuations ng price sa market. Okay...? anong konek??
Haha. Pero seryoso, ang hirap.
Ang hirap pag nasa ganitong sitwasyon. Hindi mo kase alam kung saan ka lulugar. Hindi mo alam kung ano dapat ang i-akto mo. Magseselos ka ba pag may kasama syang iba? o makikisama ka na lang sa trip nya?
Magulo. Ipaparamdam kase sayong higit pa sa kaibigan ang turing sayo, pero at the same time, ipapamukha rin nyang wala kang karapatan sa kanya dahil hindi kayo.
Bwisit na status yan.
Bakit ba walang ganyang status sa Facebook? Nagkaroon na ng flower react, rainbow react at kung ano-ano pa pero bakit wala pa ring ganyang status. Bakit ba hindi accepted na you are...
MTFBLTL?
***
"Uy nga pala. Coleen! sama ka samin! manunuod kami ng gig nina Ken bukas!" aya sa'kin ng mga kabarkada ko. Napatingin ako sa screen ng cellphone ko at nakita ko ang petsa ngayon. August 15. Hala! bukas na ba yon?
"Bukas na yung gig nila? akala ko ba next week pa sasalang ang Single Note?" tanong ko naman. Ang Single Note ay isang banda kung saan kabilang si Ken, kabarkada namin. Nung una nyang sinabi na magbabanda sya, hindi kami agad makapaniwala. Kase naman! lagi nyang sinasabi samin na wala syang talent sa pagkanta tapos bigla-bigla na lang syang sasali sa isang band? pero tingnan mo nga naman! vocalist na si Kuya!
"Okay sige! anong oras ba?" tanong ko naman. Kasalukuyan kaming nasa isang cafe at nagmemeryenda. Katatapos lang kase ng klase namin at sakto na vacant ang barkada.
Kinuha naman ni Lei, kabarkada kong babae ang phone nya at may binasa ata doon. "6:30 bukas sa Resto Bar ni Tita Ross. Wag daw tayong mali-late."
"Sus! gusto lang nyang magpasikat. May pa "I-don't like to sing" pa syang sinasabi dati." sabi ko pa habang nilalantakan ang cheesecake ko sa plato. Hmm...ang sarap!
"I met you in the dark, you lit me up. You made me feel as though, I was enough~" 🎶
"O kaninong ringtone yon? Say You Won't Let Go talaga?" tanong naman ni Kurt, kabarkada din namin at boyfriend ni Lei. Napatigil ako sa pagkain at kinuha ang cellphone ko sa bag.
"Akin yon guys. Saglit lang" sabi ko bago kinuha ang phone at sinagot ang tawag.
"Hello?"
["Nasaan ka?"] tanong ng nasa kabilang linya. Tiningnan ko sina Lei at nagtatanong ang mga tingin nila.
"Nasa Starbucks ako. Kasama ko sina Lei" sagot ko naman.
["Ba't di ka nagsabi na pupunta ka dyan?"]
"Biglaan kaseng nagkayayaan. Tsaka hindi kita mahagilap kanina eh" sabi ko na lang. Kung makapagtanong naman to....'kala mo...kami.
["Gumagabi na. Susunduin na kita dyan. Hintayin mo 'ko"] sabi nya.
BINABASA MO ANG
MTFBLTL [Oneshot]
Krótkie Opowiadania[WINNER OF 2017 GEM AWARDS] "Ano nga ba tayo?" "Teka... meron nga bang 'tayo'?" ___ Credits to the owners of the pictures used in the cover! Written By: Pixie_Jaes | 2017