Hi guys. I'm gonna tell you a short story, would you mind hearing it out?Once there was a boy. He had this childhood friend, a girl on their neighborhood, a girl he used to play with when he was a child, a girl who eventually became his best friend.
Naging sobrang close nila sa isa't-isa. They considered each other their best companion, they even exchange some of their secrets, best buddies indeed. Pero sa paglipas ng panahon, the boy felt something. A secret he can't even tell to his friend.
He was beginning to fall for her.
Sa simula, hindi nya binibigyang-pansin ang nararamdaman nya. Ayaw nyang masira ang samahan nila ng kaibigan nya. Alam nya naman kaseng hindi sya type nito. Sa dami na ba naman kase ng naikwento nito sa kanya, pati ideal guy nito alam nya na rin. That's why he decided to keep his feelings to himself. He'll just love her secretly.
Then came college. Sa iisang university sila pumasok. Same course rin dahil ayaw nya na magkakalayo sila. Nagkaroon ito ng mga bagong kaibigan at kabarkada.Ayaw man nya pero nagseselos sya. Hati na kase ang oras nito at lagi pa itong kasama nung isa nitong kabarkada na sa tingin nya ay perfect example ng ideal guy nito. Pakshet. Selos tuloy sya.
Kaya naman mas inilapit nya ang sarili nya dito. Mas dinoble nya ang pag-aalaga, ang pagiging caring, para kahit papano ay hindi sya ma-left behind nung isang kabarkada nito. Baka maunahan sya eh. Kung sana nararamdaman lang nito ang gusto nyang iparating sa bawat ginagawa nya.
Pero naging mas maging close ang dalawa. Hanggang dumating sa point na inisip nya, "siguro nga yun yung gusto nya". Masakit pero pinilit nyang tanggapin. He tried to move on. Hence, he find himself a girlfriend.
He introduced his girlfriend to her. Mukha namang masaya ito para sa kanya. She even congratulated him for finally having one. Syete. Kung alam lang nitong ito ang gusto nyang maging girlfriend.
Hay.
Siguro nga hindi sila para sa isa't-isa...
***
"Cade! dun naman tayo!" sabi sa'kin ni Kylie, yung girlfriend ko. Kasalukuyan kaming nasa isang mall. We're actually having a date at katatapos nga lang naming kumain ng dinner.
"Kylie, hindi ka ba napapagod?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kase kaming paikot-ikot. Pagkatapos na pagkatapos kase naming kumain ay nag-aya agad syang mag-ikot. Halos lahat nga ng floors ay napuntahan na namin.
Mabilis syang umiling at nag-pout pa. "Dali na Cade! it's our first date kaya dapat ay sulitin ko na diba?" sabi nya sa akin. Bigla tuloy akong na-guilty. Ako itong lalake pero sya tong gumagawa ng paraan para maging maganda yung date namin.
"O sige na. Pero after that ay aalis na tayo. I'll take you home" sabi ko at mabilis naman syang tumango. Hinila nya ako dun sa loob ng Penshoppe at nagtingin-tingin sya ng mga damit. Pinagmasdan ko na lamang sya habang ginagawa nya iyon.
Kylie Reyes. Kasama ko sya sa isang org since last year. Nung una ko syang makilala ay ayaw ko sa kanya. Masyado kase syang hyper, madaldal at makulit to the point na minsan nakakainis na. Lagi nya akong kinukulit dati. Kahit sinasabi kong ang FC nya na ay sige pa rin sya.
Hanggang sa nagkasama kami sa isang project. Hindi ko inaasahan na after noon ay magiging close kami. Masaya din naman pala kase syang kasama. Thoughtful, mabait kahit makulit pa rin kung minsan.
I began to like her. Pero hanggang dun lang yon. Kase kahit anong gawin ko, iisang babae pa rin ang laman ng puso ko. Si Coleen lang.
"Bagay ba sa'kin?" tanong nya habang itinatapat sa katawan nya ang isang navy blue blouse. It looks good on her kaya tumango agad ako.
BINABASA MO ANG
MTFBLTL [Oneshot]
Kısa Hikaye[WINNER OF 2017 GEM AWARDS] "Ano nga ba tayo?" "Teka... meron nga bang 'tayo'?" ___ Credits to the owners of the pictures used in the cover! Written By: Pixie_Jaes | 2017