FORGET-ME-NOT

18 0 0
                                    

Sa oras na tumapak ako sa Paaralang 'to, alam ko na magbabago na ang buhay ko. Mga bagong pasilidad na dapat memoryahin ko, Mga bagong mukha na ang makikita ko, Mga bagong pangalan na ang maririnig ko... Bagong buhay ika nga nila.

Pero tama nga ba ang desisyon ko na dito sa napaka-weird na school ipagpatuloy ang pag-aaral ko? Tch! Bahala na, basta matapos ang dapat tapusin. Gusto ko na mag trabaho ng kumita na ako ng pera!

Sana...
Sana andito ka.

Sana...
Sana nandito ka pa.

Sana...
Sana makita kita...

"Charlota!!" sinundan ko ng tingin yung babaeng tumatakbo papalapit sa akin.

"Aray–" daing ko dahil tumilapon ako sa gilid gawa ng may tumulak sa akin mula sa likod.

"Move btch!" galit at iritable na sabi niya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil siguro nasa state of shock pa ako, hindi ko naman kase akalain na may tutulak sa akin ng ganon-ganon na lang, tska teka nga muna! Sino ba siya para itulak ako? Pwde naman 'mag-excuse me' eh! Ganito ba talaga mga estudyante sa Manila? Mga walang manners? Tch! Ngayon pa lang gusto ko na bumalik ng Cebu.

"Oh? Napano yan?" tinuro ako nung babaeng tumawag sa kanya.

Gusto ko sila pagsabihan dahil una sa lahat hindi tama yung ginawa nila sa akin, pangalawa hindi ko sila kilala at pwde ko sila kasuhan sa ginawa nila, pangatlo paano kung nauntog yung ulo ko sa poste? Kahit naiinis ako, hindi ko na lang sila pinansin at patuloy ko na lang pinapagpag yun palda ko na ngayon may onting dumi at basa na sa gilid

"Tinulak ko, paharang-harang sa daan eh." simpleng sagot ni... Charlota. Pero mahahalata mo agad sa tono ng pagkakasabi niya ang pagka-mayabang.

Umiling na lang yung kausap niya at sabay na silang umalis habang tumatawa.

Dinampot ko yung notebook ko para ibato sa kanila... sana kaso ayoko na lang gulo tska first day ko 'to, kaylangan behave muna. Huwag ko lang talaga makita ulit yung dalawang kutong lupa na yon.

"Ms. Alcayde?" napalingon ako sa kanan, "Oh! Good thing nakita agad kita."

"Hello po, Mrs. Cecillo." bati ko sa Homeroom Teacher ko. Nakilala ko siya last week  nung nagpasa ako ng mga requirements ko for admission, siya kase yung naka-assign sa office that time, buti na lang close na kame di na ako mahihirapan sa pagtanong kung saan ba yung *insert* building *insert* room etc.

HASHTAG – NewbieProblems!

"Tara na! Start na ng class natin in 5 minutes." sabi niya.

Habang tinatahak namin ang daan patungo sa Classroom, sinasabi na agad sa akin ni Mrs. Cecillo ang mga rules and regulations sa klase, hindi na daw niya kase ako mao-orient dahil masyado na daw akong napagiiwanan sa discussion. Wala naman kaso sa akin yun dahil 1 week or 2 weeks na ata akong delayed sa pagpasok, "Don't worry Hija, bibigyan kita ng special quiz, siguro twice or thrice this week? para mahabol mo sila."

"Naku! Maraming salamat po." masayang sabi ko. Isa yan sa mga pinoproblema ko habang papunta dito sa school na baka bumagsak ako ng isang Quarter. Mahirap na baka mawalan ako ng honor, Ayoko ma-disappoint parents ko.

"After class siguro? Wala ka ba gagawin ng mga oras na iyon? Malapit na kase pre-test kaylangan mo talaga maghabol." dagdag ni Mrs. Cecillo.

"Wala naman po masyado." nakangiting sabi ko.

"Good! Hmmm, start na tayo tomorrow ah?–Oh, we're here na."

Nasa ika-tatlong palapag kame ng Science Building at dulong part naman yung classroom namin. Tinignan ko yung nakasulat sa ibabaw ng pintuan, "4-3" Year 4 Class 3, bakit parang ang weird ng nararamdaman ko ngayon? Hindi ko maexplain pero parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon. Oh baka kinakabahan lang ako sa Introduce yourself etc.?

Memento Vivere, Memento Mori.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon