YELLOW CARNATION

13 0 0
                                    

Lumipas na ang ilang linggo matapos ang kagibal-gimbal na nangyari sa locker ni Shanon at maging sa Classroom namin, balik na sa dati ang lahat. Natapos na yung special quiz ko, natapos na rin ang pre-test at balik na nga sa dati ang school na parang walang nangyari. Pero hindi ko parin maiwasan mapaisip minsan, gusto ko hanapin ang mga sagot sa mga aking katanungan pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula o kanino ba ako magtatanong.

Sino ba ang tao sa likod ng mga ito? at bakit niya naisipan gawin yun? Ano ba ang sikreto ng paaralan na 'to... or ng section na 'to... or ng mga classmate ko?

Pinagmasdan ko sila. Yung mga dating takot na takot ngayon nakakangiti na. Pero may isang naiiba. Si Shanon, ganun parin siya, minsan tulala o kaya naman maiiyak na lang bigla. Si Carlotta naiirita na sa kanya, minsan nga kung ano-ano na sinasabi niya againts kay Shanon. For example, karma daw sa kanya yon or minsan malas daw siya at kung ano-ano pa. Hindi ko naman siya maipagtanggol kase hindi ko alam kung ano yung mga sasabihin ko to defend her, siguro dahil na rin sa wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Apart of me, naiintindihan ko siya dahil napaka-traumatic yung nangyari sa kanya, I mean dun sa locker niya, well minsan dinadamayan ko naman siya kahit paano maibsan kung ano 'man yung nasa isipan niya.

Ngayon naman yung mga classmates namin medyo ang weird, yung iba kase kung ano-ano mga naiisip gawin, pero mabuti na yung ganon diba kesa naman maging tahimik na naman ang apat na sulok na 'to. Nakakapangilabot. Oo nga pala, unti-unti ko na din sila nakikilala, medyo nakaka-close ko na yung iba exept kay Charlotta. Tch! Hindi ko siya feel, we're just like oil and water. We can't never be mix.

Nilingon ko yung mga classmate ko na nagkukumpulan sa dulo.

Si Hunter, siya ang boss ng mga boys dito, gwapo at matipuno pero kung titignan mo siya ng mabuti may ugaling gago.

Si Aeign at Keno naman ang kaliwa't kanan na kamay niya, mga makukulit at medyo malakas mantrip.

Si Kaire, Ang Vice President ng Class. Sabi nila siya daw ang Goodboy version ni Hunter, I can agree with that. Napakabait, May leadership skills at gwapo rin tulad ni Hunter, actually mag pinsan silang dalawa.

Si Mason aka The Genuis One, he likes playing games at madalang mo lang yan makausap. Promise! MAS gwapo siya sa lahat ng mga nabanggit ko, medyo pang-model kase ang height niya. Paano ko ba 'to sasabihin? Hmm, may pagka-Angelic Face kase siya. Alam niyo yun? Yung di makabasag pingan? Yung tipong pag nakita mo siya sa hallway or kahit saan lugar mapapa-sign of the cross kana lang...

"Ehem!!" Agad naman napaling yung atensyon sa lalaking nakangiti ngayon, Si Jiro, wala naman akong masabi sa kanya. Ah ganito na lang, kapag pinagsama sila Hunter, Aeign, Keno at...at.. Oo na! Oo na, gwapo rin siya. Pero mas gwapo si Mason o Siya? Ahhh, ewan basta bahala na sila kung sino mas gwapo sa kanilang dalawa.

Pinanig ko naman yung mga mata ko sa dalawang babae na nasa gilid ko.

Si Shanon, Ang Class President, tulad ni Kaire sobrang bait din niya. Masyadong seryoso sa buhay at laging nag-aaral.

Si Divine, isa rin 'to masyadong seryoso sa buhay at sa pag-aaral. Hindi ko alam kung paano ko siya idedescribe kase never ko pa naman siya nakausap? Minsan nga nakakalimutan ko na classmate ko pala siya.

Nag roll eyes muna ako bago ko titigan yung mga babae na malapit sa windows. Sympre, the one and only Charlotta, wala na akong masabi sa kanya dahil una pa lang kilala niyo na siya.

Si Valerie at Trinity, ang alalay #1 at #2 ni Charlotta. Oh diba? Nagsama-sama ang mga pabibo. Tinatamad ako idescribe sila dahil una sa lahat hindi ako interesado sa mga buhay nila. Oo nga pala, si Trinity yung kasama ni Charlotta nung unang sana di ko na sila nakilala beses nagtagpo mga landas namin. Tch! Kutong lupa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memento Vivere, Memento Mori.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon