Kabanata 3

646 14 4
                                    

Kabanata 3

Jessie's POV

   "Hoy! Jessie Kyle! Anong kagaguhan ang nangyari noong house blessing mo! Sabi ko wala yung pinsan mo!" Nagwawalang sabi ni Mira.

Nandito kasi siya sa bahay kasama sila Christina, Erica, Keila, at pati na rin si Ashley.

"O? Ano naman ngayon? Sa pagkakaaalala ko noong college day natin noon patay na patay ka sa pinsan ko!" Sabi ko sa kanya, i irapan naman niya ako.

"Tse! Dati yon! Iba na ngayon!" Sabi niya.

"Ano ba kasi nangyari? Bakit ayaw mo na sa kanya?" Tanong ni Ashley.

"Basta! Sa akin lang yon!" Sabi ni Mira.

Pagkalipas kasi ng ilang taon bigla na lang naging bitter si Mira kay Menard kahit na sino sa amin walang nakakaalam, at itong si Mira inawasan si Menard at lumipad doon sa ibang bansa.

"Ikaw Erica, kamusta na?" Tanong ko sa kanya.

"Okay na ako magaling na! Kakagraduate ko lang din sa States!" Sabi ni Erica na nakangiti.

"Magstay ka na ba dito?" Tanong ko.

"Yes!" Masaya niyang sabi, after ng ilang taon na maayos na si Erica, balik na ulit kami gaya nh dati, at nakamove on na daw siya kay Kyler.

"'Di ba may hinaing ka rin?" Tanong ko kay Erica, kaya mga nagsuguran sila dito sa bahay dahil sa kanya kanya nilang reklamo.

Bigla naman napairap si Erica.

"Tropa pala ni Kyler, yung mayabang na Harvie na yon!" Inis na sabi ni Erica.

"Anong mayroon sa inyo ni Harvie?" Tanong ko sa kanya.

"Bwisit yon! Nalaman ko lang pangalan niya noong tinawag siya ni Kyler! Yung hambog na yon! Inagawan ako ng Taxi sa airport! Napaka gentledog!" Inis na sumbong niya.

Napataas naman ang isa kong kilay, sa pagkakaalam ko naman ay mabait si Harvie.

"Baka 'di naman niya sinasadya?" Tanong ko

"Anong hindi sinasadya! E tinulak nga ako noon!" Inis na sabi ni Erica.

Napakibit balikat naman ako.

Kay Christina naman ako napatingin na tahimik lang.

"Oy! Christina ikaw okay lang? Tanong ko.

"Oo" sabi niya.

"Yung totoo?" Tanong ko.

Hindi naman close si Christina kila Erica kaya siguro tahimik siya, at isa pa nagmature na talaga siya hindi na siya yung gaya ng dati.

"Hindi" sabi ni Christina.

"Bakit? Dahil kay Mathew?" Tanong ko.

"Yung Gwapo noong house blessing niyo Jess? Yon ba si Mathew yung lalaking lalaki! My gas! Ang Gwapo! Lalaking lalaki!" Sabi ni Mira.

"Hoy Mira! Kay Kuya ka 'di ba?" Sabi ni Keila, binato naman ni Mira si Keila ng unan.

"Manahimik ka nga Ex-sista!" Sabi ni Mira.

Tumawa lang naman si Keila.

"Anong mayroon? May past din ba kayo Chris?" Feeling close na tanong ni Mira.

Umiwas naman ng tingin si Christina.

"Mayroon" sabi ni Christina.

"Talaga? Akala ko available siya! Ang gwapo!" Sabi ni Mira.

My Perverted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon