Kabanata 4

597 15 10
                                    

MY PERVERTED HUSBAND

Kabanata 4

Jessie’s POV

Kanina pa akong pabalik-balik sa paglalakad sa living room ng bahay naming, kanina pa rin ako
patingin-tingin sa wall clock naming, kanina ko pa kasi hinihintay si Marcelo hindi ko kasi macontact,
hindi rin nagrereply sa mga text ko sa kanya iritang irita na ako sa lalaking iyon. Dapat kanina pang alas
syete ay nakauwi na yon pero mag aalas dose na ay wala pa ito.

Tumawag na rin ako sa opisina pero
wala na daw siya doon.

“Ang kapal ng mukha mong Marcelo ka na hindi ako tawagan at kontakin! Humanda ka sa akin
pag-uwi mo” sabi ko habang pilit na tinatawagan ang kanyang numero subalit wala paring sumasagot
doon.

Umupo muna ako sa sofa at napahawak sa sentido ko, nanggigil ako kay Marcelo, ito ang unang
beses na ginawa niya sa akin. Hindi ba niya na isip na may asawa siyang naghihintay sa kanya at nag-
aalala sa kanya.

Napatayo ulit ako sa pagkakaupo at pumunta sa kusina kumuha ako ng maiinom doon para
makalma ko ang sarili ko sa inis ko. Bumalik ako sa sofa na may dalang isang basong tubig. Napatingin
ako sa cellphone ko na nakapatong sa may sofa, kinuha koi yon at binuksan at umasang may isang text
na ni Marcelo, pero wala talaga.
Bigla kong naalala sila Warren baka sama ito ni Kyler, tinext ko si Warren pero sabi nito ay hindi
daw nito kasama si Marcelo.

Napatingin akong muli sa orasan at pasado alas dose na pero gising na gising pa rin ang diwa ko,
hindi ‘man lang ako tablan ng antok.

Nakikipagtitigan na ako sa orasan ay wala pa rin, ayako naman umidlip baka mamaya dumating
na ang magaling kong asawa hindi ko na siya mapapagalitan at hindi ko siya mapapatulog sa kwarto,
sasagarin ko na ang galit ko sa kanya, sumosobra na siya, nanggigil na talaga ako sa kanya.

Bandang mag aala una ng madaling araw ay narinig ko na bumukas ang gate kaya sumilip ako sa
may bintana nakita ko roon na pinapasok na ni Kyler ang kanyang kotse, napataas ang kilay ko at parang
na buhay ang mga natutulog kong cells sa irita ko sa kanya, pumunta ako sa harap ng pintuan ng bahay
naming at nagcross arms. Hinihintay ko na bumukas ang pintuan at pumasok ang magaling kong asawa.

Maya maya pa ay nakita ko na binubuksan na ni Kyler ang pagkakalock ng pintuan, maya maya
ay bumukas ‘yon at sinilip ang ulo niya lumingon siya sa kaliwa’t kanan niya hindi niya ako masyadong
kita dahil madilim na buong kabahayan tanging kwarto lamang namin ni Kyler ang nakabukas ang ilaw
pero nasa taas pa ‘yon, tanging ilaw lang sa labas ng bahay naming ay nagbibigay liwanag sa bahay
namin.

Papasok na sana si Kyler sa loob ng magsalita ako.

“At saang lumalop ng mundo ka pumunta, Kyler Luke Marcelo?” taas kilay kong tanong sa kanya.

Halata naman sa mukha niya ang pagkagulat niya at natiglan pa ito, ng matauhan na siya ay
kinapa niya ang switch ng ilaw at binuksan ang ilaw kaya nakita ko na ang mukha niya, nakita ko na
namutla siya, habang basa ang kanyang damit at buhok, kaya lalong napataas ang kilay ko sa kanya.

“Ehem Kyle Ko a—“ hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng iharang ko ang kamay ko sa
mukha niya.

“Huwag ka ng lulusot, galit ako hindi rin kita pakikinggan” sabi ko sabay talikod sa kanya ng nasa
hagdan na ako ay humarap ako sa kanya.

“Subukan mong umakyat sa taas sinasabi ko sa’yo Marcelo makikita mo hinahanap mo!” sabi ko
sa kanya kaya naman naka lunok siya.

Umakyat ako sa taas at pumunta sa kwarto kumuha ako ng damit ni Kyler at nagdala na rin ako
ng unan at kumot niya bago ako bumaba. Pagbaba ko ay nakita ko si Kyler na nakaupo sa sofa habang
nagtatanggal ng sapatos niya.

My Perverted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon