"Dating Tayo"

4.2K 29 2
                                    

"Naaalala mo pa ba yung dating tayo? Yung laging magkausap oras-oras, minu-minuto at segu-segundo?
Naaalala mo rin ba yung mga panahong inaalala mo rin ako?
Mga panahong matutulog ka nalang pero ichachat mo parin ako, papaalalahanang mag-ingat at wag nang magpupuyat? Naaalala mo pa rin ba na dahil sa sobrang kabaitan mo ay unti-unti akong nahulog sa'yo?
Akala ko gusto mo rin ako.
Paano ba naman, daig pa natin ang magkarelasyon na sa tuwing magtatama ang ating mga mata, biglang nagkaka-sparks 'yon.
Nakakakuryenteng mga ngitian mo lagi mong baon na sa tuwing magkakasalubong tayo, nahihikayat ang puso ko at halos tumalon.

Akala ko lang pala lahat 'yun.
Akala ko kaya kong pigilan 'tong nararamdaman at manahimik nalang. May gusto ako sa'yo at alam mo 'yun pero ang sagot mo, "wala namang kaso sakin 'yun.".
Hindi ko alam kung ano bang ibig mong sabihin noon pero isa lang ang nararamdaman ko at yun ay dahil wala tayong pag-asa.
Pag-asang mamahalin mo rin ako pabalik at sobra, katulad ng pagmamahal ko sa'yo noon na ngayon ay binabawi ko na.

----------------------------------------------------------------------

Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon