Mrs. Park's Narration
"Yoongi!" Pagtawag ni Hoseok sa pangalan ng kanyang 'love of his life'. Kay landi talaga xDNasa canteen sila at hindi muna sumabay si Hoseok sa kanyang mga kaibigan dahil gusto niya raw makasama si 'love of his life' niya na si Yoongi.
Umupo si Hoseok sa tabi ni Yoongi na kasalukuyang kumakain ng kanin na may ulam na menudo.
"Mahilig ka sa menudo?" Tanong ni Hoseok kay Yoongi habang inilalapag sa lamesa ang biniling Coca-cola at isang Egg Sandwich.
"Not really, pero masarap e." Sagot ng nakatatanda habang hindi nakatingin kay Hoseok.
"Sobrang masarap ang menudo! Paborito ko 'yan simula noong bata ako."
Tumango na lang si Yoongi dahil nga kumakain siya at tinatamad siyang magsalita, sayang daw kasi sa laway.
"Pero eto, ang binili ko lang ay Coca-cola at Egg Sandwich. Medyo busog pa kasi ako." Sabi ni Hoseok habang nakangiting nakatingin sa nakatatanda.
Tumango na lamang muli si Yoongi dahil masyado siyang busy sa pagkain.
"Hoy Yoongi, magsalita ka naman. Nasasayang ang laway ko sa kakasalita rito." Kalabit sa kanya ni Hoseok.
"Sinabi ko bang kausapin mo 'ko?" Patanong na sagot ng nakatatanda.
Umakto namang nasaktan si Hoseok at nag-pout, "Oh. Hyung, you hurt my feelings!"
Kaya naman ay nakatanggap siya ng hampas kay Yoongi gamit ang tinidor na hawak nito.
"Magtigil ka, ang arte mo."
"Ay, joke lang naman. Pinapatawa lang kita, hyung. Yieee~ tatawa na 'yan!"
Akmang kikilitiin sana ni Hoseok si Yoongi pero sinamaan siya ng tingin nito kaya hindi na niya tinuloy.
"Kumakain ako, please lang, tigilan mo muna ako, okay?" Saway sa kanya ni Yoongi.
Tumango na lang si Hoseok, "Okay. Sige, papanuorin na lang kitang kumain. Ang cute mo talaga!"
"Tss."
Meanwhile...
"Hala! Namjoon, bakit ang cute nilang tignan?"
"Mas cute ka."
At umariba na naman ang kalandian ni Seokjin.
"HALAAA~ Namjoon naman eh~" Pabebeng sabi niya kaya't nakatanggap siya ng hampas mula sa tatlong maknaes.
"Ang landi mo, Hyung. Ew!" Sabi ng Golden Maknae na si Jungkook.
"Wala akong paki sa inyo!"
-A/N
Another lame update. HUHU sorry na xD
BINABASA MO ANG
STEALER. ¦ Sope
Short Story[ COMPLETED ] [Highest Rank: #363 in SHORT STORY] ❝Ninakawan mo na nga 'ko ng first kiss, ninakaw mo pa 'yung puso ko.❞ - CHAT SERIES #2 [] FIL + ENG. - Date Published: June 3, 2017 Date Finished: April 11, 2018 All Rights Reserved 2017 © jjiminsoles