time skip >>
Jung Hoseok's Point of View
Exam na ngayon! Oh my goodness!
Tapos late pa 'kong dumating sa school. Nakakainis kasi 'yung tagal ng traffic atsaka si Manong driver. Woo~ sarap manapak, sobra.
Pagkapasok ko sa assignated classroom para sa exam, kaagad akong kumuha ng test paper mula sa Proctor namin.
"Mister, bakit late ka? You're 15 minutes late."
"Pasensya na po." Sabi ko at kaagad na umupo sa pwesto ko dala-dala ang test paper. Okay, may 30 minutes na lang para magsagot. Kaya ko 'to!
Sinulat ko na ang pangalan ko, section, course, name of teacher, name of proctor at room number. Pati na rin addressㅡcharot, syempre joke lang.
Ay, question number one pa lang, mahirap na. Hala, anong sagot dito? Hindi kasi ako nag-review. Ano ba naman 'yan!
Bahala na, manghuhula na lang ako. Saklap talaga kapag Identification 'yung type ng test. Hays. Mas maganda pa ang multiple choice, atleast may pagpipilian, 'di ba?
Pagkatapos kong magsagot ay binigay ko na kay Proctor ang papel ko. Bahala na kung may mga mali, puro hula-hula lang naman 'yon.
---x
"So, kamusta na exam kanina?" Tanong ni Seokjin hyung habang kumakain.
Nandito kami sa canteen dahil break time. May dalawa pang subject mamaya. My gosh!
"I give up." Sagot ni Jimin at bumuntong hininga.
"Kahit nag-review ako, hindi ko kinaya. Wala 'yung ni-review ko do'n, nakakainis!" Naka-pout na sagot ni Namjoon at uminom ng tubig.
"Hala, same." Sabi naman ni Jungkook at nilamutak ang mukha. Jusko.
"Na-late kaya ako ng dating, tapos hindi ako nag-review kagabi. Ang resulta? Ayon, hinulaan ko lang 'yung iba. Ang galing ko 'di ba?" Sabi ko at tumawa. Hinampas naman ako ni Namjoon.
"Oo, ang galing mo nga." Pag-irap ni Seokjin hyung.
Tumahimik kami bigla at kani-kaniyang naglabas ng libro. Ayoko na! Gusto ko nang matapos 'tong araw na 'to.
"Hindi ko na kaya!" Sigaw ni Jungkook at binagsak ang libro niya sa lamesa.
"Jungkookie!" Napalingon kami sa likuran. Si Yerim pala.
"Yerim!" Tumayo si Jungkook at nilapitan si Yerim, "Ay, bakit kasama mo si Mark?" Ang sama ng tingin niya do'n sa lalaking kasama ni Yerim. Seloso talaga 'to.
"Sorry."
"Ano ka ba, Jungkook! Syempre, classmate ko siya atsaka close naman kami. At ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na may boyfriend siya? Seloso mo talaga!" LQ na ba ito?
"Okay, fine."
"Napakaseloso talaga ni Jungkook." Bulong ni Jimin at tumawa kami nang bahagya.
"Guys, samahan ko lang girlfriend ko, okay?" Sabi ni Jungkook at tumango lang kami.
May tumawag na lalaki kay Mark kaya sinolo na ni Jungkook si Yerim. Si Mark at 'yung boyfriend niyang hindi ko alam ang pangalan, pumunta sa counter.
Bigla ko na namang naalala si Yoongi. Gosh, namimiss ko na siya.
Nilingon ko ang libro ko at bumuntong hininga. Okay, it's time to study kasi may exam pa mamaya.
Hays, ayoko na!
-(a/n: ang cute-cute ni minhyung ^-^)
BINABASA MO ANG
STEALER. ¦ Sope
Short Story[ COMPLETED ] [Highest Rank: #363 in SHORT STORY] ❝Ninakawan mo na nga 'ko ng first kiss, ninakaw mo pa 'yung puso ko.❞ - CHAT SERIES #2 [] FIL + ENG. - Date Published: June 3, 2017 Date Finished: April 11, 2018 All Rights Reserved 2017 © jjiminsoles