Jung Hoseok,
Alam mo naman 'yung sitwasyon namin ngayon, 'di ba? Hanggang ngayon nga naghahanap pa rin kami ng heart donor. Ang hirap pala, 'no?
Gusto ko nga sanang i-donate 'tong puso ko kaso sabi ni Mama ay 'wag daw kasi mahalaga 'to sa 'kin.
Nga pala, Hoseok, pasensya na kung minsan ay matamlay ako at hindi kita masyadong pinapansin. Iniisip ko kasi si Mama, e.
Ang sabi ni Tita, next week daw ay luluwas kami sa Daegu dahil wala na talaga kaming mahanap na heart donor. Pasensya na kung 'di ko masabi nang personal, ayoko kasing umiyak sa harap mo at ayaw rin kitang nakikitang umiiyak.
Pero 'wag kang mag-alala, kapag nakabalik na kami, I'm sure na healthy na ulit si Mama at masaya na 'ko ulit. Ikaw, dapat masaya ka palagi. 'Wag mong isipin na marami kang problema kasi nandyan si Lord para bantayan ka at alalayan sa lahat.
Alam mo, sobrang bait mo at maalaga ka. Kaya siguro maraming tao ang nagmamahal sayo, para ka kasing anghel. To be honest, simula noong nakita kita, tumibok nang mabilis ang puso ko at sinabing "you're the one", dine-deny ko lang talaga. Pero the more pala na dine-deny ko ay the more na nahuhulog ako sayo. Hindi ka naman mahirap mahalin kasi mapagmahal ka. Stay what you are, okay?
Oy, 'wag kang umiyak ha, iyakin ka pa naman HAHAHA, joke lang. Nga pala, nagustuhan mo ba 'yung Rillakuma stuffed toy? Pinag-ipunan ko 'yan para sayo kasi alam kong gusto mo niyan.
Sa pagluwas ko ng Daegu, 'wag ka pa ring mawawalan ng gana, ha. Baka malaman ko na lang na nag-iinom ka na pala tapos 'di ka na sumasayaw, pangarap mong maging dancer, 'di ba? I-chat mo lang ako nang i-chat, babasahin ko 'yon at rereplyan kahit late pa. Gusto kong masaya ka pa rin kahit 'di mo 'ko nakikita. Babalik naman ako, kaya 'wag kang mag-alala, hmm?
Mamimiss kita. Mamimiss ko 'yung makulit na Jung Hoseok na nagcha-chat sa 'kin kahit may klase ako, 'yung Jung Hoseok na china-chat ako tuwing gabi, 'yung Jung Hoseok na palaging nagchi-cheer up sa 'kin, 'yung Jung Hoseok na nagpapasaya sa 'kin. Mamimiss kita nang sobra, Hoseok. Alagaan mo ang sarili mo, ha?
Promise ko sayo na babalik ako. Meron ba 'kong promise na hindi natupad? Basta dapat pagkabalik ko masaya ka pa rin. Kapag masaya ka, masaya rin ako. Kaya 'wag kang malulungkot, ha.
Oh, tama na iyak HAHAHA. Naiiyak na 'ko habang nagsusulat nito. Sana gumaling na si Mama, 'no? Parehas kayong mahalaga sakin at hindi ko alam ang gagawin ko kapag isa sa inyo ang nawala sa buhay ko.
Grabe, sobrang haba na nito. Marami pa 'kong gustong sabihin sayo pero sa palagay ko'y kulang ang back-to-back na one sheet of long bond paper, right? Sige, hanggang dito na lang. Sa haba ng sinulat ko, isa lang ang pinakagusto kong sabihinㅡI love you, Jung Hoseok.
Love,
Min Yoongi.
BINABASA MO ANG
STEALER. ¦ Sope
Conto[ COMPLETED ] [Highest Rank: #363 in SHORT STORY] ❝Ninakawan mo na nga 'ko ng first kiss, ninakaw mo pa 'yung puso ko.❞ - CHAT SERIES #2 [] FIL + ENG. - Date Published: June 3, 2017 Date Finished: April 11, 2018 All Rights Reserved 2017 © jjiminsoles