4

102 6 3
                                    

Ganun pa rin ang set up ng ating mga bida. Walang interaction between Diane and the two Ks, even kay Harumi. And same with Harumi na busyng busy sa mga kaibigan niya. Si Therese naman ay officially friends with the two Ks, and she's casual with Diane dahil nga magka grupo sila.

Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang crush feelings ni Diane towards Rex until one particular day happened... It's normal for Diane and Rex ang pagiging makulit sa isa't isa pero nasobrahan si Diane sa pagiging bully niya. She vandalized on Rex's notebook without him knowing, the moment he found out ay di nagdalawang isip sumigaw eto sa galit sa gitna ng klase. "Sinong may sabi sulatan mo notebook ko!?!" He shouted in anger.

Hindi man kumuha ng atensyon sa buong klase ang pagsigaw niya, ay nasaksihan naman ng lahat ng kagrupo ang nangyari. Therese even witnessed it. Walang nagawa si Diane kundi mag sorry, ang pilyang ngiti ay biglang naglaho sa inasta ng binata. And with that, it was a major turn off. Alam niyang kasalanan niya, pero hindi kailangan ipahiya siya sa harapan ng maraming tao.

"Nakakatakot siya." That was the comment of Loi-Loi.

"Para yun lang? Kala mo naman kung sinong gwapo. Pangit ng ugali! Ang sarap pagsabihan! Wag ka ng lumapit dun, hindi naman gwapo. Pag ako ang ginanun niya, di ako magdadalawang isip sagutin siya!" Galit na saad ni Therese.

"Wag na, kasalanan ko rin naman." Sagot ni Diane.

Kahit hindi close si Diane at Therese ay ikinatuwa niya ang reaksyon ng kaklase. Diane is vulnerable, hindi makikita ang strong personality sa kanya kaya malaking bagay na sa kanya ang makarinig ng ibang taong kayang ipaglaban siya.

Simula nun ay nawala na rin ang paghanga ni Diane kay Rex. Lalong lumayo ang dalawa sa isa't isa nang iniba na ang grupo. Dahil destined to be together si King at Kate ay nananatili pa rin silang kagrupo, si Diane at Therese ay nahiwalay, si Harumi ay malayo pa rin sa kanila.

Magkatabi ang mesa ni Diane at sa dalawang K's, at nasa harapan din ng dalawang K's ang mesa ng kagrupo ni Therese kaya nagiging what a small world after all eto. Tuwing may experiments ay nawawala si Diane sa table ng kagrupo niya upang mag tanong-tanong (at mangopya) sa kabilang grupo dahil kasalungat ng mga kaibigan niya ang naging kagrupo niya.

Hindi namamalayan ni Diane ay lagi na siyang tumatambay sa table kung saan sina King at Kate dahil ramdam niya ang easiness kung kausap ang dalawa kahit hindi siya masyado pinapansin. Kung nung una ay nagja-jump lang siya sa kanila kung may activities, ngunit nang tumagal ay pupwesto muna sa original table, kukuha ng silya at hihilain eto upang tumabi nila King at Kate. Hanggang sa tinawag siya ng isa sa orihinal na kagrupo niya, "Huy Diane sino ba talaga kagrupo mo? Wag kang traydor, bumalik ka dito."

Tumawa lang si Diane at nagpatuloy sa kanyang pagiging makulit sa table nina King. Si Therese din ay lumalapit sa table hanggang nagmukha na silang kagrupo sa ginagawa nila. Hindi eto pinapansin ng professor palibhasa fresh grad at gwapo, ang grupo naman nina Harumi na nakaupo sa harapan ang nakinabang kaya hindi na masyadong napapansin ang mga taong nasa likod.

Pero kahit hindi pinapansin ay crush na crush naman ni King ang professor. Aside from fresh grad, gwapo, at may kabaitang taglay na inabuso ng marami, ay grumadweyt eto bilang cum laude sa mismong paaralan kung san siya nagtuturo. Kaya dugo't pawis ang ginagawang effort ni King kung may mga experiments, at buong gabi ang pagsusunong ng kilay kung may quizzes. Tuwing lecture naman kahit walang matinong nakikinig kay sir o hindi maganda ang pag discuss ay nagtitiis si King upang intindihin lahat ng yun. Ganun ka tindi ang pagiging inspired niya.

Meanwhile si Kate na tahimik ay busy sa pagtetext ng kanyang love of her life o kaya naman nagbabasa ng wattpad sa ipad o kaya nagse-selfie gamit ang camera 360 at retrica. (A/n: shet nakakamiss those days!) Binabato siya ng mga katanungan ni Diane na minsan may sense kadalasan wala, but most of the time she is disturbed by her. Pero dahil mabait at tahimik, ay di niya etong ginawang issue.

Camp TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon