Review

29 1 5
                                    

"Uggghhhh!!!!! Aaarrrgggghhh!!!!!" sigaw ng isang babaeng may maikling brown na buhok na aabot lang sa balikat niya and light brown eyes, well, dahil lang naman yun sa contact lens.

Anyway, meron siyang 5 libro ng math book sa table niya sa library nila sa bahay nila. Yes, may sarili silang library pero di yan kasama sa storya.

Nakatali ang bangs niya just above her head, yung parang sa anime sa tuwing magre-review sila? Yun. Yung ganun.

"Ayoko naaaaa!!!!! Huhuhuhuhu!!! Ang hirap ng Math!!" angal niya ulit.

Considering the time na sumabog siya ng ganyan, which is 21:37, at sa boses niyang sobrang taas, no doubt na aabot ang sigaw niya hanggang kabilang kanto. And since nakatira siya with her father and brother, na ngayon eh nasa babang parte ng 2-story nilang bahay, nabasag na ang eardrums nila dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya. And as if on cue, biglang

*BAM!*

Kalabog ng pinto!

"Aynakanampitongpulisnahinayupak!!" gulat niyang sigaw.

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan at sumisigaw ka pa?! Ang sakit sa tenga alam mo ba yun?! At saka anong oras na sumisigaw ka pa!" asik ng kuya niyang si Titus

"Eh bakit ikaw?! Di ka ba sumisigaw?! HA?! Sinisigawan mo kaya ako ngayon!" sigaw niya rin pabalik dito

"Aba't--!" naputol ang sasabihin ni Titus ng dumating ang ever-so-calm nilang ama at nagsalita

"Ano ba yang ingay na naririnig ko? Aerin? Titus? Anong meron? Bakit kayo nagsisigawan?"

At para namang mga megaphone ang magkapatid kung magdahilan dahil sabay silang nagsalita at nagpaliwanag.

"Te-teka nga. Ang hirap niyong intindihin. Ano ba talagang nangyari Aerin?" tanong niya ulit.

At dahil nga sa kalmado lang ang tatay nila, huminahon na rin ang dalawa at hinayaan na ni Titus na magpaliwanag ang kapatid

"Kasi Pa, nagre-review ako sa math. Eh hindi ko kinaya. Kaya para malabas ang frustrations ko, sumigaw ako"

"Asus. Di na lang sabihin na may ginagawang kababalaghan" bulong ni Titus sa sarili

"Ano yun Titus?" tanong ni Aerin sa sinabi ni Titus na halata namang narinig niya. At Titus na talaga ang tawag niya sa kuya niya kapag naaasar siya dito, which is almost like, everyday.

"Wala akong sinasabi" parang takot na ewan na sagot si Titus

'Mas mabuti nang wag galitin to pag ganyan. Nangdadakmal at nanghe-headlock to eh. Baka wala na akong kinabukasan pag nagkataon. Haay. Wala nanaman akong pagkain bukas' isip-isip niya. Si Aerin kasi ang nagluluto ng mga pagkain nila since mas dumami na ang trabaho ng kanilang ama

"Mabuti naman" sabi ni Aerin na nakatingin pa rin ng masama sa kuya niya

"O ikaw naman? Bakit ka sumigaw?" tanong naman ng tatay nila kay titus.

"Wala lang. Trip ko. Hehe" sagot naman niya

"Walangya ka! Sinigawan mo lang ako dahil trip mo? Bahala ka, di kita gagawan ng lunch bukas. Wala akong pakielam kung mamatay ka man sa gutom. Hmph!" singit ni Aerin

'Sabi ko na nga ba eh. Haayy' isip-isip ulit ni Titus

"O siya siya, balik na sa dating ginagawa okay? Aerin, mag-review ka na lang ulit. Kung may hindi ka naiintindihan, wag kang mahiyang mapatulong sakin ah?" malambing na sabi ng tatay nila

"Opo pa."

"Pa, wag mong aalukan ng ganyan si Aerin. Sasakit lang ulo mo dahil sa kakaturo mo sakanya, wala namang natututunan. Tinutulugan niya lang parati yung mga lesson nila sa Math kaya nahihirapan mag-review" singit naman ni Titus

"Ano ba! Tumigil ka nga!" asik ni Aerin sa kapatid. At parang nabuhusan siya ng malamig na tubig sa huling sinabi ng kuya niya, kaya nagtanong siya ng "Teka pano mo nalaman ang tungkol dun?"

Nagkibit-balikat lang si Titus at saka nag-walk out sa eksena sa library nila.

"Basta anak ha? Kapag kailangan mo ng tulong --" simula ulit ng tatay nila

"Pa. Ayos lang ako. Kaya ko to. Thanks for the offer anyway" putol niya sa sinasabi ng ama saka ngumiti ng pagkatamis-tamis

"Ok"

=_--#--++**++--#--_=

"Huhuhu... kahit anong gawin ko, di ko talaga siya ma-gets TT^TT" pagmamaktol ng ating bida sa bestfriend niya. 6 na araw na lang kasi ang nalalabi bago siya mamatay--este-- ang exam.

Nasa school siya ngayon at kasama niya ang bestfriend niyang si Thalia. Isang di-makabasag-pinggang babae na maganda, mabait at matalino pa. San ka pa! Edi sakanya na!

Sa totoo lang, pwede naman niyang turuan si Aerin kasi magaling din naman siya sa math, eh ang kaso, di kaya ng utak ni Aerin yung mga terms na sinasabi ni Thalia, masyadong heavy! Nakaka-nosebleed! *kuha tissue*

"Ayos lang yan Aerin. Marami pang paraan para maintindihan mo ang Math" pagko-comfort naman ni bestfriend. Syempre, bestfriend siya eh. Trabaho niyang i-comfort ang bestfriend niya.

"Ano? Anong mga paraan?! Nawawalan na ako ng pag-asa! Huhuhuhuhu!!!" Pag-iyak niya na wala namang luhang lumalabas. Yaan niyo na. Ganyan talaga ang mga iyak sa panahon ngayon

"Katulad ng uhhh--uhmmmm....." patuloy na nag-isip si Thalia ng mga paraan kung paano maiintindihan ng lecheng utak ni Aerin --her words not mine-- ang Math

"Thalia wala na talagang pa--" "Alam ko na!" naputol ang dapat sanang sasabihin ni Aerin ng biglang tumayo si Thalia at sumigaw

"Alam mo na ang alin?" tanong ni Aerin

"Alam ko na kung paano mo maiintindihan ang Math. May isa pang paraan. This may be a bit risky pero ito na lang ang nag-iisang paraan na naiisip ko"

"Ano?"

"Ang--*KRIIIIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGG*" sabi ng bestfriend niya na hindi na niya narinig pa dahil sa lecheng bell na nagsusumigaw na oras na ng klase. Nakakainis ang mga bell sa mga school! Kaloka! Ang sakit sa tenga!

"Ha? Ano ulit yun Lia?" tanong ni Aerin ng tumigil na ang nakakarinding pag-ring ng bell ng school nila.

"Mamaya ko na lang uulitin! Kailangan na nating pumasok. In 5 minutes may klase na tayo. At in 5 minutes, maririnig nanaman natin ang bell" paliwanag ni Thalia

'Shit na bell yan! Bwiset!' isip ni Aerin

Pumunta na sila sa kanilang room at nagsimula na ang klase nila...

--##*+*##--

A U T H O R ' S N O T E :

Hi guys!! Sana magustuhan niyo itong Short Story ko. Maikli lang talaga siya so sana pagtyagaan niyo. Sa mga bumasa nito, THANK YOU!!!! I really appreciate it :D

FinalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon