Last chance?

26 1 2
                                    

Previously on chapter 1...

"Alam ko na kung paano mo maiintindihan ang Math. May isa pang paraan. This may be a bit risky pero ito na lang ang nag-iisang paraan na naiisip ko"

"Ano?"

"Ang--*KRIIIIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGG*" sabi ng bestfriend niya na hindi na niya narinig pa dahil sa lecheng bell na nagsusumigaw na oras na ng klase. Nakakainis ang mga bell sa mga school! Kaloka! Ang sakit sa tenga!

"Ha? Ano ulit yun Lia?" tanong ni Aerin ng tumigil na ang nakakarinding pag-ring ng bell ng school nila.

"Mamaya ko na lang uulitin! Kailangan na nating pumasok. In 5 minutes may klase na tayo. At in 5 minutes, maririnig nanaman natin ang bell" paliwanag ni Thalia

'Shit na bell yan! Bwiset!' isip ni Aerin

Pumunta na sila sa kanilang room at nagsimula na ang klase nila...

-----Currently-----

Unang subject na tatalakayin nila ay tungkol sa technology. Fortunately para kay Aerin na ito ang first subject dahil mahilig siya sa Technologies. May kung anu-ano silang dinicuss at nag-quiz din sila, in which, na-perfect ni Aerin. Sabi ko nga kasi, paborito niya ang subject na ito. Ay hindi ko ba nasabi? Sorry, oh ayan ngayon alam niyo na.

Sumunod naman ay ang History. Para sa lahat, ito na ang pinaka-boring na subject na nagawa sa balat ng lupa, dahil sino ba naman ang gustong alamin kung paano nabuo ang pangalan ng bawat bansa sa mundo diba? Alam ko meron diyan pero wag niyong sirain ang trip ko.

Again, fortunately, hindi na-bore si Aerin sa subject na ito dahil interesado siya kung paano nabuo ang martial arts sa China. (walang basagan ng trip. alam kong walang ganyan sa history)

Pangatlong subject niya ay Filipino, in which hindi masyadong natuwa si Aerin dahil napakalalim ng ibang mga tagalog words sa tekstong tinalakay nila

At ang sumunod ay ang pinaka-aayawan at pinaka isinusumpang subject ni Aerin..... ang MATH

Alam niyo na ang ginagawa ni Aerin kapag math na di ba? Sinabi na ni Titus sa previous chapter. Para sa mga nakalimot, ito ang ginawa niya:

Natulog lang naman siya....

At hindi siya pinansin ng teacher nila dahil sinukuan na niya ang ganitong gawain ni Aerin. Nasasaktan man siya na may estudyanteng hindi nakikinig sakanya, iniintindi na lang niya dahil nga sa kapurulan ng utak ni Aerin pagdating sa math. Ilang beses na niya itong kinausap subalit walang nangyari kaya sinukuan na lang niya. Nalulungkot na lang siya dahil nalalapit na ang finals pero tinutulugan pa rin ni Aerin ang asignatura niya. Sadyang nakakalungkot nga

Anyway, enough of the drama, natulog lang si Aerin sa buong klase ng kanilang teacher sa math. Nagising lang siya ng gisingin siya ni Thalia dahil Lunch na.

SAWAKAS!!! Ang pinakapaboritong subject ng lahat ng estudyante sa mundo.. Break at Lunch time!

Pumunta na sila Aerin, Thalia at ang iba pa nilang mga kaibigan sa cafeteria at pumila para makabili na ng pagkain nila. Nang makabili na sila ay bumalik sila sa classroom nila dahil feel lang nila. Walang partikular na dahilan ang kailangang ibigay para lang kumain sa classroom no. Ano to, labag sa batas?

Walang ibang tao doon maliban na lang sa isang lalaking nakasalamin na may buhok na kakulay ng chestnut at matang nakabibighani na kitang-kita kahit na nakasalamin siya. Well, wala namang rule sakanila na hindi pwedeng magpa-dye ng buhok.

Kahit na matatalino ang mga tao dito, may kaunting sablay dahil hindi sila ganoong kadisiplinado tungkol sa rules na lumalabag sa kalayaan nila sa kanilang pangangatawan. Pero sa pangangatawan lang naman nila eh. Sumusunod sila sa rules na bawal ang vandalism, magdala ng celphone at kung anu-ano pa.

FinalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon