Tutor

18 1 0
                                    

Previously on chapter 2...

"ANO?! MAGPAPA-TUTOR AKO SA MATHEMATICIAN NG SCHOOL NA SI SEAN OCAMPO??!! MAGPAPA-TUTOR AKO SAKANYA?!" Sigaw ni Aerin habang turo ang lalaking may chestnut hair at salamin na tinatakpan ang napakagandang mga mata niya

At ang mapaglarong tadhana nga naman...

"Anon---*KRIIIIIIIIIIINNNNNNNNNGGGGGGGG!!!!!!!!*" naputol ang sasabihin ni Sean dahil nag-ring na ang pinaka-nakakarinding bell sa balat ng lahat ng school at nagsipasukan na ang mga kaklase nila

-----Currently-----

Napakasaklap na marinig ang ring ng bell sa paaralan nila Aerin, pero sa oras na ito, nagpapasalamat siya, sapagkat naudlot ang bibitawang mga salita mula sa bibig ng isang gwapong nerd na nagngangalang Sean

Oo alam kong over ang pag-puring ginagawa ko kay Sean, pero anong magagawa ko? Ako ang author at kailangan kong pagandahin ang storya ko

So anyway, nagtuloy ang klase nila Aerin while all the time, ang napakagandang mga mata ni Sean ay nanlilisik at nakatingin ng masama sa likod ni Aerin. Sabi ko nga kasi, ang upuan ni Sean ay nasa likod lamang ni Aerin

Ay hindi ko nanaman ba nasabi? Ano ba yan. Nagiging makakalimutin na ako. Oo si Sean ay nakaupo lang sa likod mismo ni Aerin. Si Thalia naman ay nakaupo sa tabi ni Aerin. Eto aayusin ko:

Si Aerin ay nasa tabi ng bintana and ang bintana nila ay sa left, 3rd seat from the front. Sa kanan naman niya ay si Thalia at nasa likod ni Thalia si Eric na nasa kanan naman ni Sean, which makes Sean right behind Aerin. Magulo ba? Para sakin hindi eh, so okay na yan

OKAY! Ayun na nga. Nagtuloy na ang klase nila at ang pinag-aaralan nila ngayon ay English. Gusto niya rin ang subject na ito kasi mas naiintindihan niya kaysa sa Math. Sabi nga nila, kung magaling ka sa English mahina ka sa Math. Kung magaling ka naman sa Math, mahina ka sa English. Pero di natin alam kung totoo talaga yun ok? May mga magaling sa both subjects. Meron din namang bokya sa mga ito

Pagkatapos ng English, ang next subject nila ay Home economics, isa sa mga paboritong klase ni Aerin. Mahilig kasi siyang magluto at hindi sa pagmamayabang, magaling siya dito. Ikaw ba naman ang tumira kasama ang dalawang lalake ng walang nanay eh. Pero hindi naman ibig sabihin, hindi marunong magluto ang dalawang lalake sa buhay ni Aerin. Sa totoo lang, mas magaling pang magluto ang tatay ni Aerin kaysa sakanya at nagte-take turns sila ng kuya niya. May schedule board pa nga sila eh. Ang kaso, minsan, may pagkakataon na hindi nasusunod ang schedule nila kapag humingi ng pabor yung isa sa isa. Kunwari si Titus, nanghingi ng pabor kay Aerin na kausapin ang crush niyang si ganito, may kondisyon si Aerin. Kunwari, 3 linggong house chores na naka-assign kay Aerin ang gagawin niya para sakanya pag nagawa ni Aerin yung pabor *evil grin*

Ay siya nga pala, marunong din magluto si Thalia, especially baking, at Sean, sa main course meals (wow chuchal) . Pwede na silang magtayo ng restaurant (Sila na!)

Ang sumunod na subject ay Science, dito hati si Aerin. May part kasi na gusto niya ito, at may part na ayaw niya dito. Mahirap malaman kasi ang science malawak. Minsan, tinatamad si Aerin pero minsan ganado siyang makinig. Ah ewan!

At ang huling-huli nilang subject. Ang pinaka-paborito ni Aerin sa lahat. Ang P.E. Galawgaw kasi si Aerin at tuwing P.E nila, dun niya lang nailalabas ang buong kakayahan niya sa paglilikot. Wag ka, talent yun! XD

Maraming excercises ang ginagawa nila tuwing P.E at tuwang-tuwa ang bruha kasi nakakapagpasikat siya. Everytime na may P.E, nailalabas niya ang naikukubling energy kaya tuwang-tuwa rin ang teacher nila sakanya. May ibang estudyanteng naiinis, naiinggit, namamangha at mga walang pakielam sa mga ginagawa ni Aerin. Pero wala rin namang pakielam si Aerin sa mga yun eh, basta ang gusto niya lang, gumalaw at ilabas ang energy niya.

Pagkatapos ng lahat ng ito, pupunta na sila sa mga dressing rooms assigned by sex at magsha-shower na sila, lalo na si Aerin dahil ang daming energy ang nailabas niya kaya pagod siya. Na-enjoy niya naman daw eh

"Aerin, ano? Kinonsider mo na ba yung alok ko? Kahit naman na hindi mo i-consider ipagagawa ko parin naman yun sayo eh" Sabi sakanya ni Thalia habang nagbibihis na sila.

"Ehhh? Paano yun? Maisip ko pa lang na magpa-tutor dun, feeling ko mas malalalalim pa yung mga terms na sasabihin niya kaysa sayo o sa teacher natin eh" tugon naman ni Aerin

"Ano ka ba! Ang sabi-sabi ng mga na-tutor niya na dati, magaling daw siya magturo. Yung mga terms na gamit niya, mas in-elaborate at mas madaling matandaan. At yung mga formulas, i-sinimplify niya na para mas madaling magamit. Hindi ka magsisising magpa-tutor sakanya no"

"Ganun ba? Uhhhhh.."

Ganun ba talaga yun? Kaya niya kaya akong turuan? Ako na ni minsan ay hindi nakinig sa teacher habang nagle-lecture? Kaya niya kayang i-tolerate ang mga pag-angal ko? Ang mga oras na talagang iinisin ko siya para lang wag makatulog? Ako, kakayanin ko ba?

"Tapos ka na ba?" tanong sakanya ni Thalia na nagbalik sakanya sa reality

"Ah? Ah oo. Tara na"

Meanwhile, kanina pa tapos si Sean at nakatambay sa front gate ng school nila, may inaabangan. Hala baka mambubugbog 'tong si Sean, naku! Ang gwapo niyang mukha ay galit? O galit nga ba? Hindi maipaliwanag ang facial expression niya for today kaya hindi ko maide-describe sainyo, sorry.

"Ahahahahaha!!!!!" malakas na tawa ng taong hinihintay niya

"An--- hoy teka! Aray! Ano ba!" Sigaw ng taong hinihintay ni Sean na hinahatak niya na ngayon. Si Aerin lang naman siya

"Ohohohohohoho!" At naririnig niya pa ang trademark na tawa ni Thalia sa background

Ano kayang mangyayari sa dalawa? Abangan...

-----

A U T H O R ' S  N O T E :

Hi guys!! Hope y'all like it! May mga nakaka-sunod na ba sa kung saan, kahit papaano, na-derive ang mga characters ko sa storya? Comment if you do!!

Hint: Mga otaku! Alam niyo yan. SxS ExT ;p

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FinalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon