Maraming maraming salamat kay @IyaMii sa pagtulong sakin para sa book cover ko! Thank you! Napakalaki ng naitulong mo. Love you girl! :* Eto na nga dinedicate ko pa. Sensya na ha? Hihi.
Btw, isipin ninyo na si Raylene ang nasa picture. :)
Enjoy~
---
Prologue
Nagtatakbuhan na ang mga tao papunta sa bulletin board. Nakapost na kasi yung rankings niyan para sa 2nd quarter. Nakita ko na din yung tatlo kong kasa-kasama dito sa school. Hinihintay na nila ako sa bench.
Unang nagsalita si Lawrence. "Bakit ngayon ka lang, baby?" Tiningnan ko lang siya ng matalim na tingin. Nangaasar nanaman to, pano ako ang bunso saming magpipinsan at tawag sakin ng kuya at daddy ko ay 'baby'. Kainis. Kung hindi ko lang to pinsan baka napektusan ko na. Pero nginitian niya lang ako kaya inirapan ko nalang.
"Nagsurprise quiz si Mrs. Mendoza. Ako una natapos pero hindi niya kami pinalabas, aniya sabay sabay daw kami lalabas kasi kami pa ang magchecheck non." Sabi ko.
Pagkatapos ko sabihin yun ay tumango-tango sila. "Check muna natin yung bulletin board bago tayo pumuntang coffee shop, kay?" Sabi ni Blair na bestfriend namin.
Inirapan naman siya ni Jyanna. "Well duh? Bakit pa natin kailangang icheck yun. Number 1 si Raylene sa section niya at for sure siya pa sin ang number 1 sa over-all. Walang pagbabago." Natatawa naman ako sa sinabi ng pinsan ko. Yep. Magpipinsan kami nina Jyanna at Lawrence. Pinsang buo. Close kami sa isa't isa kaya hanggang sa school ay kami ang magkakasama. Pero minsan hindi sumasama samin si Lawrence kasi kasama niya ang barkada niya na Basketball players.
Si Lawrence ay ang "Basketball Heartthrob" dito sa school. Pano ba naman hindi sisikat yan? Eh gwapo na magaling pa sa basketball. Pero hindi lang sa basketball halos lahat ng sports tinry niya at marunong siya pero priority talaga niya ang basketball. At isa pa, matalino din siya. .Si Jyanna ay sikat din. "Theatre Princess" siya. Ang galing kaya magdrama niyan. Sa lahat ng mga pinsan ko siya ang pinaka maarte. Only child kasi at na-spoiled pa. Ako naman? Walang tinatawag sakin. Pero sikat din ako. Ako ang palaging top sa klase, MVP ng volleyball, kasali din ako sa dance troupe at marunong ako magpaint. Pero tingin ko, isa pang nagpasikat saming magpipinsan ay dahil alam ng mga tao na nasa dugo namin ang pagiging isang Wilson.
Isa ang pamilya namin sa pinakamayayamang negosyante sa Pilipinas. Kilala kami. Kaya siguro kami nalang din ang magkakasamang magpipinsan dahil ayaw naming mahalin kami ng tao dahil kami ay sikat at mayayaman. Gusto namin mahalin kami kung sino kami hindi dahil sa kung anong meron kami.
Si Blair naman ay sikat din at kasama niya si Jyanna sa pagarte sa stage. Family friend siya kaya mapagkakatiwalaan. Mas close sila ni Jyanna. Mas close kasi kami ni Lawrence. Sila kasi puro fashion, drama, boys. Samantalang kami ni Lawrence? Sports, video games, skateboards. Kung hindi nga lang kami magpinsan ni Lawrence ay baka napagkamalan na kaming mag "bf-gf". Minsan nga naiinis na sakin si Jyanna kasi ang baduy ko daw.
You see, hindi ako ganun ka girly. Hindi ako nagsusuot ng dress. Hindi ko sinusuklay ang mahaba kong buhok na kinaiingitan ng iba. Minsan naka beanie ako. If aalis kami, ang suot ko ay pants at loose shirt and converse. Pag sa bahay naman, nakapanjama ako at naka loose shirt pa din. Wala naman problema sa katawan ko. Makinis ako at sabi ng family at iba pang mga tao ay maganda ako. Sayang lang daw kasi hindi ko ito ginagamit.
"Told you siya nanaman." Sabi ni Jyanna kay Blair.
Magkakahiwalay kaming section pero pare-parehas na 4th year HS. Silang 3 ay sa Section 1 at ako naman ay sa Pilot Section. 2nd quarter na ngayon at sure na si Jyanna na ako nanaman ang Valedictorian. At sure din siya na matatanggap ako sa mamahalin at bigating schools para sa college kahit na hindi ako mag-exam.
BINABASA MO ANG
Operated By The Heart
Romance"The heart gets what it wants. And anong gusto ng puso ko? Gusto niyang mahalin ko siya. Guess what? It got what it wants, because I have no control over it. I have no control over my heart. I have no control over my feelings."