Nandito ako ngayon sa auditorium ng school namin. Ngayon ang unang day ng practice namin para sa Interschool Meet namin. Sa October kami lalaban at September na ngayon. Hinihintay nalang namin na makumpleto kami bago kami mag start ng training.
Isang linggo mahigit na ang nakalipas simula noong araw na sinagip ako ni Warren. At nakakainis yung lalaking yun kasi nagmamagandang loob na nga ako sakanya, wala pa din. Ang sungit sungit pa din. Nung naman nalaman ni Lawrence na sinagip ako ni Warren, aba ang mokong ay tuwang tuwa.
"Diyan na magsisimula ang lahat." Aniya at binigyan ako ng isang mapangasar na ngiti.
Alam ko naman na ang gusto ni Lawrence para sakin ay si Warren. Hindi ko alam kung bakit at pano. Pero wala naman siyang magagawa dahil hindi ko naman gusto yung masungit na yun. Aba. Kung mag boboyfriend lang din naman ako sisiguraduhin ko ng malambing at maalaga.
At kung magkakaboyfriend man ako, sisiguraduhin kong mahal ko siya at mahal niya ako. At hindi ngayon ang panahon para magisip ng ganito dahil una, baby pa lang ako. You don't expect a baby to fall in love at her very young age. A baby deserves to enjoy life. A baby deserves to be love and feel loved. At baby palang ako. I deserve to enjoy life, and I deserve to be love and feel loved by my family. Yun muna. Wala munang boyfriend boyfriend.
Pangalawa, hindi ko dapat to iniisip ngayon dahil magsisimula na ang training. Need ko na mag focus. Aba syempre. Volleyball ata 'to. Buhay ko to. Eto ang pangalawang kaligayahan ko sunod sa pamilya ko. Kaya focus muna ako dito ngayon.
-
Natapos na ang training at nakapag ayos na din ako. Naka uniform na din ako ngayon. Grabe. Pagod na pagod ako pero eto ako tumatakbo papunta sa next class ko. Hingal na hingal ako. Eto ang hirap pag varsity. Need mo ibalanse ang sports at studies mo. Pero para saan ba ang naging bansag sakin na "Multi-talented" nung ako'y Grade 6 palang kung hindi ko 'yon gagamitin ngayon.
Yung ibang mga kasama ko, sinasamantala ang practice. Nag cucutting na kasi alam naman nilang excused kami. Pero hindi ko 'yon kaya. Dahil priority ko din ang studies ko.
Hanggang sa nakaramdam ako ng taong naka tabi sakin at tumatakbo din kasabay ko. Si Reed! Grabe. Varsity 'to ng basketball at ang galing galing niya. Nung minsan nga nanood ako ng practice nila, pero ang mokong kong pinsan nagselos. Ni hindi ko man lang daw siya sinuportahan at nanlaway lang daw ako kay Reed. Aba'y matinde! Nagalingan lang naman ako. Akala ko lalampa-lampa eh. LOL.
Walang nagsasalita samin. Naka focus lang kami sa paghabol sa next class namin. Oo nga pala, mag kaklase kami. Takbo hala sige takbo lang. Takbo lang kami ng takbo. Hanggang sa may bastos na dumaan sa harap namin. Teka, MGA bastos pala. At hinatak pa ako nung isa.
"Uso naman sigurong mag excuse." Sabi ni Reed na ngayon ay huminto na sa pagtatakbo at hinihingal.
Pinalo ko si Lawrence. Ang bastos naman nito. "Ano ba?" Inis kong tanong.
Ngumiti lang siya. Hinampas ko ang kamay niya at sinugod ko si Warren dahil siya ang unang dumaan sa harap. Nag half jog pa nga ako dahil ang bastos na kaibigan ng bastos kong pinsan e patuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Operated By The Heart
Romance"The heart gets what it wants. And anong gusto ng puso ko? Gusto niyang mahalin ko siya. Guess what? It got what it wants, because I have no control over it. I have no control over my heart. I have no control over my feelings."