Nilambing ako ni Lawrence noong mismong araw na 'yon. Nakita niya kasi ako na hindi kumakain at naka-upo lang sa soccer field. Akala ko nga kabuntot nanaman niya ang BESTFRIEND niyang MASUNGIT na si Warren. Pero hindi. Hindi niya daw sinama dahil baka magkagulo at ayaw naman din daw ni Warren na sumama sakanya.
"Nasan ba si Hannah at palaging barkada mo ang kasama mo?"
"Absent siya ngayon, umalis sila kasama ng family niya." Napa buntong hininga siya. "Namimiss ko na nga eh."
Tumawa ako at nangunot naman ang noo niya. "Gago. Ni hindi pa nga kayo ganyan ka pa makaasta. Pano kaya pag naging kayo na niyan?"
"Ang sabihin mo, pano kung kasal na kami."
Nalukot na ata ang mukha ko. Ang bata bata pa namin! 16 palang siya. Grabe naman magisip to. "Advanced ng utak mo ah?"
At nagasaran pa kami ng nagasaran. Nakakamiss din tong mokong na to. Sa bahay nalang kasi kami nagkakasama pero hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos dahil parehas kaming pagod. Nagtaka nalang ako nung biglang nangunot ang kilay niya.
May dumi ba sa mukha ko? In-open ko ang camera ng iPhone ko at tiningnan kung may dumi ba ako sa mukha. At nung natagilid ko ang front camera, nakita ko ang dahilan kung bakit nakakunot ang noo ng isang 'to.
Lumingon ako at nginitian si Reed. Tapos humarap ako kay Lawrence na ngayon ay may bahid na ng pagkainis sa mata. Tsss.
"He's my bestfriend." Sabi ko at ikinagulat niya 'yon. Alam niya kasing hindi ako basta basta nag bebestfriend.
"Hindi ka daw kumain? Eto oh. Kumain kami sa labas kanina nila Harry, yan libre ko sayo." Etong lalaking 'to ang gulo. Ang lungkot niya nung iniwan ako kanina pero ngayon ngingiti ngiti na siya diyan.
"Salamat." Nakakainis. Hindi ako makagalaw ng maayos. Nakakaramdam ako ng matinding tension sa dalawang 'to. Kung ano man ang away nila ay sana ayusin na nila. Si Reed ay naka pamulsa at parang okay lang ang mood niya pero 'tong si Lawrence parang kakain na ng tao.
"Bakit mo kailangan paghatidan ng pagkain si Raylene?" Malamig na sabi ni Lawrence at tumayo na din. Nakapagitna na ako sakanila ngayon. Nakakaasar naman. Tiningnan ko si Reed pero parang wala lang sakanya ang nangyayari. Oo nga pala, marunong magtimpi itong isang 'to.
"Ano ba Law-"
"Aalis nalang ako." Paalam ni Reed. Nakakaasar naman 'tong si Lawrence. Nag papakita lang naman ng kabutihan si Reed eh!
Nung nakaalis na si Reed ay agad kong hinampas sa braso si Lawrence. "Ang warfreak mo. Bahala ka diyan."
"Layuan mo siya."
Nagulat ako sa sinabi niya. Ano ba? Pati pa naman yung pagkakaroon ko ng kaibigan siya ang pipili? Tsss. "OA ka lang. Stress lang yan."
Iniwan ko na siya dun at hinanap si Reed. Nakakahiya, nag magandang loob na nga lang ang tao ginanon pa ng pinsan ko. Sumbong ko yun kay lola eh. LOL. Nakita ko si Harry, at ang sabi niya ay baka nasa auditorium si Reed. At nandun nga siya!
"Reed!"
Nagulat pa ata siya sa presensiya ko, iniwan niya ang bola sa gitna at lumapit na sakin. "Umaano ka dito, Lene?"
"Wala naman. Thank you dito ah? Pasensya na sa inasal ng pinsan ko. Baliw na yun eh." Ngumiti ako at ngumiti din siya. "Parang ikaw, baliw ka din."
"Bakit naman?"
"Kasi agad kang nag basketball, diba kakakain niyo lang? Gusto mo bang magka ulcer?" Tapos umiling siya kaya naupo nalang kami sa bleachers tapos kumain ako habang nag kukwento siya.
Lagi ko siyang kasama dahil classmates naman kami. Siya pa nga ang naghatid sakin sa bahay, at pinagtatalunan namin ang pagiging top 1.
"Kawawa ka pag natalo kita." At nag belat siya. Aba loko to ah!
"Ows. Talaga?" At tawa ako ng tawa. "At pag hindi mo ako natalo?" At nag smirk ako sakanya.
"Edi wala. Talo ako. Pero ngayon palang talong talo na ako eh." Tsaka siya tumingin sakin at parang mukha siyang seryoso. Naglalakad lang kasi kami. Nag eenjoy pa kasi kami sa kwentuhan namin eh.
"Iyak ka na." Tapos sinunod naman ako. Nagiyak-iyakan siya at umambang yayakapin ako.
"Hoy chansing. Tulong! Rape! Rape!" Tsaka siya tumawa ng tumawa. Tapos inakbayan niya ako.
"Ang cute mo talaga." Tapos pinisil ang pisnge ko.
"Hindi ako cute. Maganda ako. M-A-G-A-N-D-A." Tapos tumawa siya ng tumawa. Totoo naman yun ah? Bigla kaming natahimik. Ganun pa din ang pwesto namin. Naka akbay siya sakin. Hindi naman weird eh, mag bestfriends naman kami.
"Wala ka bang nararamdamang kakaiba?" Tanong niya
OMG
O
M
G
O to the M to the G.
Nanlaki ang mata ko at tumawa siya. "Baliw ka talaga, Lene. Hindi sakin. Sa pinsan mo."
Ahhhhhhh. Okay. "Ewan ko ba dun, parang may away ata kayo eh."
"Kakampihan mo ba siya?"
"Ha? Away niyo yan eh. Hindi na ako makikigulo. Nakakaasar nga eh naiipit ako. Ano ba kasi problema niyo?"
"Wala naman eh."
Pwede bang wala? Pero hinayaan ko nalang. Hindi nalang ako kumibo. "Sakin may nararamdam kang kakaiba no? Ayieeee. Ayieeee." At kiniliti pa ako.
"HAAHAHAHHAHAHA-teka tama na-HAHAHAHHAHAHAHAHHAAHAHAHHAHA!"
Hindi ako makapagsalita. Kaya nung hinintuan niya ang pagkikiliti sakin binatukan ko na. "Wala ako ibang nararamdaman sayo noh! Feeler mo naman!" Pero ayun siya malaki ang ngiti.
"Mas lalo kang gumaganda pag nakatawa ka. Yung litaw gilagid mo tapos lukot noo mo tapos yung butas ng ilong mo lumalaki?" Aba pinagluko pa ako. Tinanggal na niya ang pagkaakbay niya dahil dalawang kamay na ang gamit niya pang ilag sa mga hampas ko.
"Ha-ha. Nakakatawa ka."
"Kaya bagay tayo eh. Maganda ka, gwapo ako." Tapos nag pose pa siya ng naka pogi points. "Bagay diba?" Tapos kinindatan ako.
"Eww ka." Tapos tawa ako ng tawa. Nung malapit na kami sa gate ng bahay ko, hinarap ko siya. "Baka naman ikaw ang may kakaibang nararamdaman para sakin? Ano? Ano?" Tapos tinaasan ko siya ng kilay.
Pero nginitian lang ako tsaka tumalikod. "Hoy bastos ka kinakausap pa kita!"
Tumawa siya at bago buksan sa gate nila ay lumingon pa sakin. "Nagdidilim na baka ma rape ako. Baka rape-in mo pa ako." Tsaka siya tawa ng tawa habang papasok sa bahay nila. Naiwan akong nakanganga. Gwapong gwapo siya sa sarili niya eh no?
Pagpasok ko sa kwarto ko ay biglang nag vibrate ang phone ko, galing sa isang unknown number.
__________
"Wala namang bago sa nararamdaman ko, ganun pa din sa dati. This is your handsome bestfriend by the way."
_________
Binuksan ko ang bintana ko at nakita kong nandun na nga siya. Magkatapat nga diba kasi ang kwarto namin? Ugh. Tapos bigla niya akong kinindatan at nag flying kiss pa.
Umirap ako at sinarado ang binatana ko. Napa ewww ako pero nakangiti din ako sa inaasal niya. Para siyang baliw.
BINABASA MO ANG
Operated By The Heart
Romansa"The heart gets what it wants. And anong gusto ng puso ko? Gusto niyang mahalin ko siya. Guess what? It got what it wants, because I have no control over it. I have no control over my heart. I have no control over my feelings."