Who are you?

84 4 8
                                    

Hello! UD ulit. Hihi. Ummm, first comment ulit yung may dedic. Huehue. ^__^ T

Thank you po sa lahat ng nagbabasa. <3

Si Lawrence yung nasa photo. Mahal ko si Enrique Gil, kaya siya nalang si Lawrence. Hihi.

Enjoy~

---

Raylenes's POV

Yung new student na medyo stalker nandito nakaupo sa likuran ko. Errrrr. Bakit niya ba kasi ako kilala? Hinihintay ko nalang na maglunch break na kami para makausap ko si Lawrence, Jyanna at Blair tungkol dito. Sino ba siya? Bakit niya ako o kami kilala? Eh first time ko lang naman siya makita nung nasa labas siya ng gate ah?

"Pre, bakit ngayon ka lang nag-enroll?" Sabi nung isa kong kaklase na parang matagal na sila magkakilala. O baka matagal na talaga silang magkakilala at ako lang ang nakalimot sakanya?

Ngumiti muna si Reed bago nagsalita. "Kauuwi lang namin ni Ate galing sa States." So galing siyang states? Eh kung magtake down notes ako sa lahat ng information na sinasabi niya para makakakuha ako ng background niya pag tinanong ko sila Jyanna. Pero wag na siguro. Hehe. Nagmumukha akong stalker, baka isipin pa nila na gusto ko to.

"Grabe tol, namiss ka namin. Bakit ba umalis ka pa at ngayon ka lang bumalik?" Okay. Dun. Nagulat ako dun. Yung nagsabi nun ay si Harry. Si Harry matagal ko ng kasama dito sa school, so if kilala siya ni Harry malamang kilala ko nga siya! Errrr. Tanga tanga ko. Sino ba siya? Bakit ang aga kong naging ulyanin.

"Boys, hindi niyo ba mahihintay yung lunch break para diyan sa usapan ninyo? 8 minutes nalang. Please." Sabi nung teacher. Lumingon ako sakanila, siguro tapos na mangopya ng notes tong mga 'to. Wala naman kasi kaming ginagawa eh, may pinakopya lang na note. Paglingon ko sakanila, nakita ko silang nagpapasahan ng papel. Shocks! Daig nila babae. Napailing ako, nakita ko naman sa gilid ng mata ko yung pagaabot ng papel sakin ni Harry. Huh? Bakit nila ako idadamay?

Hindi mo siya naaalala? - H

Tiningnan ko si Harry. Nakataas ang kilay niya, tinitigan ko naman si Reed. Huh? Sino ba kasi siya! Bakit hindi niyo nalang sabihin. Siguro tinanong ni Reed kay Harry kung ano yung nakasulat sa papel, dahil nung sinagot to ni Harry nanlaki mata ni Reed at may sinulat sa papel. Tapos nanlaki mata ni Harry pagbasa niya. ANO BA NANGYAYARI? WEIRD NILA HA?

Weirdos. - R

Yan nalang sinagot ko dun sa papel ni Harry. Nakahinta naman sila ng malalim pagkabasa nun. Problema nila? Tumunog na yung bell. YES! Makakausap ko na si Lawrence. Sino ba kasi 'to. Mabilis kong inayos yung gamit ko and nakita ko na dinagsa si Reed ng mga babae. Lalandi. Akala mo babait kanina hinihintay lang pala mag lunch break. Haaaaaay. Kinuha ko yung bag ko at mabilis akong lumabas ng room pero wala akong Lawrence na nakita. Pag kasi ganito sinusundo niya ako. Baka hindi pa nakalabas, ako muna susundo sakanya. Pero wala na din tao sa room nila. Pati sila Jyanna wala. Chineck ko ang phone ko, may text pala si Blair at Jyanna sakin.

From Blair:

Lawrence is with Hannah. Hindi mo siya makakasabay maglunch. Kasama namin ni Jyanna mga friends namin sa theatre. Join ka?

Mabilis naman akong nagreply.

To Blair:

No, thank you.

Binuksan ko yung text ni Jyanna.

From Jyanna:

Sorry.

Operated By The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon