Chapter 1 - Just an Ordinary Girl

70 3 0
                                    

Another ordinary day day at Midbridge College. Wala nang bago sa pagpasok ni Mildred at paglakad sa hallways. May mga nagchichikahan sa bawat makita nya. May mga mag-jowang nagpi-PDA. May mga professors na nagmamadali.

Maraming nagbabatian. Yung famous ones, laging epic win ang pagpasok sa pinto. Ikaw ba naman ang laging pagtinginan from head to toe, with matching ‘hi’ o kaya ‘hello.’ Sila yung nagiging fashion icon ng campus. Ang gastos sigurado ng mga yun sa clothes at accessories.

May mga feel na feel, lalo na ang mga magkakakabarkadang nag-aala ‘Mean Girls’ na may formation pa tuwing maglalakad. Sila yung mga trying hard. At least, napapansin sila. HAHA.

Ang mga heartthrobs ng campus tuwing papasok nalang, kilig vibes ang handog sa mga kababaihan at pati na sa pederasyon ng mga bading.

Pero pag si Mildred na ang pumapasok sa main door, parang walang nakita ang mga tao.

                “Mildred!” Tinawag sya ni Jessica. She smiled. Sa wakas may bumati rin sa kanya sa pagpasok nya ng bonggang main glass door kung saan laging projection ang ginagawa ng mga estudyanteng papasok.

                “Oh. Hi Jessica!” :D

                “Thank goodness, maaga ka. Ah, here are the reports about our last issues, tapos itong articles na ‘to, super daming kelangang irevise.” Iaabot sa kanya ni Jessica yung sandamukal na folders. Sa loob, loob nya: Hmmp. May kelangan lang pala saken. At andami nitoo :O Badtrip.

“Kung ako lang ang magdedecide, itatapon ko na yung iba pero inaasahan nilang mababasa nila yung works nila sa portfolio natin, so I think kelangan bigyan nalang natin sila ng konting konsiderasyon. Ikaw na bahala ha? Magaling ka naman jan eh. I know you can finish this. Alam mo naming busy kaming lahat. Ha Mildred? I’m counting on you. Sige, bye na, may meeting pa ‘ko, now na yun.” At kumaripas ng takbo si Jessica.

“Teka, teka…..!” Lumingon sya sa main door kung san lumabas si Jessica. Hmm. May meeting sya sa labas ng school? Pero nawala na si Jessica, di na nya nahabol pa.

“Jessicaaa! Ano ba ‘tong…” Natigilan bigla si Mildred. May magandang chick na pumasok sa pinto. At nadisappoint sya. Si Jasmine. Si Ms. Ever Friendly and  Famous. Hay nako, akala mo kung sinong artista. Kung maka-wave naman oh!

Si Jasmine. Sya ang ex-bestfriend ni Mildred. Bakit ex? Kasi simula nang sumikat sya sa campus, nawawalan na sya ng time para kay Mildred. Uh, di naman talagang nawawala, pero nababawasan lang. At ito ang ipinaghihinanakit ni Mildred. At isa pa, insecure na rin sya dito. Nasa kanya na lahat ng gusto ni Mildred. Maganda sya. Mabait. Mayaman. Matalino. Beauty and brains nga sya eh. Tas ngayon sikat pa. Perfect. :/

“Hi friendship! =))” Bati ni Jasmine kay Mildred. Kumaway sya with matching sweet smiles. Inisnab lang ito ni Mildred. “Hmmp. Plastik. >.<” Bulong nya. At naglakad na sya sa hallways.

Paglingon nya, sagad agad ang ngiti nya. OMYFRGGNGSH, si Laurence! Sya ang crush na crush ni Mildred. Super gwapo ng smiles. =))

“Hi Laurence! *blush blush*” bati ni Mildred. Todo ngiti ang kerengkeng. Kasama ni Laurence ang barkada nya.

“Hi! Uhh..” Napaisip pa ata. “Mildred!” Then he smiled. Tas tuloy lang sya sa paglalakad.

Kilig na kilig na naman si Mildred. “Oh myyyyyy! AHAHA” she exclaimed. Para syang baliw. Diretso sya sa locker nya. Nagmamadali, akala mo malelate na. Pagdating nya sa locker nya..

“Hey, hey, hey! San ang lakad natin sister?” Si Edward.

“Takte! Ginulat mo naman ako best!”

“Uyy.. Ngiting ngiti sya. Maganda ba ang gising? HAHA.”

“Ah, hinde hide. Kaya nga masaya ako ehh XD” Palusot ko nalang. “Uy nga pala, maya ah, 7pm. Punta ka sa condo.”

“Ha? Baket?”

“Bestfriend, this is urgent. I need you to help me, okay? Di ka naman makakapalag di ‘ba? HAHA. Kase bukas magrereport tayo sa Chem Lec. Eh alam mo naman, boplax ako don. Turuan mo ko ha? Tsaka nakikita mo ‘to?”

Ipinamukha ni Mildred kay Edward ang dala-dala nyang file folders. “Grabe, ikamamatay ko ‘to. Please help.” Sabi nya, habang isinisiksik ang mga ito sa locker nya.

Mahina talaga sa kahit anong science itong si Mildred. Kuna anong galling nya sa Literature and Writing, ganun sya ka kabulok, lalo na sa Chemistry.

“Ok, pero best ano..”

*bell rings*

“Gotta go!” Takbo agad si Mildred. “7pm sharp, okay? Salamat, muah!”

EDWARD’S POV

Hay nako. Itong si Mildred, magaling lang pag may kelangan sakin. HAAAY. Hindi ko lang talaga sya matanggihan. Mahirap na, baka magtampo. Eh mahal ko yan eh. J

Hmm, tingnan ko sched ko for today. Takte.

To do: Revise the Review of Related Lit for thesis on Bio. Start book report in English. Make a 52-slide PPT for Histo.

Okay Edward, cancel lahat yan. Crinoss out ko lahat yun at pinaltan ng “Help best at her condo tonight.”

My Bestfriend's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon