EDWARD’S POV
Eto na ‘ko sa condo ni best. Hayy. Sana di magtagal ‘to.
*Doorbell*
“Best? Mildred? Yoohoo..”
Bumukas ang pinto. “Oh hello best.” Niyakap nya ako. >___<
“On time ka. Ambait bait mo talaga.” At pinisil pa ang mukha ko. “Oh sya, tara na, start na tayo.”
Agad agad?
“Grabe, di mo man lang ako paiinumin muna ng kape o pagpapahingahin sandali?”
“Dapat full charge ka na bago ka pumunta dito. Sayang oras. Halika na dito.” At pumasok kami sa kwarto nya. Sadista talaga ‘tong bestfriend ko.
Pagpasok ko, reding ready na ang mga gamit nya ha.
Tungkol sa ‘Limiting Reactant and Theoretical Yield‘ ang report namin. Dahil yung last topics ay hindi na-gets ni Mildred, inulit ko pa sa kanya yung past lessons. Mahirap turuan si best. Ang kulit kulit, palaro-laro pa ng tetris sa laptop nya. Nakakabanas noh? Pero pag seryosohan na, focused na sya. Boring talaga para sa kanya ang Chem. Tinulungan ko na rin sya sa mga articles na kailangan nyang ayusin.
Time check! It’s 9:13 PM.
“Best. Gutom na ko. Di mo ba ako pakakainin??” reklamo ko.
“Well, sorry naman, di pa kasi ako gutom eh. Humanap ka nalang ng pagkain jan sa ref ko.”
“Ano ba yan best, di mo man lang ako ipagluluto pagkatapos kitang tulungan jan?”
“Wag ka na mag-inarte. Pineapples ang madalas kong dinner. Yun nalang din kainin mo.”
Pineapples lang??
“Kaya naman pala ang sexy mo eh. Hahaha” Sabay kurot ko sa tagiliran nya.
“Edward!!” balikwas sya eh. May kiliti kasi sya don, hahaha ;)
Kumain kami. At may part 2 pa ang session. Uuwi na dapat ako kaso ang kulit nya. Eh napakamatulungin ko kasi, di tuloy ako makaangal. Haha
Makalipas ang ilang sandali..
“Hala, nakatulog pala ako!” Nagising ako bigla. Nakahiga ako sa kama ni Mildred, katabi ko sya. Nakatalikod sya saken. Anubayan, ang gulo-gulo ng kama nya, nahigaan pala namin yung mga gamit sa sobrang antok. Haha Gisingin ko nga.
“Best! Mildred. Uy. Gising!” inalog-alog ko rin sya.
“Mhhhmm. B-bessst. Wwag mo kong istorbohin.” Nagsalita siya pero half awake lang sya. Humarap sya bigla tapos kinapa-kapa ang mukha ko. Beyenn!
“Mhhhm. Good night Edward..” Zzzzzz. Tulog na ulit sya.
Haha. Nakakatuwa si best. Ang cute cute! Inayos ko ang kama nya. Pinatong ko na sa desk nya ang mga gamit. Pagkatapos tinabihan ko sya.
“Hay nako best, tulog mantika ka na naman. Alam mo sa totoo lang, ayoko pang umuwi. Gusto kong tabihan ka lang at panuorin kang matulog. Kaso siguradong pagbubungangaan mo ko bukas. At maiinis ka. Haha. Kung pwede lang eh.”
Ang ganda nya. Ang cute nya matulog. Hindi ko napigilan ang sarili ko. I kissed her lightly on the cheek, sabay sabing “I love you best. Mildred, kung alam mo lang. Mahal na kita.” Niyakap ko sya.
“Mhmmm..” Umungol. Gumalaw sya ng konti. Upo agad ako, hahaha.
Maygahd. Baka narinig nya ko. Gising kaya sya? Err. Inaamin ko, inlove ako sa best friend ko. Ayaw ko munang sabihin sa kanya kasi ayokong magalit sya. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag sinabi ko. Baka umiwas at mailang sya, kaya wag muna. At isa pa, torpe ako.
Kahit ganyan sya - sadista, prangka, makulit at nakakairita, nainlove ako sa kanya. Kasi kahit binabatuk-batukan nya lang ako, alam ko sa loob loob nya na mahalaga ako sa kanya. She gives me the feeling of being needed by somebody. Hindi ko alam kung bakit mahal ko sya, higit pa sa best friend. Napapasaya nya ko ng sobra everytime nag-oopen sya sakin. At ramdam ko sya lagi.
Ikinumot kona sa kanya yung comforter nya. Tinitigan ko lang sya. Mga 5 minutes siguro yun. Grabe, ayoko nang umuwi. =__= Haha. Pero maya-maya, umalis na din ako. Nilock ko ang pinto, syempre. Hehe!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Oha, ikaw na! XD
Salamat sa pagbabasa, men! =))
' shann ♥