chapter one

10 0 0
                                    

Lunch time na.
Nandito kami ngayon sa cafeteria ng school. Kaharap ko si Alli, my bestfriend. Nagkukwentuhan kami at nagkatawanan nang ipaalala niya ang hitsura ng isa sa kinaaasaran niyang babae sa kabilang school. Papanu naman kasi galit na galit yung girl sa kanya kasi inagaw daw ni Alli boyfriend niya.

" That was prices! Have you seen her face?" natatawang sabi ni Alli. 

Ganto talaga kami kapag bored. Kasi naman walang exciting na nangyari ngayon. Hindi katulad kahapon. May live cat fight kaming nasaksihan.  Hay! Sana meron ulit ngayon. Ang saya lang kasi, hindi naman sa mahilig ako sa gulo pero paminsan minsan gusto ko din maexperience manuod ng live. Besides, its free. Hindi na ako gagastos ng Gas and ticket, kulang nalang kahapon popcorn.

" Teka, baka naging boyfriend mo nga? Patago lang?" panunukso ko. Tinusok ko nang bahagya ang tagiliran nya.

" Oy Zee! Umayos ka ah! Never akong magboboyfriend."  asar agad?

Talaga lang ha. Tumabi ako sa kanya.

" Talaga!? Sabi nila the best daw ang feeling ng first kiss, first hug, first embrace, first se- mm mmn" naputol ang sasabihin ko. Biglang  sinubo ni Alli ang kinakain kong burger. Panay tuloy mumble ang nasabi ko.

" Kababae mong tao panay kalaswaan yang alam mo." sabi nya habang nag roroll eyes. Teka! Ako kalaswaan?

"Hoy! Allison Jade Ford, hindi kalaswaan ang sinasabi ko. Totoo yun. Wag ka kasing magsasalita ng tapos. Sige ka! Kakainin mo yan." sabi ko.

Hindi ko na pinansin ang sinagot sa akin ni Alli nang may pumasok na grupo ng mga estudyante. They are the popular athlete of our campus. They are labeled as the five famous hot guys. But for me, only one them stand out in my eyes, Jeko Bry Fernandes. He look very attractive in his V-neck white shirt and black pants with high cut shoes. Dadaan sila sa kinauupuan namin kaya inayos q ang pagkakaupo ko at kunwari hindi ko sya tinitignan.

" Sus! pakunwari pa sya, eh kanina lang tunaw na sya sa katitig mo." ako naman ngayon ang tinutukso ni Alli, kainis lang! ba't ko ba kasi sinabi sa babae na'to na may gusto ako kay Bry.

Pinandilatan ko si Alli na sya namang tumawa nang malakas. Napasapo ako sa aking noo.

" Hi Zee! " okay laglag na puso dahil sa kilig. Kinausap ako ni Bry?! Pero di ako magpapahalata, act as usual Zee. Say 'hi' also.

"Hello Bry!" mahinhin kong bati sa kanya. Sh*t nasubrahan yata ang pagkamahinhin ko. Umalis na sya, umupo sa mesa nilang lima.

Yun lang. Ako lang pinansin nya? That's odd. Dati pati si Alli binabati nya bat ngayon ako lang? Hindi kaya?

Di naman siguro. Imposible.

Hanggang sa matapos na kaming maglunch, panay ang sulyap ko sa table nila. Grabe ang gwapo talaga ni Bry. At Magaling pa sa basketball. Hindi katulad ng mga kasama nya sa fame five, sya lang ang hindi ko nabalitaang playboy. Minsan nga pinagtatawanan ako ni Alli kasi baka kasama daw sa federasyon si Bry. Sa tingin ko naman faithfull lang talaga sya sa magiging o girlfriend nya. Ayaw kong isipin ang huli. Hindi ko kayang makita syang may nilalambing na ibang babae. Sya ung dahilan kung bakit masaya ang araw ko. Inspired ako dahil sa kanya. Hindi buo ang araw ko kung di ko sya nakikita.

Tapos na ang last class ko today. Inaantay ko nalang si Alli, nag extend daw ng another thirty minutes ung prof nila. Umupo ako sa favoriye bench ko dito sa gym. Wala naman game ngayon pero may ilan na naglalaro. Pero nakakapagtaka lang bakit marami tao rito kung walang basketball game sila Bry. Usually naman kasi kapag sila ang naglalaro saka marami ang pumupuntang students dito. Anu kayang meron?

Nasagot agad ang tanung ko. Kaya naman pala. Biglang tumigil ung mga naglalaro dahil sa pagtugtug ng gitara at sinabayan pa ng drums. Napukol ang atensyon ko sa tumutugtug na banda dahil sa the fame five ang nakatayo sa stage at my kanya-kanyang hawak na music instrument. Si Alden at  Josh may hawak na gitara. Si Kein ang nagdadrums. Si Wade naman sa electric Guitar at si Bry ang may hawak ng mic. Anong gimik to?

Bigla bumilis ang heartbeat ko. Para akong kinabahan. Pero bakit naman? Nagsimula nang lumapit ang mga babae sa harap ng stage. Nagsimula na ang kanta.


I met you in the dark
You lit me up
You made me feel as though
I was enough

Nakapikit ang mga mata ni Bry habang damang-dama niya ang kanta. Bumilis pa lalo ang tibok ng puso dahil sa paborito ko talaga ang kantang to. Bakit ito pa kinakanta nya? Paborito rin ba nya to?

We danced the  night away
We drunk too much
I held your hair back when
Your were throwing up

Pinikit ko aking mga mata, tumataba ang puso ko dahil sa kantang 'to lalo pa't si Bry ang kumakanta. Nakakalaglag ng puso!

When you look over your shoulder
For a minute I was stone-cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said I already told you
I think that you should get some rest

Hindi ko na napigilan, mahina ang boses kong sumabay sa pagkanta. Feeling ko kasi parang para sa'kin ung kanta. Habang kumakanta, iniikot ni Bry ang kanyang paningin na parang may hinahanap at huminto iyon sa bandang kaliwa ng stage saka ito ngumiti. Sinundan ng mga mata ko ang ningitian nya at tuluyan nang tumigil ang mundo ko. Hindi pwede!

I knew I love you then
But you never know

NO. NO. PLEASE!

Nang bumaba ng stage si Bry para pumunta sa kaliwa, sa kinaruruunan nila Jennifer tuluyan nang tumulo ang luha ko. Habang patuloy pa rin sya sa pagkanta. Ang tanga ko!

Just say you won't let go
Just say you won't let go

Hindi para sa'kin. Ang tanga tanga ko!
Bakit hindi ko agad napansin? Those greetings was just for casual show that he know me. That I exist. But not good enough to get all his attention. He's into someone, but not for me.

Kailangan ko nang umalis kahit na hindi ako masyado makakita dahil sa luha ko. Humakbang na ako pa alis ng gym ayaw ko nang masaksihan pa ang mga susunod na mangyayari.

May nabangga na akong tao, pero wala na akong pakialam.

"Miss, ok ka lang?"

Hindi ko na sya pinansin basta diretso ako sa parking lot. Kailangan kong umalis dito.

Agad kong pinaharurot ang kotse  palabas ng campus. Nagmamadali namang ang guard sa pagbukas ng gate, pero di ako tumigil kahit di pa gaanung bukas yun gate dumiretso lang ako. Bahala sila dyan. Brokenhearted ang nagmamaneho. Magreport sila kung gusto nila. The hell I care.
















Love In An IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon