"Manyak kang talaga! Walang'ya!" sigaw ko sa sobrang inis at hiya.
Narinig ko pa ang malakas niyang tawa. Nakalabas na ito ng pinto pero muli itong sumilip na nakangisi at may pahabol pang banat." Pinakagwapong manyak." ngumisi siya ng nakakaloko na lalong dumagdag sa kakwapuhan ng pinakagwapong manyak na nakilala ko. Ang angas talaga!
Hindi ko maintindihan ang puso ko, sa tuwing nalalapit ako sa manyak na yun nagaalboroto ang sistema ko. At nung akala ko hahalikan niya ako kumabog nang tudo ang puso ko na para bang gusto na nitong lumabas sa dibdib ko. Kahit na nakakainis siya, may kasamang saya, asar at tuwa ang nararamdaman ko. Dahil doon nalilimutan ko ang sakit ng puso ko bago ako napunta dito at nakita siya. It seems that his my remedy. Or another headache.
Padabog akong pumunta ng banyo. Basang sisiw na ako ngayon. Kainis talaga!
" Sinabi pa niya flat ang dibdib ko. Makikita mo manyak ka! Flat pala ah!"
Nagpalit ako ng two-piece bikini at pinonitail ang buhok ko 'arianna grande style' nakabath robe ako bago pumunta sa pool area.Na upo muna ako. Marami namang mga guest na nagsa-sunbathing panay nakabikini ang kababaihan at summer shorts ang mga lalaki. Luminga linga muna ako, at nang makita ang hanap ng aking mga mata ay preteng-prete kong hinubad ang robe ko. Sinadya ko talagang tumagilid sa direksyon niya. Ito ang pinakamagandang view mula sa kinaruruunan niya. Tignan ko lang kung flat pa rin sa tingin mo. Pinatong ko ang paa ko sa beach bed at naglagay ng lotion simula sa mamimilog kong hita pababa sa'king binti. Palihim akong sumulyap sa pwesto niya at lihim na nagbunyi ang aking diwa ng makitang epektibo ang ginawa ko, nakatitig ito sa akin. Naka sunglasses ako kaya hindi naman mahahalata kung susulyapan ko siya titig na titig parin siya sa ginagawa ko. Nang sa gawing likod ko na ang lalagyan ko may bigla namang nagsalita sa likod ko.
" Need help?" humarap ako para makita ang nag alok ng tulong.
" Sure" nakangiti kong sagot. Gwapo siya. May taglay na karisma ang isang to. Nice ang yummy ng dimple niya. At may mapupungay na mga mata. Mala- Ed Sheeran ang buhok nito na brown and messy ang style. At ang nakakagutom niyang abs. My god!
Wala pa akong lunch pero busog na ako. Ang yummy! Cherap nemen!
Inabot ko lotion kay Mr. Yummy at tumalikod sa kanya para malagyan na ng lotion ang likod ko. Sakto naman nakaharap na'ko kay Manyak. Kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya.
Napasinghap ako nang dumampi sa tagiliran ko malapit sa aking hinaharap ang kamay ni Mr. Yummy. Shit!
Tumayo ako't lumayo sa kanya.
" What are you doing?"Ngumisi ito at hinawakan ang braso ko.
" Come here, baby. We're not done yet."Pilit kong tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya ngunit lalo lamang niya itong hinapit. Naku lagot na Zee, ang landi mo kasi. Mas manyak pa ata itong isang to. Kinakabahan na ako. Tumingin ako sa paligid wala namang nakakapansin sa pagpupumiglas ko. Mariin ang pag uusap ng ibang mga guest sa kasamahan nila. Tumingin ako kay Manyak pero wala na siya doon. Saan sya pumunta? Letse! Siya yung dahilan kung ko ginawa tong pang-aakit ko kanina. Supposedly, para sa kanya to. Takte! Hindi ko naman inakala na iba ang tatamaan at mukhang wala pa ata akong laban. Nakakainis talaga lalaking yun. Hindi man lang tinablan at iniwan pa ako sa gantong sitwasyon?
" Ahm..... Y-you can let go me now. I'm fine. T-thank you for your help." kinakabahan kong sabi. Kapag nagpatuloy pa to sisigaw na talaga ako.
Akala ko lulubayan niya na ako nang bumitaw ang kamay niya sya braso ko pero hinapit nito ang bewang ko at idinikit iyon sa harap nya. Nanlaki ang mata ko. Shit! Talaga.
Lalong nanlaki ang mata ko at parang mas malaki na ito sa sunglasses na suot ko dahil sa binulong niya. Ramdam ko yung ehem niya sa tummy ko.
" help me with this."Hindi ko alam kung anung dapat kong gawin. This is my first time in this kind of torture situation, well, except yung tyansing moves sa'kin ni Manyak. Teka bakit ba siya naiisip ko? Iniwan ka niya! Zee!
Pinagsisihan ko na ginawa ko kanina, hindi na ako uulit. Just please! Make him stop! Please! Hindi na ako maglalandi. Promise God! Just send help now! Dasal ko kay Lord sana marinig niya ako.
Hindi pa nakuntinto ang Yummy na to slash superManyak, pinipilit niya pa nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan pa niya ako! My God! Katulad ni pempem, birhen pa rin mga labi ko. Iniwas ko mukha ko. Hindi ako papayag na makukuha nalang nang ganto ang first ko. Takte! Never sa manyak!
Nahinto si Yummy slash supermanyak sa pagmumulistya sa'akin nang pamilyar na boses ang pumaimbabaw sa kamanyakan niya.
"Release her." mahina pero madiin saad nito. Binitiwan nga ako ni supermanyak natakot kay manyak dahil ang tindi ng tingin nito parang mangangain ng tao. Tinigyan niya rin ako na para bang 'may bayad to wag kang epal' na tingin. Saka tinignan ulit ang katabi ko.
" Hindi ako marunong magshare ng sa akin na." dagdag uli ni manyak. Magshare? Wow! Parang property lang ako ah.
Mukhang natakot naman agad ang isang yun mabilis pa sa alas-kwatro kung umalis.
Magpapasalamat na sana ako nang tinignan na naman niya ang ehem ko naalala ko bigla yung flat. Kaya inirapan ko siya sabay alis.
" di ako magtethank you hangga't di siya nagsosorry." sabi ko sa sarili ko.
___
Kanina pa ako lipat nang lipat ng pwesto sa kama pero hindi parin ako makatulog. Nagpaflashback sa utak ko ang sinabi ni Mr. Manyak. Kahit alam ko na sinabi niya lang iyon para iligtas ako kay Supermanyak, may isang parte ng isip ko na nagsasabi na sana totoo iyon. Na balang araw sabihin niya iyon nang may kaakibat na pagmamahal.
" Haayst! Naman Zee! Ayan kana naman. Ni hindi mo nga alam pangalan niya. Hindi mo alam, baka serial killer iyon. Ang dali mo talaga ma-fall. Haaist! Kainis naman eh.!
Minsan talaga mas mahirap kaaway ang sarili kaysa ibang tao. Shit lang. Sasabunutan ko sarili ko tapos sarili ko rin masasaktan. Nababaliw na ako. Talaga.
I'm dreaming about Manyak when all of the sudden tumugtog ang Oh cecilia ng bandang The Vamps. Ito kasi ang call ringtone ng phone ko. I accept the call without checking who's calling.
"Hmm hello." I said in my sleepy tone.
TANGINA ZEE! Tili ng babae sa kabilang linya. Nilayo ko ang phone sa taenga ko dahil mabibingi ako sa lakas ng boses ng bruha.
"What the heck? Allison. Do you what time it is?"
2 a.m?
" Exactly! Its 2a.m. Why are you calling me this late?" Takte! kung hindi ko bestfriend to mapapatay ko talaga to. " You know what? Kung hindi kita bestfriend, mapapatay kita for calling me this late. Its better be worth it. Now spill."
Whoa. chill woman! Hindi ako tatawag para masira beauty sleep mo kung hindi to dahil sa'yo.
"What?! Dahil sa'kin?"
Ahuh. Dahil sa'yo. Wait dapat ako yong nagagalit kasi may hindi ka sinasabi sa'kin. Madaya ka Zee!
"What? Hindi kita maintindihan. Anu bang pinagsasabi mo.?" naguguluhan na talaga ako sa babae na'to.
Whatever. Just check out your latest post.
I never had a chance to ask more about it. She hung up on me. Bakit ganun nalang reaksyon ni Alli?I open my facebook account. I promised to myself na hindi muna ako mag-oopen dahil ayaw kong makabalita kay Bry pero gusto ko talagang malaman kung anong kinagagalit ni Alli sa last post ko.
Kumunot ang noo ko nung makita ko ung picture ko. Bakit hindi ko napansin yon.? Bakit kasama siya?
Nasa selfie ko si Manyak? At nakatingin siya sa akin, the way he look at me, masasabi talaga ng makakakita na may ibig sabihin ang tingin niya. Takte! Parang nagselfie ako kasama boyfriend ko. Shit! Napaparami ang pagmura ko lately.
BINABASA MO ANG
Love In An Island
RomanceChia is a hopeless romantic girl. She found out that her ultimate crush is in a relationship with their school most popular girl and it breaks her heart big time. So she decided to mend her broken heart by vacationing in their province. Broken heart...