Ang sakit ng ulo ko dahil sa kulang sa tulog. Hindi na ako nakatulog dahil sa kumag na yun. Six hours akong gising kahit ipikit ko mga mata ko hindi magawang dumalaw ng antok sa akin. Kaya ngayon, ito ako, nakahiga sa twalyang nakalatag sa buhangin. Isang malaking payong ang nagkukubli sa masakit na sikat ng araw.
The view is beautiful.
Napakalinaw ang tubig ng dagat. Nag eenjoy ang ibang guest ng resort sa kayaking. I imagined myself holding an oar exploring the sea.
I look at a sweet couple kayaking, the girl is laughing, she splash water to her boyfriend and it hit him in his face. He fires back, shaking the kayak and they both fell into the water, laughing. Then, their kissing. I quickly tilt my eyes, I don't like public display of affection.
Nag-facebook nalang ako. Napangiti ako sa post ni Alli. Nagselfie sya sa loob ng car nya, naka-pout, at may #missyoumuch-Zee!!
#forget'bout'him
Like👍Nagpicture rin ako tapos pinost ko. Picture lang ito, background ang maputing buhangin at ilang villa cottage.
Makalipas ang ilang minutong pagpifacebook, nakita ko ang taong ayaw kong makita. Ang dahilan ng kung bakit kailangan kong lumayo.Ang saya-saya nila sa picture, tumatawa si Jennifer at nakatitig naman si Bry sa kanya. Kita sa kanyang mga mata ang pagmamahal. Ang pagtingin na inasam ko sa matagal na panahon. At ang pagtingin na hindi ko nakamit dahil may iba syang pinaghandugan nito. Kumirot ang puso ko at kusa nalang tumulo luha ko.
Move on.
Move on. Sabi ni Alli kaya kong magmove-on. Pero kapag iniisip ko ang salitang move-on, tinatanong sa'king sarili, para ba sa'kin ang salitang to'? Para lang sa nagbreak-up ang pagmomove-on. Para sa magshuta pero para sa'kin hindi. Hindi naman naging kami ni Bry, pero bakit parang sinaksak ako sa puso sa sakit nang nararamdaman ko ngayon.
Pinunasan ko ang sarili kong luha. Hindi dapat ako umiiyak ng dahil sa isang lalaki, kahit hindi niya alam na gusto ko siya, na minahalan ko na nga siya hindi siya worth it for my tears.
Its time for me to change, to move on. Kahit may kirot sa puso ko sa naisip kong change pero kailangan kong gawin. Besides hindi lang siya ang lalaki sa mundo, meron pang hihigit sa kanya. And I'm still young, eighteen is still young.
Bumalik na ako sa room ko. Pagpasok ko, naningkit ang mga mata ko sa kama.
" Kita mo'tong lalaki na'to, hindi man lang marunong mag ayos ng hinigaan. Pagkatapos niyang gamitin." sinimulan ko nang ayusin ung kama, nung hinawakan ko ang unan na ginamit niya hindi ko napigilan amuyin ito. " impiyernis ang bango ng unan niya. "
"Mas mabango katawan ko dyan. Do you want to smell it?"
Natapon ko ang unan nang may nagsalita sa likod ko. Kilala ko na siya kahit hindi ako humarap sa kanya. Because of the same scent that lingered on the bed last night. Inaamin ko nagiging adik na ako sa amoy na yun. This is bad.
Natapos na ako sa kama ramdam ko parin ang prisensya nya sa likuran ko. Bakit hanggang ngayon andito pa tong manyak na to? Kaya hinarap ko na siya.
"Bakit andito ka pa?" kunot nuo kong tanung. Kung sa kanya yung natitirang apat na villa bakit andito pa sya sa room ko na room din pala niya. Pwede namang sa isa sa apat na room sya mag stay.
" I told you this is my room." sabi nya. Umupo sya sa kama at humiga, nakataas ang mga kamay niya at ito ang ginawa niyang unan. Umiwas ako ng tingin, baka magmukha akong kamatis sa pula ng pisngi ko dahil sa manyak na'to. Hindi man lang niya naisip magbihis at sinasadya pa ata niyang e-display ang nakatapis ng twalya niyang katawan. Tsk feel na feel niya naman ang pagka ilang ko sa sitwasyion ko ngayon. Kainis lang talaga!
" You have the other four villa's, why not leave this one to me." singhal kong sabi. Naiinis na talaga ako sa kanya. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nya kagabi. Una tinabihan nya ako. Pangalawa, niyakap nya ako! Pangatlo, natulog ako sa couch, hindi, hindi nga pala ako nakatulog. Dahil sa kanya lahat yun. At lastly, sumakit ang ulo ko dahil sa antok.
" Sino ba kasi ang nagsabi na pwede ka sa room na to? For all they know na naaccomodate ko na ang villa cottages na to." pasinghal din nya na sabi sa akin. " at akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin kagabi?" bigla nyang tanung sa akin. Napaatras ako dahil tumayo ito at lumakbang papunta sa akin. Bumalik sa alaala ko ang pagbuhos ko sa kanya ng tubig kagabi para gisingin siya. Lihim akong natawa. Patuloy siya sa paglapit sa akin, atras ako ng atras. Sa kaaatras ko napasandal ako sa glass wall, hindi siya tumigil hanggang sa isang pulgada nalang ang pagitan sa aming dalawa. I feel his warm breath on my cheek. Nalulunod na ako sa bango niya, pati ang puso ko nagtatambol sa dibdib ko. Kinakabahan ako? Bakit?
Nilagay niya mga kamay niya sa magkabilang parte ng ulo ko, kahit subukan kung umalis hindi ko na magawa. Hindi ko rin magawang ikilos ang mga kamay ko dahil kunting galaw ko lang maaaring masagi ko ang twalyang nakapulupot sa bewang niya. Mahirap na. Ayaw ko pang makakita ng 'birdie' nang kahit na sinung lalaki. Kahit na sa hottie na ito. My eyes are still innocent!
Pumikit ako at hinintay kung ano ang balak niyang gawin. Ramdam kong mas lalo niyang inilapit ang katawan sa akin. Oh lord, this is torture! Hindi pa ako ready makipaghalikan sa lalaki! Kahit na I'm in 20's na. Sa magiging boyfriend ko lang ibinigay ang first kiss ko!
Oh my lord.!Please get these hottie away from me. Baka hindi ako makapigil ng aking sarili at baka. Baka, maibigay ko sa kakisigan ng lalaking to ang first kiss ko.
Ang first kiss ko!
Napamulat ako sa sinabi niya. " Stop pouting your lips. I'm not going to kiss you. " Aray naman! Asumera na ba ako ngayon?
Kagat labi akong lumuko. Nakapout ba ako? Parang hindi naman, his playing games with me. Eh bakit humantong sa kanitong posisyon kung walang halikang mangyayari? Takte! Bakit parang gusto kong may mangyari? Come on Zee, nababaliw kana!
Nakatanga parin ako nang magsalita siya uli.
" Because I want my revenge." He just answered my question.
Did I talk out loud?
Revenge?
What kind of reveng-
Hindi ko natapos ang tanung ko kung anong klase ng revenge ang sinasabi niya. I feel something cold pouring down my hair down to my body. Bakit ang dami naman yata? Isang baso lang ang binuhos ko sa kanya. Basang-basa na ako, pati damit ko basa na rin. Sobra naman siya! Tuluyan nang nabuo ang inis ko sa kanya, naging galit na ito. Isang pitchel ng malamig na tubig ang binuhos niya sa akin mukhang kagagaling lang nito sa refrigerator samantalang yung akin naggaling lang sa faucet sa banyo.
Isandaan na masamang tingin ang pinukol ko sa kanya.
" Now, we're even."
Anong even ang pinagsasabi ng manyak na to.?
Sasabat pa sana ako nang bigla nalang itong umalis pero bago ito tuluyan lumabas may sinabi pa itong higit na nagpasiklab sa asar ko sa kanya.
" By the way, I thought yours are flat" nakangisi niyang sabi na nakatingin sa hinaharap ko. Nag init ang mukha ko sa sinabi niya.
" Manyak kang talaga! Walang'ya!" sigaw ko sa subrang inis at hiya.
Narinig ko pa ang malakas niyang tawa. Nakalabas na ito ng pinto pero muli itong sumilip na nakangisi at pahabol pang banat." Pinakagwapong manyak."
@chilloc
Narinig nyo este nabasa nyo pala... Ahem... Sharry naman😇!
That's right siya pinakagwapong Manyak sa balat ng mansanas, bayabas, langka haha langka, ( anu pa ba may balat na prutas? ) aha! Wala na ako maisip.
⤵⬇ pindot na dis. Please!
BINABASA MO ANG
Love In An Island
RomanceChia is a hopeless romantic girl. She found out that her ultimate crush is in a relationship with their school most popular girl and it breaks her heart big time. So she decided to mend her broken heart by vacationing in their province. Broken heart...