30 May 20xx
1400H
Ring... Ring... Ring...
"Please submit your group project next week. Okay class dismiss." panapos ng professor ni Jiro sa subject na PhySci. Nagligpit na ito at lumabas ng silid. Nagbulong-bulungan lahat tungkol sa gagawing proyekto habang nakayuko ang ulo ni Jiro sa desk ng arm chair niya. Hindi na niya nalabanan ang sobrang antok dahil sa nagdaang laban kaninang madaling araw. Pero kailangan pa niyang manatili sa university kasi may last subject pa siya ng 2:30 ng hapon.
"Hoy Jiro! Ano ng gagawin natin sa group project natin?" panggugulat ni Harvey sa likuran niya. Itinuturing niyang kaibigan ito kaya ganon na lang ang pakikitungo sa kanya. Nilingon lang niya ito saglit sabay balik yuko ng ulo para maidlip. "Parang hindi ka natulog kagabi ahh..." panunuya pa nito sa kanya. "Bilis na Jiro Madriaga! Ano ng plano!" pasigaw nitong pang-aasar.
Tumayo siya at sabay bitbit ng bag niya. Aakmang aalis pero bago siya makaalis lumingon ito kay Harvey. "Kayo na bahala sa interview. Ako na bahala sa final touch at presentation." walang buhay na sagot niya sa pangungulit ng kaibigan. Umalis na ito at pumunta sa likod ng campus. Sa may lilim ng punong mangga.
Siya si Jiro Madriaga. Ang biniyayaan ng lahat lahat ng mga grasya. Matalino. Modelo. Athlete. Mayaman. Nasa 2nd year na siya sa kolehiyo sa kursong BS Accountancy sa pinakasikat na unibersidad sa Maynila. Eskolar siya dito. Top 1 sa dean's list last semester kaya siya palaging inaasahan sa lahat ng projects nila. Kahit noon pa man ganon na talaga ang buhay niya. Siya palagi ang bida. Mula grade 1 hanggang grumadyewt ng highschool, top 1 siya. Siya rin iyong tipo ng taong kumpulan ng usap-usapan sa akin niyang kagwapuhan. Siya iyong tipikal na campus crush. Sa ano mang aspeto ng kanyang buhay siya ang nangunguna at kinaiinggitan ng lahat ng kalalakihan. Kaslukuyang kumukuha ng advace subjects sa summer break si Jiro kasi naiinip kasi siya kung natetengga lang siya sa bahay.
Pero lingid sa kaalaman ng lahat, siya si Sky King sa mundo ng AniOn(short cut ng Anino Online). Ang dakilang manlalaro at isa sa mga kinatatakutang Player sa larong ito. Isa rin sa mga inaabangang Player ng mga Gamblers( mga taong nakakaalam ng lihim na laro na ito pero hindi katulad ng mga Players, sila ay mga nakikinood sa malayong panig ng mundo gamit ang isang video coverage. Sila rin iyong mga taong pumupusta bago ang isang laro.)
Nag-vibrate ang cellphone ni Jiro. Tinanggal niya sa mukha ang pinatong niyang bimpo. Kinapa ang bulsa at kinuha ang gadget niya. May bagong message siyang natanggap. Huminga siya ng malalim bago niya ito binasa.
Player: Sky King, you are hereby summon on June 3, 20xx. Place: Pyramid of Giza, Egypt. Time: 2345H. Your opponent will be Player: Andromeda. Have a nice day!
Binura agad ni Jiro ang mensahe sa kanya. kumunot ang noo niya.
Isa na namang babaeng Player. I hate to kill another woman with my own hands. But I don't a choice. It's either me or her will die in this bloody game.
Napaisip tuloy siya ngayon kung bakit ba niya pinayagan ang sariling sumali sa AniOn. Hindi sa natakot siyang mamatay kung tumanggi siya sa alok pero naboring lang siya sa kanyang perpektong mundo sa realidad. Nauumay na lang siya na siya na lang palagi ang bida. Wala ng thrill para sa kanya ang normal niyang buhay. Kaya naisipan niyang sumali para naman tumakbo sa dugo niya ang excitement at adventure. Siya kasi ang tipo ng taong mahilig sa mystery games at adventures to the unknown. Kung minsa nga para siyang scientist, maraming gustong gawin na kung ano ano.
Napangiti siya sa naisp niyang another adventure he will going to conquer this time. Another experience and another boring person to sacrifice for his enjoyment of the game. Ni minsan di siya natinag sa mga nakalipas na laban kaya isa siya sa mga kinatatakutan. He's one hell of a killer. He never stop on the amazing sounds of cry of the dying person infront of him. Ganon ang totoong pagkatao ni Jiro. Ang pagkataong pinipilit niyang itago sa mga taong nakakasalamuha niya sa normal niyang buhay.
Tumayo na siya ng nag-alarm ang cellphone niya 2:25pm. bumangon na siya at dinampot ang bag pack sabay alis papuntang calssroom niya kung saan naghihintay na iyong huling subject niya sa araw na iyon para makauwi na siya at makapagpahinga na.

BINABASA MO ANG
AniOn (Anino Online)
Science FictionPROLOGUE Sa mundong ito, kung saan lamang ang mautak, malakas, mayaman, maimpluwensiya, sikat, malakas ang loob at matibay ang sikmura, kaya ba ng isang taong tumagal sa agos ng realidad ng buhay kung wala siya ng mga katangiang nabanggit? Paano pa...