Sabi nila, "Ang buhay ay tungkol sa pagpapatuloy." Hindi ka raw dapat huminto sa isang parte ng buhay mo kapag nasaktan ka, nahirapan o nagkaproblema. dapat daw tayong tumayo, humakbang at unti-unting tumakbo para marating natin ang minimithi natin sa buhay.
Ako nga pala si Lorenzana. Tinatawag nila akong Lorenz o Renz. Buong buhay ko, takbo ako ng takbo. Habol ako ng habol. Lakad ako ng lakad. Paminsan hindi na ako tumitingin sa orasan sa sobrang pagmamadali ko. Madalas sa hindi nalilipasan ako ng gutom. Nalulubugan ng araw at napag-iiwanan ng panahon.
Buong buhay ko nagmamadali ako. Buong buhay ko binuhos ko sa pag-aaral at pagtratrabaho. Gusto kong makatapos agad kasi ayokong nahihirapan ang nanay Connie sa paglalabada para samin ni Jayson. Si Jayson ang bunso kong kapatid. Walong taong gulang na siya at nasa ikalawang hakbang. Dahil sa kanya, napapawi ang pagod namin ni nanay sa tuwing galing kami sa pagtratrabaho. Siya ang buhay namin. ang munting anghel sa bahay namin. Wala na pala si tatay. Noong bata pa lang ako ay iniwan na nya kami ni Inay. Sanggol pa lang noon si Jayson. Nakakahiya mang aminin pero kabet ni tatay si nanay. Sumama sya ulit sa una nyang pamilya at lumipad sila patungong Australia. Mula noon ay ginapang na kami ng aming ina sa kahit na anong paraan na alam niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral . 3rd year High School lang ang natapos nya dahil maaga siyang nabuntis. Pero kahit ganun, hindi ko ikinahihiya ang nanay. Mahal na mahal ko siya. Siya ang pinaka the best at cool na nanay para sa'kin.
"Malalim na naman ang iniisip mo Lorenz." Ani ni Mang Abel. Nakasakay ako sa jeep nya. At maswerte ako na nakaupo ako ngayon sa unahan. Si Mang Abel ay isa sa mga iniidolo ko lalo na pagdating sa words of wisdom. Ang dami niyang alam. Sa totoo lang, gusto ko siyang maging tatay. Palage niya akong pinapayuhan sa tuwing nakikita niya akong nalulungkot o malalim ang iniisip. Kung makikita mo ang bawat sulok ng jeep niya, punong-puno ito ng kasabihan at aral sa buhay. Tulad nito, "Yan bang binabalak o iniisip mo ay maihaharap mo kay Kristo?" Feeling ko nga siya si BobOng. Ayaw niya lang aminin sa'kin. Si Mang Abel ay 42 years old na. Tatlo ang anak nila ni Aling Sylvia at ang lahat ng ito ay napagtapos na nila . Past time na lang ni Mang Abel ang magpasada kasi wala naman dawng siyang ginagawa sa bahay nila.
"Naku Mang Abel, naalala ko lang si nanay at Jayson. Namimiss ko na sila agad."
"Alam mo daig mo pa ang OFW, ikaw kakaalis mo lang ng bahay nyo, nangungulila ka na agad. Paano pa kaya yung mga nasa ibang bansa. Kaw talagang bata ka!"
"Si Mang Abel talaga oh, andame nyo po talagang alam. Oh siya bababa na po ako nakikita ko na si Marjuniel."
"Osige iha, Palagi mong tatandaan na maging biyaya sa kapwa. :) Mayroong magandang mangyayari sayo!"
"Salamat po! "
Hindi mapalis ang ngiti ko pagkababa ko ng jeep. Sinalubong ko ng ngiti at yakap si Marjuniel--Ang aking matalik na kaibigan. Matanda ako sa kanya ng isang taon. 21 na ako. Siya yung tipo ng kaibigan na sobrang kulit at sobrang ingay. Lagi siyang may baon na kwento tungkol sa mga telenovela na pinapanood niya at sa mga crush niya sa school.
"Lorenzanaaaaaa!"
Patakbong sigaw niya. Ilang saglit lang ay nakakulong na ako sa malahawlang braso niya.
"O bestfriend, kamusta na?"
"Ang saya ko! Nakita ko si Sir Peter!"
"Haaay si Sir na naman..Wala na bang iba?"
"Ito namang si Lorenz walang kasupport-support nakaibigan! kala ko ba bestfriend kita?"
" Marj, You know me. I'm frank with my feelings. Kung ayaw ko sa isang tao na nagugustuhan mo, sinasabi ko agad. Para yan sa ikabubuti mo."
"......"
"Marj, si sir Peter may gf na. Ayoko siya para sayo kasi balita na sa school na ikakasal na sila ni ma'am Jenny."
"Lorenz, alam mo namang simula first year college pa lang tayo, gusto ko na si sir. alam mo kung gaano ko siya sinusubaybayan at..."
"At kung gaano ka nagpakatanga sa kanya nung Valentine's Day? Yung nagpaabot ka pa sa classmate mong lalake ng love letter at toblerone para sa kanya? Ano pa ba Marj?"
"Lorenz naman..."
"Marjuniel, wag mong ikulong ang sarili mo sa kulungang bukas naman ang pinto."
"Bestfriend nga kita. Parehas tayong magaling magpayo sa iba pero ang sarili natin hindi natin mapayuhan. Haha ikain na nga lang natin toh"
"Tara sa Cafeteria. "
Ganyan kami ni Marj. Kahit nasasaktan namin ang isa't-isa sa mga salita namin, mas pinapahalagahan pa rin namin ang pagkakaibigan namin.
x------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x
Ayan naipakilala ko na sa inyo ang mga tao sa buhay ni Lorenz. Si Aling Connie, Si Jayson, Si Mang Abel at si Marjuniel:) Sa next UD ko, POV naman ni Martin. :) Sana mag-enjoy kayo sa story ko. ^_^ Godbless you all!

BINABASA MO ANG
Jeepney Love Story
Teen FictionHindi lang basta sasakyan ang Jeep. Madalas ito ang nakakasaksi sa mga bagay na hindi nakikita ng lahat. Minsan ito rin ang kanlungan ng mga pag-ibig na nagsimula sa pag-abot abot lang ng bayad at sukli. Dito rin minsan nagtatagpo ang mga taong hind...