Martin’s POV
Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nung pinili kong hindi magpakita at magparamdam kay Lorenz. Pakiramdam ko ay malaking parte ng pagkatao ko ang nawala. Parang naging hungkag yung pakiramdam ko kasi andame kong bagay na namiss. Yung paglalagay ko ng sticky notes at daisy sa locker niya, ang pagtuturo ko sa kanila (oo nga pala, hindi na ako masyadong pumapasok kasi tapos ko na yung grades nila at malapit na ang graduation.), ang pagsakay namin sa jeep at ang pagkain namin ng ice cream. Nakakamiss. Minsan nate-tempt akong magtext sa kanya pero hindi ko magawa. Baka kasi hindi siya magreply o kaya ay burahin nya agad.
Sa ngayon, nandito lang ako sa kwarto at nag-iisip. May hawak akong stationery at ballpen dahil gagawa ako ng sulat para sa kanya.
To my ever dearest Lorenzana,
Hi! First of all, I would like to early congratulate you for graduating this year.
Uhm, I know that, you’ve been through a lot of difficulties in life. But always remember , I’m always here for you no matter what. You can always count on me, and I swear I’ll do whatever it takes just to help you.
You’ve been an inspiration to me. Your kindness, your cheerful smile, on how you talk about God, those things really inspire me. And for that, I would like to thank you. I also want to thank God that He made it possible for you and me to know each other.
I like you Lorenz. I do, I really do. I’m still wishing that one day, you can open up yourself to love.
You’ve been working so hard for you and your family. If there’s something that I can do to help you, don’t hesitate to ask me.
Be strong Lorenz! Have faith! And always don’t forget that our Lord will always guide us.
Till then, always take care of yourself. Again, don’t forget that I’m always here for you!
Wishing you happiness,
Martin
Habang sinusulat ko ‘to, iniisip kong masaya sya at nakangiti sa’kin. Sabi kasi ng paborito kong preacher na si Bro. Bo Sanchez, the more you think of a thought, the more it will happen. At naniniwala ako dun. Someday, alam ko matatanggap din ako ni Lorenz. At who knows baka para pala kami sa isa’t isa.
Lorenzana’s POV
Namumugto na naman ang mga mata ko. Bakit ba gabi gabi kong iniiyakan si sir Martin? Simula nang makita ko siya na may kahalikang iba ay sobrang nalungkot at naging matamlay ako. Bakit ganun? Kahit sinaktan o nasaktan nya ako, siya pa rin ang gusto ko. Sa totoo lang namimiss ko na siya. Namimiss ko na yung mga encouraging texts niya, yung boses nya, yung sticky notes at daisy na mula sa kanya. Maraming bagay akong gustong maranasan ulit dahil sa kanya.
Pumunta ako sa study table ko. Nakadikit sa wall ang mga sticky notes na binigay nya sa’kin. Binasa ko yun isa-isa.
At di ko namamalayan na unti-unti na pala akong napapangiti. Binasa ko rin ang mga text nya sa’kin na sinaved ko sa archives ko. Nakakatuwa. Ang sweet nya. Ang sarap basahin ng mga text nya. Kahit matagal na yun kinikilig pa rin ako. Nabasa ko yung isa nyang text na isulat ko ang lahat ng gusto kong sabihin kay sir Martin para gumaan yung pakiramdam ko. Nung mga oras na yun nakita ko na lang yung sarili ko na kumukuha ng colored paper at sign pen.
Dear Martin,
Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa’kin. Salamat sa mga sulat at text mo pati na rin sa mga daisies at presentation nung birthday ko.

BINABASA MO ANG
Jeepney Love Story
TeenfikceHindi lang basta sasakyan ang Jeep. Madalas ito ang nakakasaksi sa mga bagay na hindi nakikita ng lahat. Minsan ito rin ang kanlungan ng mga pag-ibig na nagsimula sa pag-abot abot lang ng bayad at sukli. Dito rin minsan nagtatagpo ang mga taong hind...