Lorenzana’s POV
Alas nuwebe. Bumabyahe na ako papuntang CvSU. Alas-diyes ang klase ko sa Intro to Psychology. Naiwan ko pa. Nag-shift kasi ako nung second year ako. Noon, hindi ko alam na ako pala yung mag-aayos ng schedule ko. Binigay ko sa adviser ko. Kaya ayan, may minor pa ako hanggang ngayon. Dati pala akong BS Accountancy ang course ko. Hanggang second year lang ako, tapos hindi na ako nag-take ng qualifying exam dahil alam ko naman na babagsak ako. Sa totoo lang ayoko talaga ng course na’to. Nung highschool kasi ako, naging best in math ako, dahil dun ginusto ng mama ko na mag-accountancy ako. Alam mo ba? Sa tanang buhay ko, nung 4th year high school lang ako nag-excel sa math. Naaalala ko nga nung grade 4 ako pag dumadating yung teacher ko ng math, nagme-may I go out ako. Ang resulta pasang-awa ako. 79. Kaya nga wala rin akong alam sa percentages at fractions kasi palagi akong lumiliban. Ayun nga, nung natapos na ako magpa-pirma ng shifting form ay taran, estudyante na ako ng CAS. College of Arts and Sciences. Nag-mass communication ako, Major in Journalism at hindi naman ako nagsisi. Ngayon nag-eexcel ako sa pagsusulat. Nakakatuwa kasi hindi na spreadsheet at calculator ang hawak ko. Notebook, dyaryo at ballpen na ang laging laman ng bag ko.
Malapit na pala ako sa school. Psychology class na ulit. Kahit naiwan ko ang subject na ‘to, ok lang sa’kin. Ang ganda kasi ng topic namin araw-araw. Naiintindihan ko na yung sarili ko at yung ibang tao. Nakakatuwa nga kasi nailalagay ko na yung sarili ko sa sapatos ng iba. Hindi na ako tulad ng dati na hindi iniisip ang sinasabi kung nakakasakit ba ako o hindi. Ngayon, nag-iingat na ako. Ngayon, hindi na lang ako nagsasalita lalo na pag alam kong hindi maganda ang sasabihin ko.
Oo nga pala, hindi si Mang Abel ang nasakyan ko ngayon kaya walang inspiring quotes. Sa ngayon, pababa na ako ng jeep. 15 minutes na lang magta-time na. Hindi ako sumakay ng tricycle. Kahit male-late na ako, hindi pa rin, maliban na lang kung umuulan o sobrang init ng araw tapos wala akong payong. Ang motto ko kasi, “SAYANG ANG OTSO”. Wala rin namang nangyayari kapag nagta-tryk ako. Late parin ako. Alam mo ba? Hindi pa pumapalya ang instincts ko. Pag male-late na kasi ako, minsan may bumubulong sa’kin wala kayong klase. O kaya wala yung prof n’yo. Pero ngayon, may nararamdaman ako na mangyayare.
Malapit na ako sa room. Wala pa ang prof namin nung dumating ako kaya napanatag ang loob ko. Pag-upo ko, may pumasok na lalake. Tinignan ko siya ng mabuti…at hindi ako nagkakamali. Si Martin yun. Umugong ang buong klase. Andameng bulungan, bungisngisan at komento. Parang ngayon lang nakakita ng lalake ang mga first year kong classmates.
“So good morning BS Psych 1-2, due to the complicated pregnancy of Mrs. Tejeros, I am the one who will be handling your class this semester. By the way, I am Martin Dave Panganiban, a graduate of BS Psychology here in this university. I also took 18 units of education in Philippine Christian University.”
Bawat isa ay all ears sa kanya. Sino ba namang hindi makikinig kung ganto ka-gwapo ang prof. kamukha niya si Xian Lim at ang tangkad nya pa. Sa totoo lang kinakabahan ako.
Tugs..tugs..tugs kabog ng dibdib ko.
Teacher pala siya, akala ko noon ay bumibisita lang siya sa university mall ng school. First time ko lang kasi siyang nakita.
“It took 3 years for me bago ko ma-realized na gusto ko magturo. Sa totoo lang hinahanap ko pa rin yung purpose ko. Nakakatuwa kasi nakita ko na lang yung sarili ko sa university na to. At maswerte ako na ma-handle ko yung class nyo. Sana marami kayong matutunan sa akin. By the way, let’s start the class by getting to know each other. So ganto, mention your name tapos magbigay kayo ng isang symbol na sumi-symbolize sa personality nyo then explain why. For example: Martin, Dolphin. Dolphin kasi Sanguine ako. Palagi akong madaldal. Outspoken kasi ako. I always want to talk, to speak. Ganun. O kayo naman, let’s start at the back, dun sa babaeng maganda yung mata sa sulok.”
Kinabahan ako. Nag-init yung mukha ko nung tinuro niya ako at sabihing maganda ang mata ko. Ayieee, nakakakilig. Hindi ko alam kung tatayo ba ako kasi nanghihina yung tuhod ko. Baka matumba ako.
“So ms. At the back, what’s your name and your symbol?”
Tumayo na ako. Naginginig pa rin ang tuhod ko, pati ang boses ko.
“Sir, I am Lorenzana Alvarez, and my symbol is turtle.”
“So why turtle?”
“Because I am a phlegmatic person. I used to be shy every time, I used to be timid like a turtle na nagtatago sa shell niya.”
“Oh I see. Sometimes go out of your shell and see the beauty of the world.”
“Thank you sir. Someday I will.”
He smiled at me. Sumikip ang dibdib ko. Parang hindi ako makakatagal sa klase na ‘to. Sa totoo lang, parang hindi kami nagkakilala ni sir Martin sa cafeteria kahapon. It was like he never knew me kung kausapin niya ako ngayon. He is like a professional teacher. Ang galing niya. Pag sa klase, klase talaga walang halong personal things. Kung sa bagay, sino ba naman ako para pansinin niya? Estudyante niya lang ako and it is his job to only teach us. Pero bakit ganon? Parang ang sakit na hindi niya ako i-recognize as someone na nakilala niya kahapon. Ayoko mang isipin, pero nararamdaman ko yung kirot. Ang sakit. It pains to see this man.
The class goes on. Natapos na ang pagpapakilanlan. At the end of the class nagpapasa siya ng 1/8 sheet of yellow paper with name, contact no., address, bday and guardian with contact no. pati motto sa buhay. Nag-ring na ang bell. We pass all the papers at nagsilabasan na. Kahit sa kadulu-duluhan ng klase, wala pa rin akong ma-sense kay sir about sa’min kahapon.
“Hay, napa-praning na ako.”

BINABASA MO ANG
Jeepney Love Story
Fiksi RemajaHindi lang basta sasakyan ang Jeep. Madalas ito ang nakakasaksi sa mga bagay na hindi nakikita ng lahat. Minsan ito rin ang kanlungan ng mga pag-ibig na nagsimula sa pag-abot abot lang ng bayad at sukli. Dito rin minsan nagtatagpo ang mga taong hind...