LIAN’S HEART
Kakakatapos pa lang ng praktis namin. Pumunta na ako sa locker room. Mag shoshower muna ako kasi nga di’ba may lakad kami ni Angel. Nakakahiya naman sa kanya kung amoy pawis akong haharap sa kanya. Habang nagshoshower ako may narinig akong nagkwekwentuhan.
“Hey! Kaibigan niyo ba si Angel??” ?? Sino kaya ‘to. Tsaka bakit niya tinatanong. Hello! Boyfr------. AY! Wala na nga pala kami.
“Yes. Why?” Mukhang si Cliché to aa.
“oo nga. BAKIT??” Tss. Di ako maaaring magkamali si Nick to.
Mga bestfriends pala ni Angel ‘to ee. Mukhang mapapasubo kung sino man itong nagtanong na ito.
“aa. Nothing. I just found her cute a while ago.” Teka! Mukhang kilala ko na kung sino to. Si……
Si ETHAN. Si SIMON ETHAN XOEN.
“cute ka diyan. Ano siya tuta!” Nick
“wala kong sinabing ganyan aa.” Ethan
“tss. Wag mo ng tangkaing ligawan pa un. Kakabreak pa lang nun sa Ex bf niya” Cliché
Mukhang para sa akin un aa. Tss. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko.
“woah! Hahaha. Don’t worry. I just want her to be my friend.” Ethan
“Friend ka diyan. Tss. Wag ka nga Captain. Wag mo na isama si Xianne sa listahan mo” Nick
“Back off Captain” Cliché
“Mukhang maswerte si Angel sa inyo aa” Ethan
“Kahit si Lian maswerte sa kanya pero manloloko lang ung gago. Tatanga-tanga pa dahil pinagpalit niya si Xianne” Nick
Maswerte nga pero hindi pede kasi mas masasaktan ko lang siya pag nalaman niya ung totoo.
“hindi lang tanga. Gago pa.” Nick
Kung nakakamatay lang yung mga salita nila kanina pa siguro ako nakaratay dito.
“Si Lian?? Si Sebastian ung Ex niya?? Wow ha! Kung ako kay Lian di ko na iiwan yang si Angel.” Ethan
“Yeah! It’s Lian” Cliché
“How come that I don’t seen her here in the gym when they were still together?” Ethan
“Hindi naman kasi alam ng buong school na sila dahil ayaw ni Lian kaya konti lang ung nakakaalam na sila nga. Mga malalapit lang na kaibigan nila” Nick
“Pero di’---------” Ethan
TANG INA! Tama bang gawin akong TOPIC dito.
Tapos na ako magshower kaya lumabas na ako.
“tss.” Ako
Nag smirk lang itong si Cliché. Kahit kailan talaga to. Mayabang masyado.
“masyado ng masama ung hangin dito. Alis na ako. Sige na Cliché. Captain una na ko.”
“sure. Ingat. May practice bukas aa.” Ethan
Wow ha! Parang wala ako dito aa.
“Next time. When you’re talking about one person makes sure that the person you were talking about is not there.”(sorry kung wrong grammar)
“So??” Cliché
Kainis kahit kelan talaga to si Cliché super mahangin.
“I’m just sa---”
“Then don’t be too defensive” Cliché
Sabay alis niya. Argggg! Kami pa lang ni Angel ganyan na siya sa akin. Tss. Init talaga ng dugo ko sa taong to.
“Captain, una na ako.”
“Aa. Sure.” Ethan
Kainis talaga ung mga un.
Tapos si Captain mukhang gusto pa si Angel.
Maya-maya biglang nag vibrate ung Cellphone ko.
1 message received
Mytha <3
0935*******
Una na ako aa. Bye. J
Tss. Mytha Claire Ocampo. Mahal na Mahal ko yang babaeng yan. Childhood Friend ko. She’s my Girlfriend. She is my Life now. My Everything. She never said to me that she loves me. Because I know that she was just using me to ease the pain she feels right now.
Nakokonsensya naman ako na iniwan ko si Angel ee.. Pero mahal ko talaga si Mytha ee. Kaya I grabbed the chance nung wala na sila ng Ex niya si Louie. 4 years din sila nun. Kaya nung pumunta siya sa condo ko na umiiyak gusto kong tanggalin ung sakit na nararamdaman niya tsaka gusto ko talaga siyang protektahan. Kaya kahit rebound lang ako ayos lang ang importante kasama ko na siya. Bata pa lang kasi ako mahal ko na siya ee.
Si Angel. Crush ko lang siya. Kaya ko lang naman niligawan si Angel kasi sobrang nagselos ako kila Mytha at Louie nun ee. I saw them almost making out sa isang abandoned room ng school. Napadaan lang ako dun kasi hinahanap ko na ung next kong class ee freshmen pa lang kami nun. Takbo lang ako ng takbo nun. Hanggang sa nakita ko si Angel na kakwentuhan ung mga kaibigan niya isang bench ng school.
I court her for about 3 months. Still. My feelings for her are still the same. Paghanga lang talaga hindi gaya ng feelings ko kay Mytha. Almost one year din ang tinagal namin. Masarap magmahal si Angel na alam kong hindi ako deserving para doon. 1 year ko ng niloloko ung sarili ko na mahal ko siya kahit hindi naman.
And now, I’m looking to the girl I’m about to say sorry for all what I’ve done to her.
A/N: SORRY PO KNG PANGITCHI! WAHHAHAHA.
LAME UPDATE PO BA. SORRY !
Next na ung pag uusap nilang dalawa. ^^
VOTE. FAN. COMMENT.
XOXO. DEUCE <3
