Thank you.

4 0 0
                                    

Natatandaan mo pa ba?
Nung unang beses tayong magkita
Dahil ako? Tandang tanda kopa

Hinding hindi ko malilimutan
Laging nakatatak sa'kin isipan
Pangako mong walang hanggan
At kailanma'y hindi iiwan

Maraming pagsubok man,
Ang sumubok sa'ting pagiibigan
Alam na alam ko naman
Na atin ay sisiw lamang ang paglaban.

Kailanma'y hindi ka ipagpapalit
Tadhana ma'y gano kahigpit
Patuloy na magiging matatag
Para pag ibig natin ay hindi mabuwag

Sinta, O aking mahal
Babe, labs o ano pa man
Lagi mong tatandaan,
Ika'y tunay kong minamahal

Alam ko hindi to magiging madali,
Pero handa akong harapin lahat makasama kalang lagi
Mahal ko, ako sana'y pagtiyagaan mo
Patawad kung minsan sakit sa ulo
Pero sasamahan ka nito hanggang dulo

Alam mo namang hindi ako perpekto
Kaya minsan nakagagawa ng gulo
At ngayon na matanda na tayo
Gaya ng dati, sana ako'y mahalin mo

Salamat sa lahat, aking sinta
Mula sa umpisa nating pagsasama
Hanggang sa mga anak nating may magagandang mukha
Salamat sa lahat, aking sinta
Kahit medyo mahina na ang aking memorya
Hinding hindi magbabago sa akin ang iyong halaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Written PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon