1. Alone

24 1 6
                                    

Jonas and I are getting married!" My bestfriend declared when she invited me for lunchout friday.

Literal na napanganga ako nang ipakita nya sa akin ang singsing na nasa kamay nya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact.

We're only 24. Parang kelan lang nang makagraduate kami ng college. Ni hindi ko pa nga maramdaman na malaya ako dahil patuloy pa rin akong sumusuporta sa pamilya. Ganun din sya. We're simply alike. I never imagined that this day will come. Na ikakasal na sya... Kaagad.

"Okay ka lang?" She asked.

Tumango ako at ngumiti. I cannot let her know what I'm thinking. Baka isipin nyang hindi ako masaya sa desisyon nya when all I think now is how should I absorb this news.

"Kelan nagpropose?" I tried to sound excited. Kinuha ko pa ang kamay nya at tinignan ang singsing making it look like I'm happy for her. Hindi ko makitaan ng amor ang singsing. It's just an ordinary silver ring with a stone. How should I feel?

"Nung nagpunta kami sa La Union," that made me shot her a look.

"La Union? Nag- La Union kayo? Hindi ko alam 'yun," usually she tells me her business for the day or where she went to. Hindi ko alam na nagpunta pala sya sa La Union.

"Secret kasi 'yun. Hindi din alam sa bahay na nagpunta ako run..." Hindi ko alam kung ano ang itsura ko para maalerto sya, "Pero isang gabi lang kami run! Atsaka wala rin masyadong ganap! 'Yung proposal lang by the beach nung nagdidinner kami."

Ginawa ko ang lahat para lang ma-neutral ang mukha ko. I don't know how to react! Uminom na lang ako ng tea na bahagya nagpakalma sa akin.

"Bridesmaid ka," sinabi pa nya. "Okay lang ba na sa cord ka?"

I nodded. "Sure!"

Bumalik ako sa office feeling nothing at all. Napansin nga rin iyon ng mga kaopisina ko.

"Okay ka lang, Pres?" Tanong ng kaopisina kong si Terry.

I sighed. I feel so heavy when I think I don't know how I feel.

"Gusto mong pag-usapan?" She offered. Iyon lang ang naisip kong paraan para lumuwag ang pakiramdam ko... Para malaman ko kung ano ang nararamdaman ko. Someone has to identify this. Kailangan ko ng kausap.

So I told her what happened and she easily found out why I'm sulking.

"Gusto mo ng boyfriend?"

Natawa ako sa sinabi nya.

"Ha? Hindi naman 'yun ang sagot sa kung ano man 'to."

"Hay naku Pres, malay mo naman mapawi ang lungkot mo. O kahit hindi man boyfriend... kahit bagong friend lang." Kumindat ito sa 'kin at kinuha ang phone nya. "You see, may ginagamit akong dating app ngayon pero pwede namang ifriend mo lang yung nga makakamatch mo. I know someone na dun nya nakilala ang bestfriend nya ngayon."

"Hindi ba delikado 'yan? I mean, baka poser o kaya fuckboy o kaya kriminal yung makamatch ko?"

"Syempre pag nararamdaman mong dangerous na, evacuate the area na." At ipinakita na nya sa akin ang application. Ang gwapo ng mga lalaking nandito. Hindi kapanipaniwala. "So you swipe left pag di  mo type yung person and right pag type mo naman."

"Hala baka walang mag swipe right sakin!"

"Edi ikaw ang magswipe right!"

"Diskumpyado ako dyan, Terry."

"You can always download the application for free naman. Tinder ang name."

"Thank you, Terry pero not now. I don't think I need it right now." I told her.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Tinder LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon