part 4

2.2K 68 3
                                    

Kinabukasan, maagang pumasok si Zeik sa eskwelahan.
Nakaupo si Zeik sa balustre ng koridor habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak niya.
Sa ' di kalayuan, nakita niya si Sharina na papadating, ngunit may kasama ang dalaga, at ito ay si Kiko.
Sa 'di malamang dahilan, nakaramdam siya ng pagkainis,

Kaya naman, agad niya itong  sinalubong .

"Hi Sharina!"
Pagbati nito kay Sharina.

Napatingin naman si Sharina sa orasan at nagtaka sa agang pumasok ni Zeik.

"Nilalagnat ka ba? Aga mo ah"
Tugon ni Sharina.

"Siyempre kung nilalagnat ako hindi ako papasok"
Sagot ni Zeik.

Hindi naman siya pinansin ni Sharina sa halip ay nagpatuloy sa paglakad

"Pips. Sabay tayong kumain mamaya ah.."
Sambit ni Kiko kay Sharina.

"Sige Pips, libre mo ba?"
Tanong ni Sharina

"Oo naman Pips, madami na kong utang sa'yo e."
Sagot naman nito.

Tila nagpantig naman ang tenga ni Zeik sa mga narinig kaya nag-isip siya ng paraan.

"Uhmm.. Sharina, pwede bang turuan mo ko mamayang lunch sa assignment? Di ko gets e,"
Tila batang sambit ni Zeik

"Hah? E.. Narinig mo naman siguro, sabay kami ni Kiko na kakain mamaya."
Tugon ni Sharina

"Edi.. Sama ko"

Kampanteng sagot nito.

"Huh? E--"

"Oops.. Anong usapan niyo ni Mama??"

Wala ng nagawa pa si Sharina kundi ang payagang sumama si Zeik. Kahit na ang oras na yon ay hiniling ng kibigan niya para sa kanilang dalawa..

"Uhm.. Pips, napanood mo na ba yung bagong pelikula ni Vice Ganda?"

Tanong ni Kiko. Pareho kasi nilang paborito ang komedyanteng si Vice Ganda.

"Huh? Hindi pa... Gusto kong mapanood yun Pips!"
Sabik na tugon ni Sharina.

"Uhmmm.. Sharina, alam mo marami akong movie ni Vice sa laptop."
Sabat ni Zeik.

"Huh? E napanood ko na lahat yun. Gusto ko yung bago"
Sagot ni Sharina.

"Pips. May bagong libro si Sarah.. Yung author na paborito mo? Nakita ko kanina sa book store"
Sambit ni Kiko.

"Ayyy.. Sayang naman.. Ang mahal naman kasi ng libro ngayon, saka magpapakahirap pa kong magpa book sign. Kaya.. Next time nalang Pips"
Tugon ni Sharina.

Hindi naman nakasagot si Zeik dito dahil wala siyang hilig pagdating sa mga ganong bagay.

Tumunog ang bell at naghiwa hiwalay na ang tatlo upang tumungo sa kani kanilang klase.

Tahimik na nagsusulat si Sharina habang ang mga kaklase naman niya ay nag-iingay nang biglang dumating ang kanilang guro.

"Good morning class!"

Tila may nagdaang anghel at biglang tumahimik ang buong klase.

"Good morning ma'am"
Sabay sabay na bati ng lahat.

Masungit na tiningnan ng guro ang lahat, kaya naman halos lahat ay tahimik at tila maamong tupa kung titingnan,

"Announcement class. Next week, may magaganap na University Youth Game, kung saan ang magkakaibang course ay magkakasama sama sa laro. Gusto ni Ginang Monterial na magkakilala ng lubusan ang mga mag-aaral, kaya naman pinatupad niya ang aktibidad na ito. Hindi mga kaklase ninyo ang magiging kakampi ninyo, mayroon lamang isang pares sa isang grupo. Siya din ang makakatabi niyo sa bus at siya din ang magiging kakampi niyo sa laro."
Anunsyo ng Guro.

When Mr. Casanova Meets Ms. SungitWhere stories live. Discover now