part 6

2K 63 4
                                    

Naglalakad si Zeik papunta sa cafeteria nang salubungin siya ng mga barkada.

"Uy. Pre.. Ano na? Totoo ba ang balita?"
Tanong ni Jonas

"Na anong balita?"

Takang tanong ni Zeik

"Na kayo na."
Sambit ni Andrew

"Ahhh... Hindi pa.."

"Bakit?"
Tanong ni Carl

Naupo si Zeik sa isang upuan malapit dito, at inayos ang buhok bago ipagpatuloy ang pagsasalita.

"Alam niyo.. Mukang nahihirapan ako sa kanya"
Seryosong sambit ng binata.

"Owww.. Ezekiel Monterial?  Nahihirapan ka sa babae?"
Sarkastikong sambit ni Jonas

"Pare? Ano to? Nagka amnesia ka ba? Nakalimutan mo na bang mambilog ng babae?"
Sabat ni Karl.

"Tigilan niyo nga ako..basta.. Papatunayan ko sa inyo."
Sagot naman ni Zeik kasabay ng pag ayos sa polo nito

"Pare.. Dati rati dalawang araw lang nakakapagpasagot ka na. Anyare kay ms. Sungit?"
Tanong ni Andrew.

"Ewan ko nga e.. May kakaiba sa kanya"
Tugon ng binata.

Zeik's POV

Saglit akong napaisip at nagtaka sa kung anong nangyari sakin..

Ano nga bang nangyari Zeik?

Bakit hindi ko magawa kay Sharina yung ginagawa ko sa iba?

Kung tutuusin simple nalang dapat sakin yan e.

Konting pacute konting suyo.. Konting ligaw ..

Yun lang dapat napasagot ko na siya e.

Pero.. Bakit nagaalinlangan na ko sa tuwing naiisip ko na paiikutin ko lang siya.
Nararamdaman kong hindi dapat gawin sa kanya yun. Dahil..
Iba siya.

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

Kinabukasan, alas kwatro pa lang ay marami ng estudyanteng nasa eskwelahan at naghihintay ng hudyat na maaari ng umakyat sa bus.
Ngayon na kasi ang araw ng University Youth Game, kaya naman ang lahat ay sabik at tila hindi na makapaghintay sa nasabing aktibidad.
Isa na rito si Sharina na tahimik lamang na nagbabasa sa isang tabi.
Hindi naman alintana ng dalaga ang pagkukwentuhan ng ilang estudyante para maistorbo siya sa pagbabasa.

'Di katulad ng karamihan..
Hindi sabik si Sharina sa mangyayari sa nasabing activity sa batangas lalo pa't makakasama niya maghapon si Zeik.

Hindi niya alam kung magiging komportable ba siya rito o maiinis dahil sa kahanginan ng binata.

Ilang minuto lang ang nagdaan, binigay na ng propesor ang hudyat na maaari na silang umakyat ng bus at dito nalang din maghintay ng ilan pang mga makasama.

Tahimik na naupo si Sharina sa bus at nag head phones saka pumikit para umidlip muna sandali dahil masyado pang maaga at malayo pa ang biyahe.
Hindi rin naman nagtgal at nakatulog na kaagad ang dalaga.

Wala pa siyang katabi dahil wala pa si Zeik kaya naman solo niya ang pwestong iyon.
Maya maya pa'y dumating na si Zeik kasabay ang mga barkada.

Nakita agad ni Zeik ang upuan dahil nakita niya si Sharina na natutulog,
Natawa naman si Zeik sa posisyon ng dalaga, dahil payapa itong natutulog habang nakanganga.

Agad ding naka-isip ng kalokohan si Zeik, kinuha nito ang cell phone at agad na kinuhanan ng litrato si Sharina.
-
-
-
-
-
-

Nagising si Sharina sa pagyugyog ng bus. Umaandar na pala ito kaya napagalaman niyang mahaba haba din ang itinulog niya, napatingin siya sa bandang kaliwa niya, at dito, nakita niya ang payapang natutulog na si Zeik.

When Mr. Casanova Meets Ms. SungitWhere stories live. Discover now