Chapter 10 : New Friend
*************************************
[Venice' Point of View]
1 Month Later...
"Move on, move on rin!" sinapok ko naman sa ulo si Marie. I sighed.
That day.. Nalaman ko ang nararamdaman ko kay Clarence. Hay. Ang hirap talaga pag huli mo na nalaman ang nararamdaman mo.
Nakakaimbyerna. Nakakafrustrate. Nakakaiyak. Nakakatakot. Nakakabanas. Lahat na ng 'nakaka' na nega.
"Kasi nakapabagal makiramdaman!" sinamaan ko naman ng tingin si Rina. Hindi sila nakakatulong! Promise!
Oh kung nagtataka kayo. Minadali ng dad ni Shayne yung kasal. 2 Weeks pala ang lumipas simula nung ikinasal si Shayne. Ang hirap sabihin na may asawa na ang bestfriend mo..
Pero.. mas mahirap isipin na nakatali na yung lalaking mahal mo. Ahhhhhhhh! Paano ba ako makakamove on neto? Nakakabanas!
"Punta na lang tayo sa Park 18." suggest ni Elize. Kanina pa kasi kami tambay dito sa bahay at wala rin kaming ginagawa.
Um-oo n lang kami at nagayos. Gumora na rin kami.
PARK 18
Park 18. Para lang siyang park pero may malawak na soccer field at basketball court. Sa may soccer field may mga telescope dun na nakatabi sa gilid para sa mga taong gusto makita ang mga bituin pag gabi.
Wala si Shayne. Umupo naman kami sa bench malapit sa soccer field.
Nakatingin lang ako sa langit. Hay. Ang komplikado ng buhay argh.
"BOOOOO!"
"AAAAAAAAAAAAAAAH! PUT@#$%!" Napalingon naman ako dun sa taong nangulat. Si.. Clarence.
Inirapan ko siya at tumingin ako sa soccer field kung saan naghahabulan sila Marie. Nandun na pala si Shayne.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka sumama sa kanila?" narining kong tanong ni Clarence. Bakit ba ako kinakausap netong taong 'to?
"Pake alam mo?" mataray kong sabi. Nababanas ako. Nararamdaman ko kasing kumikirot yung puso ko! AAAAAAAAAAH! nakakafrustrate.
"Bakit mas tumaray ka lalo? Meron ka ba ngayon?" Siniko ko naman siya sa tyan niya. Napa 'owww' naman siya.
"What was that for?" kunot noo niyang tanong.